-o- ROEE'S POV -o-
Pagkatapos ng most embarassing moment of my life na inabot ng mga 30 minutes bago sila makarecover ay bumalik na sila sa reyalidad na hindi ko boyfriend si Iñigo.
"Okay, nahanap niyo na ba ang katinuan? Pwede ko nang i-introduce ang unang guest natin?"- Kesz said, medyo natatawa pa siya.
"I guess we're all ready. Tinatawag ko po ang atensyon ng ating punong-guro na si Principal Marielle Aranas para sa kanyang opening remarks. Tita, huwag na shy type. Hindi bagay." Tawa ulit. Mga 'to, puro tawa. Maya-maya, may babae na na umakyat sa stage. Mga nasa late thirties siguro. Siya ata si Ms. Aranas.
"Akin na nga yan. Sinisiraan mo pa ako sa mga estudyante eh." tapos kinuha na niya yung mic kay Kesz.
"So Goodmorning everyone. Para sa mga hindi pa ako kilala, I am Principal Marielle Aranas, principal of this school. Para sa kaalaman ng lahat, pamangkin ko 'yang si Kesz kaya kung maka-bully wagas. Sino ba kasi ang bumoto diyan? Siguro nagpa-uto kayo sa kanya? Tandaan niyo tong lahat. Huwag kayong magpapa-uto dahil sa huli, ikaw din ang masasaktan."
"Ang bitter mo tita!"singit ni Kesz at ayun, nagtawanan na naman sila.
"Kesz, ginugulo mo ang speech ko. Manahimik ka muna diyan. As I was saying, 'wag kayong magpapa-uto or magtitiwala kung kani-kanino dahil hindi natin lubos na kilala ang mga nakapalihid sa atin. Sa panahon ngayon, maraming tao na ang nasasaniban ng mga masasamang elemento. Hindi multo ang tinutukoy ko kung hindi mga mandurukot, holdaper, kidnapper and such. So para maiwasan ang mga masasamang pangyayari, napag-usapan naming board members na magkaroon ng buddy buddy system. Isang babae at isang lalaki dapat. Hindi namin ginawa to para may mabuong special kung hindi para maprotektahan ng boys ang mga girls. In this way, mababawasan ang mga accidental or dangerous cases. So any questions about this matter?"tanong bi Ma'am Aranas.
Maya-maya, biglang bumukas yung pinto ng gym at pumasok ang tatlong lalaki na I guess ay varsity players pero hindi ko alam ang sport. At infairness, ang pogi nung nasa gitna.
"I guess uulitin ko ang sinabi ko kanina. Para sa inyo Mr. Madrigal amd company, napag-usapan ng board na magkaroon ng buddy buddy system. Boy-Girl to be exact. Not to develop some relationship but to lessen the dangerous crimes around us. Boys need to protect the Girls kaya ganon ang system. Pwede ang taga-ibang section. You need to pass the pairings to my office next week. Tuwing umaga at hapon lang naman kayo required na magkasama. It's up to you kung pati lunch sabay kayo. So may tanong pa ba kayo?" tanong uli ni ma'am pero walang nagtaas ng kamay kaya nagsalita uli siya.
"Okay so I would like to welcome all the new students here in our school. I hope that you'll not regret that you chose Halcyon High. Hindi ako mangangako na magiging masaya ang stay niyo dito dahil hindi ko naman alam yung mga experience niyo sa past schoil niyo. Sana magkaroon kayo ng mga bagong kaibigan. So again, sa mga lumot na dito, help your new classmates to adapt our environment, okay? So once again, I welcome you all to the very first general assembly of Halcyon High school year 20**-20**." At palakpak ulit. Tapos kinuha na ni Kesz yung mic.
"Okay, thank you tita para sa speech mo. Now, ipapakilala ko sa inyo ang members ng Student Council para pag may tanong kayo ay madali niyo silang makikita." Tapos sinenyasan niya yung mga members na lumapit sa stage.
"First, our Student Council's President. Ang poging-pogi, charismatic, friendly, funny, at lahat na ng good adjectives. Yours truly, Kesz Lawrence Hidalgo of IV- Taurus. Next, our Vice President, the very beautiful, lovely, and nice, Ellyream Mae Sanchez, also from IV-Taurus. Next, blah blah."
Ang haba ng introduction, medyo nakaka-boring na. Pag-lingon ko, nakita kong nakatingin sa akin yung lalaking cute na late pumasok kanina dito sa gym. So creepy yet so pogi. Kinalabit ko nga si Cami.
"Uy Cami, ano nga uli yung pangalan nung lalaki na may kasamang dalawa pa na late pumasom dito sa gym?"tanong ko.
"Bakit mo naman gustong malaman?"-Cami.
"Tingin kasi ng tingin sa akin eh, ang creepy."sagot ko naman dahil iba na yung tingin niya sa akin.
"Ah ok. Siya si Mark Austine Madrigal. Para sa amin, siya ang pinaka-poging volleyball player. Lagi siyang nakangiti, pero shy type yan. Puro ka-varsity lang ang laging kasama. Pero kapag nasa court yan at naglalaro, shet! Ang pogi." Sabi ni Cami na kinikilig pa.
"Ah ok."sabi ko, tapos bigla siyang tumigil sa pangingisay at tumingin sa akin na para bang isa akong alien.
"Ok? Yun lang ang sasabihin mo?"tanog niya at inalog-alog pa ako.
"Bakit? Ano bang dapat kong sabihin? Wala naman siyang pinagkaiba sa ibang varsity."sabi ko at ang bruha, hinampas pa ako.
"Hindi ka ba na-pogian sa kanya? Ay, hayaan mo na nga. I know naman na loyal ka kay Abel kahit break na kayo eh." At sa pag-sabi niya nang pangalan ni Abel, patang nakita ko siya. No. Impossible! Hindi yon lilipatm loyal yon sa Colossus eh.
"Cami, parang nakita ko si Abel."sabi ko kay Cami na mukhang nagulat.
"Weh, asan?!"tapos lumingon ssiya at humarap uli sa akin. "Wala naman eh. Hay naku Roee, baka naman namalik-mata ka lang."tapos tumingin na siya sa may stage.
"And for our Sports Team. For volleyball, Team Captain Mark Austine Madrigal and his teammates." Sabi ni Kesz at...
"Ahhhh. Ang pogi mo Mark!"
"Akin ka na lang."
The crowd went wild.
"Thanks Mark. Ngayon para sa ating Basketball Team. Let's call on our Captain Ball Iñigo Nathanealle Santos together with his teammates and their newest member. Our school's exchange student from Colossus High...."
"Cami, Colossus daw!" Sabi ko kay Cami.
"Girl, relax." Sabi ni Cami.
"The son of our teacher Vivieka Rodriguez, Abel Darius Rodriguez."
Siya nga. Sinusundan ko lang siya ng mga mata ko hanggang sa tumigil siya sa gitna ng stage. Nilibot niya ang paningin niya at doon na nagulantang ang mundo naming dalawa nang magtama ang aming mga mata.
BINABASA MO ANG
Behind the Silhouette
Roman pour AdolescentsLove? Pwede kang maging BITTER dahil jan. Dito mo rin malalaman ang true meaning ng salitang CARE at PROTECT pero paano kung yung tao na gumagawa sa iyo nun ay ang uri ng tao na nagkaroon ka ng PHOBIA? Mamahalin mo pa rin ba siya o kakalimutan dahi...
