Is cheating a choice or mistake?
C H E A T I N G
Ewan ko ba pero parang nasa uso yan ngayon.
Akala ko dati sa pelikula lang nangyayari yung pangangaliwa.
Even in real life, nangyayari na.
At ang sad part dun, PARANG NORMAL NA LANG sa relasyon ang Cheating.
----------
So, I came up with this topic kasi trend talaga sya ngayon.
That Julia-Gerald-Bea issue. HAHAHA and of course, me myself and I. Di rin nakaligtas sa cheating issue na yan. Haaay. Yung taong gumawa nung sakit, wala na. Pero yung sakit andito pa. Geez. Tissue. HAHAHA
Well, is cheating a choice or mistake?
Iba-iba magiging opinion natin for sure about this issue. Pero para sakin, it's a choice.Bakit sya nag cheat? Bakit nya ako niloko? San ba ako nagkulang?
Yan ang unang unang tanong na papasok agad sa isip natin. Kanino ang kulang? Saan ang kulang? Hindi naman po ako love expert so I'm writing a topic about this dahil na rin sa experience ko.
Cheating is a choice. Never been an accident or a mistake. Yung magsinungaling ka lang sa partner mo, cheating na yun. Mag delete ng convo, cheating na yun. Makipagchat sa isang random guy or girl and may balak ka pa makipag meet is CHEATING! (ginawa na yan sakin lul 😂)
Sa mga readers ko dyan? Hihingiin ko din opinyon niyo. Bakit kaya nagchi cheat sila? At ano kayang reasons kung bakit kailangang mag cheat?
Bakit kailangang mag cheat? Kung pwede namang, kapag di kana masaya, hiwalayan mo na. Yung kapag di kana masaya, kausapin mo partner mo. Ayusin niyo. Hindi yung, porket di kana masaya, nawala na yung kilig, nawala na yung excitement, MAGHAHANAP KA NG IBA. Nakakabastos po yun.
Sana naman po bago niyo ginawa yun, inisip niyo muna mararamdaman ng partners niyo. Inisip niyo muna ang mga taong pwedeng maapektuhan. Sana inisip niyo na di madaling mag move on. Lalo na kapag legal po tayo both sides, oo?? Pati mga magulang natin kailangang mag move on! Jusko! HAHA
Na maraming gabing gugugulin namin para sa mga luha na di niyo naman deserve. Na maraming gabing di kami pinapatulog ng mga thoughts namin kung saan kami nagkulang o san kami nagkamali. Kung bakit kailangan naming ma feel yung pain? Though alam naman naming di namin deserve yun kasi sobra sobra yung pagmamahal namin. Ang malaking tanong BAKIT?BAKIT KAILANGANG MAG CHEAT?
Kung di sya enough, sana naman sa simula pa lang di mo na niligawan. Kung di mo nagustuhan imperfections nya, sana naman wag niyong hanapin sa iba mga pagkukulang nya. Love your partner the way they deserve. Kung alam niyong maswerte na kayo, them huwag niyo nang pakawalan. You should fight for her EVERYDAY. Hindi lang sa simula. Dyan lang kasi kayo magaling di ba? Sa simula. Pag nakuha na yung "oo" biglang boooogsh! Nag fade na yung mga mabulaklak na salita. Boys or even girls, wag po sana ganun. Love is all about consistency, communication and understading. Kung lahat lang sana meron nyan, I think, nasa perfect relationship kana. Date someone not just to be in your present, but someone whom you can see your future with. ❤SA LIKOD NG HINAHARAP.
Sa likod ng mga ngiting nagbibigay liwanag sa ating mata, ay yun ding may madilim na puso tayong punong puno ng katanungan kung saan ba tayo nagkulang.
Sa likod ng kanilang mabulaklak na mga salita, ay may tila dila ng ahas na makamandag sa tuwing tayo'y napapakagat nila.
Sa likod ng napakasayang simula, ay may kaakibat na pagtatapos na tila binibitin tayo at walang maayos na sagot.
Sa likod ng mga salitang MAHAL KITA, ay may nakakubli palang pait at lungkot na sa mga darating na araw ay di natin inaasahan.
SA LIKOD NG HINAHARAP.
Sa likod ng hinaharap mong sakit, huwag mawawalan ng pag-asa besh. In case of love, just pause; NOT stop. 😊