"WALA NAMANG MAY GUSTO SAKIN."
Naririnig ko kadalasan sa mga taong di nakikita yung worth nila.
"PANGIT AKO. WALANG CHANCE NA MAGUSTUHAN NYA AKO."
Bakit kaya ano? Sa panahon ngayon, more on physical appearance na batayan natin.
Marami na namang magsasabi dyan "naku, hindi ahh. Ok lang sakin kahit pangit. Di naman importante yung itsura eh. Ugali pa rin ang mahalaga."
Please lang. Wag na tayo magpaka impokrita. Aminin na natin, minsan di nating maiwasan na bumase sa itsura.
Sa mga manliligaw mo ate. Aminin mo, tinitignan mo una ang itsura. Pogi ba? Maputi? Magaling pumorma? To follow na lang yung ugali at yung HUMOR. Kung meron man.
"Ang itim nya bes. May gaaad. Nakakahiya kayang ibalandra sa mall o ipakilala sa mga parents ko na sya boyfriend ko. Duhhh. Kung sya lang naman, wag na lang."
Tanungin mo rin sarili mo ate. Kagandahan ka ba? Kaputian ka ba? Kung hindi, wag ka nang choosy.
Kung magjojowa ka wag yung pang display lang. Mag jowa kayo kung handa na kayo. Responsibilidad yan, hindi laro lang.Tao rin yan hindi picture frame na pang display. OK??
"Nako brad. Nakita mo yung babae kanina dun sa kabilang building? Shocks pare ang putiiii. Ang sexy pa. Ang gandaaaa. Liligawan ko agad yun brad. Tignan mo, mapapasagot ko rin yun."
Etong mga ganitong lalaki? Sana malusaw na sila sa mundo.
May mga kuya rin tayong katawan agad ang tinitignan sa babae. Basta sexy ok na. Basta maputi ok na. Haaay.Uulitin ko, mag jowa pag handa na.
Hindi yung porke't niligawan ka lang ng pogi sa campus niyo gogora ka na agad.
Hindi porke't nakita mo lang na maganda at sexy nag-iisip ka na agad ng kung ano-ano. Liligawan mo agad.
Tandaan niyo:.
Hindi lahat ng mapuputi, maganda't pogi. Yung iba kabaliktaran sa ugali. Maitim ang budhi.
Hindi lahat ng sexy at may abs, hot. Utang na loob wag puro l*b*g. Isipin niyo muna kung may utak ba yan. Baka mamaya nyan mag break lang kayo dahil sa di kayo magkaintindihan.
Huwag puro itsura. Minsan mas maganda kung kilalanin muna natin ang mga taong makakasalamahuha o makikilala natin.
Huwag natin silang husgahan base sa kanilang itsura o pananamit. Wala tayong karapatang manghusga dahil lahat naman tayo may mga imperfections.:)
Para naman sa mga taong dina down ang mga sarili nila,
CHIN-UP. BE PROUD. Anak tayo ng diyos at wala syang creation na pangit. Oo. Marami tayong imperfections pero it doesn't mean na wala ng good side satin. Kahit hindi ka kaputian, maganda ka. Pogi ka.
Parang repolyo lang yan. Sa unang layer akala natin bulok na. Inuuod. Wala ng silbi. Pero kapag binalatan nang binalatan mo, dun mo makikita ang tunay na kulay.Sariwa. May silbi. Masustansya.
Sana mainspire tayo ng repolyo. :) Hihi.
Langit. Araw. Bituin. Mga halaman. Mga hayop. Bundok. TAO. TAYO.
Lahat tayo nilikha ng diyos. Lahat tayo may silbi. Lahat tayo may ganda.Lahat tayo magbibigay ng liwanag sa lahat.
Sa likod ng hinaharap.
Sa likod ng kayumanggi mong kulay, may nakakubling kagandahang loob na magdadalang liwanag sa personality mo.
Sa likod ng mga bilbil na pilit mong tinatago dulot ng insecurities, ay may nakakubling masayahing mukha na daragdag sa kagandahang taglay.
Sa likod ng mga makakapal mong salamin, loose shirts at makakapal na kilay, ay may nakakubling sandamakmak na talino na magiging points mo para umasenso sa buhay.
Sa likod ng di mo katangkarang height, ay may nakakubling matayog na pangarap na umangat sa buhay.
Sa likod ng hinaharap.
Sa likod ng mga insecurities mo, laging tatandaan na may ganda at talento tayong taglay na pwede nating maipagmalaki sa hinaharap.