C O U R T S H I P

6 0 0
                                    


Courtship.

Panliligaw.

Uso pa ba ngayon? May ligawan pa ba ngayon na umaabot ng isa o dalawang taon katulad noong unang panahon?

Sa tingin ko wala na. O kung meron man, bibihira na rin ata. 

Kasi meron na tayong kasabihan na "Hindi panliligaw ang pinapatagal, kundi ang relasyon."

May point din naman ang nabanggit. Pero at the same time, may maganda ring maidudulot ang pagpapatagal ng panliligaw. Kasi doon mo malalaman kung hanggang saan ang pagmamahal nya sayo. Kung kakayanin nya ba maghintay para sa matamis mong "oo". 

Ang iba kasi di ba? Nababagot kapag pinapatagal ang pagpapaligaw. Ang ibang lalaki kasi gusto sa mabilisan. Yung hindi pinaghihirapan. 

Ang iba naman sobrang tagal nanligaw tapos sa huli, lolokohin ka rin naman. Sila yung mga lalaking di makuntento. Hindi makita worth mo bilang babae. Hindi nila makita na swerte na sila. Kaya minsan huli na kung magsisi. 

Para sa inyo? Mas ayos ba na pinapatagal ang panliligaw? O sagutin agad at relasyon ang patatagalin? Nais kong malaman ang pananaw niyo ukol dito. 

Depende sa situation din kasi ano? Swerte na lang talaga kung matagpuan niyo na yung taong nakatadhana talaga para sa inyo. Napaka swerte ng iba na natatagpuan nila agad o di kaya natagpuan na nila yung taong magpaparamdam sa kanila ng sincerity ng love towards sa kanila. Like, saan po nakakabili nun? Saan meron nun? Haha. 

Para sa akin di naman minamadali ang mga bagay bagay. Everything will fall on its right time at the perfect moment. Lahat naidadaan sa prayer. Mas ok yung pinagdasal ka niya para makasama for a lifetime hindi yung puro lang pangako at salita na ihaharap ka nya sa altar. 

Ipagdasal mo na mapunta ka sa taong makikita halaga mo. Hindi ka "babae lang". BABAE KA. 

Ipagdasal mo na mapunta ka sa taong may parehong paniniwala na hindi lahat ng bagay makukuha ng mabilisan. 

Ipagdasal mo na mapunta ka sa taong may parehong paniniwala kay Lord. Mas maganda na si Lord ang maging center of relationship niyo. 

Dahil kapag may diyos sa puso ng tao, maiintindihan nya lahat. Maiintindihan nya na di lahat perfect. Makikita nya halaga mo. Mamahalin ka nya sa paraang alam nyang deserve mo. 

Ang sarap ng pakiramdam na in love. Ang sarap sa pakiramdam ng minamahal at nagmamahal. 

DESERVE MO ANG LAHAT NG PAGMAMAHAL SA MUNDO. 

DESERVE MONG MAHALIN. 

Kalma lang. Darating din ang pagmamahal na pure ang intentions sayo. 

It's worth the wait. Just pray. 




Sa Likod ng HinaharapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon