Too Much

33 0 0
                                    

Marami pa ring mga tao na proud na proud sa sarili nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Marami pa ring mga tao na proud na proud sa sarili nila.

Self-opinionated. Proud. Self-conceited. Egotistic.

Lalim. Galing yan sa Merriam-Webster Since 1828. Kumpleto. Kinumpleto ko para sayo. Para naman mafeel mo kung ano pakiramdam ng buo. Walang kulang. HAHAHA.

Back to the topic, oo. Marami-rami talagang mga taong kulang na lang bigyan ng award mga sarili nila.

Ayoko maging rude sa kanila pero MAYABANG talaga sila. Di talaga ako naiinis sa kanila pero MAYABANG talaga sila.

Di nila alam ang salitang HUMBLE. Di nila kayang matanggap na nahihigitan sila. Di nila kayang maikwento mga weakness nila.

Lagi silang MAGALING. Yeah. Acting as if they know EVERYTHING. Napapa english ako sa inis. Hanep.HAHAHA.

Anyway. MAGANDA pa rin ako. HAHAHA. Humble ako noh.MAGANDA lang ako. Yung mga to the highest na, DYOSA na sila. HAHAHA. Kaya HUMBLE pa rin ako. *sigh* HAHAHA.

Back to the topic;

Minsan wala naman talagang masama umamin na mahina tayo. Kasi not all the time naman kaya natin lahat.

Kung sinasabi mong kaya mo lahat at wala kang weaknesses, aba! Werpa! Lodi na kita. HAHAHA. Kasi hindi ka tao kung ganun.

Pero kahit nga mapa bagay, lugar, hayop; lahat naman yan may mga imperfections. Kaya huwag mong sabihing kaya mo lahat, na angat ka na sa lahat. Kasi hindi ka diyos. Uulitin ko, HINDI KA DIYOS.:)

Minsan may kakilala akong walang ibang lumalabas sa bibig nya kundi papuri sa sarili nya.

" Yung asawa ko grabe, bumili ba naman ng Nike na sapatos. Jusko. Ang mahal kaya nun."

" Kagabi namili kami sa mall...."

"Uy alam niyo masarap to kung dagdagan ng konting lasa. Kasi ako nung nagluto nyan ganyan ginawa ko. Masarap sya."

"Kami ng asawa ko masaya."

"Kahapon bumili kami ng Washing Machine."

Kulang na lang ikwento nya pati posisyon at itsura nya kung pano matulog.

Kung ilang subo ng kanin ang nakain nya kagabi.

Kulang na lang din mag walk-out ako pag nagkukwento na siya.

Kasi kung sa pelikula ng pinoy, ALAM MO NA ANG ENDING. Wala ka nang gana manuod kasi alam mo na ang susunod na mangyayari. Kasi PAULIT-ULIT NA LANG.

May mga tao ring kapag kasama mo sila, manliliit ka. Kasi sila ang bida. Sila ang tama. Mas ipapamukha pa nila sayo na mahina ka. Na hindi ka magaling.

Kaya ikaw, mananahimik na lang.

Hindi dahil sa mahina ka kaya mananahimik ka na lang, kundi tanggap mo na may kahinaan ka at hindi sa lahat ng bagay magaling ka. God bless you :)

Minsan mapapaisip ka kung bakit may mga nag eexist na ganyang klase ng tao.

Siguro para apihin tayong mga low-key lang? HAHAHA. Pak na pak! Parang teleserye lang. HAHAHA. Bida at api. HAHAHAHA

Ok. Too much happiness -_-

Siguro para mamotivate din tayong mga humble lang na iimprove sarili natin? Di natin alam. Doon siguro sila masaya no? Kapag napupuri sila. Kapag naipapakita nilang magaling sila.

Sa sobrang paglilift nila sa sarili nila, di nila napapansin na unti-unti ng nababawasan ang pagkilala ng mga tao sa paligid nila.

Sa sobrang dami nang kanilang nalalaman at nakukwento, di na nila napapansin na marami na ding nakakaalam ng mga bagay na dapat sekreto lang; na dapat pang personal nang buhay.

Sa likod ng hinaharap.

Sa likod ng mga magagarang sasakyan at palamuting nakapulupot sa kanyang katawan, ay may lihim na pait sa kanyang buhay.

Sa likod ng pagka- proud nya sa sarili nya, ay may nakatagong insecurities din na hindi nya matanggap-tanggap.

Sa likod ng marangyang buhay na ipinagmamayabang nya, ay may tinatagong problemang pasan.

Kaya siguro ganun sila, para matakpan lahat ng kalungkutan nila sa buhay.

Nakakalungkot lang.

Sa likod ng hinaharap.

Sa likod ng mga papuri ay may darating na kagipitan sa hinaharap.

Sa likod ng mga lakas ay may haharapin tayong nakakapang-hina.

Sa likod ng mga yaman, ay may kakaharapin tayong unos pagdating ng araw.

There's no such thing as "perfect".

Maaaring maayos ngayon ang buhay, pero malay natin sa mga susunod na araw makarating tayo sa sinasabing "unos".

Maging mapagkumbaba. Kasi hindi sa lahat nang oras nakaka-angat tayo.

Makuntento at ipagmalaki kung anong meron tayo. Huwag ikahiya. Dahil dyan tayo mas maaappreciate ng mga nakapaligid satin.

Happy lang. :)


Sa Likod ng HinaharapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon