Chapter 6

77 3 0
                                    

Sorry sa late UD.. Super busy lang..

-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-

-o-ROEE'S POV-o-

"Lian, gising na! Male-late ka kung 'di ka pa babangon." sabi ni Kuya Ge. Panganay naming kapatid.

"Kuya, mamaya na. Inaantok pa ako eh."sabi ko

"Ayaw gumising eh."sabi ni kuya sa taong hindi ko alam kung sino.

"Sige po, kami na lang."teka, boses ni Cami yun ah. "Girl, gising na, male-late tayo."

"Ano bang meron ngayon at lahat kayo ginigising ako? Ang aga-aga pa kaya." ako na medyo inaantok pa.

"Ano ka ba, First day of classes ngayon. Nakalimutan mo na ba?" -Mae. Hindi ako sumagot, nakalimutan ko eh.hehe

"Nakalimutan nga. Girls, alam niyo na ang gagawin."-Cami. Pagkasabi niya noon, napabangon agad ako.

"Fine, gigising na. Lumabas na kayo ng kwarto ko. Maliligo na ako." hindi ko na sila hinintay, pumasok na ako sa CR at naligo na.

Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang nasa mall kami tapos ngayon pasukan na. Noong mga nakaraang araw, wala namang ibang nangyari. Lalabas kaming lima, minsan kasama din si Alex, nakaka-salubong si Kesz at si Abel.

Pagkatapos ko maligo, lumabas na ako sa banyo, alangan namang mag-stay ako doon edi hindi ako nakapasok. Pag-labas ko nandoon pa rin sila.

"Bakit andito pa rin kayo?"-tanong ko

"Eto isuot mo para pare-pareho tayong lima." sabay abot sa akin ng jeans, wedge at white t-shirt.

"Okay. Now, lumabas na kayo." at lumabas na din sila. Ako naman, nagbihis na.

-o-o-

Andito na kami ngayon sa school. Geez, ang laki pala talaga nito, kaya pala pinapalipat ako nila Cami dito kasi marami ang section, di tulad sa Colossus, isa lang.

"Guys, doon na ako sa Gym ha. Malapit na kasi mag-start yug assembly. Bye." sabi ni Mae. Oo nga pala. Student Council Issues.

"Sure. See you later. Tour lang namin si Roee."- Cami

"Uy girls, nag-text si Sir Pedroza. Practice daw kami. Bye." at umalis sna rin si Ampe.

"Ay. may meeting din pala kami sa Hunters, kailangan daw i-cover eh. Bye." umalis na din si Faye.

"Cami, sino si Sir Pedroza at ano ang Hunters?" tanong ko.

"Ah, si Sir Pedroza, Music Teacher. Adviser din ng Halcyon Chamber Choir. Member si Ampe. Ang Hunters naman ang official school paper. Writer si Faye." sagot niya.

"Ahh, okay. Saan ba yung canteen? Gutom na ako eh." sabi ko kay Cami kasi hindi kami nag-breakfast kanina.

"Ako nga rin eh. Halika, punta tayo. May 30 minutes pa para kumain." tapos lumakad na kami papuntang canteen.

-o-o-CANTEEN-o-o-

"Roee, upo ka muna dito, order lang ako. Ano ba sa'yo?"- Cami

"Kung ano na lang sa'yo. Hindi ko naman alam mga tinda dito eh." ako

"Okay. Diyan ka lang ha?" sabi niya bago umalis.

Pagka-alis ni Cami, nawala na siya. Joke! Tinignan ko lang yung mga estudyante na kumakain nang may tumabi sa akin at tinakpan ang mga mata ko.

"Sino yan? Pakitangganl nga yung kamay mo sa mata ko." ang higpit kasi ng takip niya sa mata ko.

"Bro. Hindi ka naman ata kilala eh. Niloloko mo lang ata kami." sabi nung isa. Feeling ko madami sila.

"Kilala ako nito tol. Kasama siya nila Cami. Yung lagi nilang kinu-kwento sa atin. Si Roee." Teka, parang si Kesz to ah.

"Tigilan mo na nga yan." uy, si Alex yun.

"Kesz, ang sakit na ng mata ko. Please tanggalin mo na. Ang higpit eh." reklamo ko. Buti na lang tinanggal na niya.

Pagka-alis niya ng kamay niya, tumungo ako. Ang sakit talaga! Ang labo tuloy ng paningin ko.

"Sabi ko sa inyo kilala niya ako eh." sabi ni Kesz. Proud pa eh ang sakit na nga ng mata ko. Sira ulo to.

"Roee, okay ka lang?" naramdaman kong pumunta si Alex sa tabi ko at pilit inaangat yung ulo ko. Cami, asan ka na ba?

"Kesz, ano ba kasing ginawa mo?" mukhang galit na si Alex.

"Tinakpan ko lang yung mata niya." depensa ni Kesz.

"Roee, si Alex to. Angat mo na yung ulo mo para makita na natin yung mata mo." parang sincere siya kaya inangat ko na yung ulo ko. Medyo masakit pa rin eh.

"Anong nangyari? Masakit ba?" tanong niya kaya tumango ako.

""Roee, sorry. Hindi ko naman alam na mahigpit na yung hawak ko eh. Sorry na." pangungulit nito.

"Okay lang. Sa susunod, 'wag mo nang uulitin yun. Mabilis kasing ma-irritate yung mata ko eh." sbai ko.

"Roee, eto na yung pagkain natin... Oh, anong nangyari dito?" buti na lang dumating na si Cami.

"Tinakpan kasi ni Kesz yung mata ni Roee. Medyo mahigpit kaya sumakit." paliwanag ni Alex.

"Naku, Kesz. Ikaw na naman. Madaling ma-irritate yung mata niya. Pag na-infect yan, lagot ka sa akin." sabi ni Cami

"Kaya nga nag-sorry eh. Kulit." -Kesz

"Okay na diba? 'Wag na kayong mag-away." sabi ko para matigil na sila.

"Sige na nga. oh kain na tayo. Malapit na mag-time."- Cami.

Habang kumakain kami, nag-iingay si Kesz. Si Alex laging nagtatanong kung okay na ako. umo-oo na lang ako.

"Ay Roee, sila nga pala yung mga ka-tropa namin ni Alex."- Kesz

"Yung nasa pinaka-left si Zack, sunod si Jethro, Tapos si Jae, tapos si Iñigo, at si Lift. Kilala mo na siya diba? Kuya ni Cami."-Kesz. Kilalang-kilala ko si Lift no, kung di niyo lang alam. Bale ang seating arrangement namin ay ganito:

Zack-Jethro-Jae-Iñigo-Lift

Kesz-Cami-Ako-Alex

Medyo naiilang ako kasi puro lalaki yung kasama namin, sanay naman ako kasi dalwa yung kapatid kong lalaki pero tingin kasi ng tingin sa akin si Lift tapos si Iñigo, nakatitig lang.

"Ahh, mga tol, baka naman malusaw si Roee sa mga titig niyong dalawa." patungkol ni Kesz doon sa dalawa. Nagtawanan naman yung iba.

"Ah Roee, ano ang buo mong pangalan?" tanong ni Iñigo.

"Lia---"

"Lianroe Grace Pangilinan" putol ni Lift sa sinasabi ko.

"Marunong ka bang kumanta?" -Iñigo

"Hindi lang marunong, magaling siyang kumanta." siya na naman.

"Saan ka nakatira?" hindi na ako sasagot.

" Sa tabi ng bahay namin." kitams, siya uli.

"Teka lang Lift at Iñigo. Baka naman matunaw na talaga siya dahil sa mga titig niyo. And Lift, bakit ikaw ang sumasagot para kay Roee?" sa wakas may umawat din dito sa dalawa. Si Zack ata to.

"Kilala niyo ba ang isa't isa?" tanong ni Kesz.

"Kilalang-kilala" sabay naming sabi na lalong nagpa-confused sa kanilang confused na mukha.

THIS IS TROUBLE.



Behind the SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon