Di naman tayo naglalaba pero bakit umaapaw PRIDE mo?
Detergent powder yarn? HAHAHA ok. Ang ligalig. 😑
May dalawang uri ng tao, yung mapagpakumbaba at sobra ang pride sa sarili.
Sabi ni Google Translate, PRIDE in Tagalog means
1. Pagmamalaki
2. Kayabangan
3. Pagpapahalaga sa sariliMay I elaborate this to you para mas lalo humaba pa itong topic na ito, kunwari ang galing ko. HAHAHA
Una, PAGMAMALAKI. Eto yung pride na tulad ng mga atleta natin o sino mang indibidwal ang nakakapagbigay ng pagkakakilanlan sa ating bansa. Positibo. Kaaya-ayang PRIDE. Eto yung pride na mapapa sana all ka na lang. SANA ALL PRIDE. SANA ALL MAGALING. Gets?
Pangalawa, KAYABANGAN. Tingin mo matutuwa ka nito? Kung ikukumpara sa PRIDE detergent bar eh di lang nya inamoy kundi nilunok at inugali pa. Ano kaya lasa noh?
"Malamang LASANG SABON! Sus! Magtatanong pa!"
Ooops mukha akong magaling dun. Nagmamagaling.Yung ganitong pride na meron ang isang tao, parang sabon na dapat tinunaw na lang sa tubig tapos ipangbuhos sa toilet bowl. *insert flush sound* Galing! Naimagine mo! HAHAHAHA. K. 😑
Sobra sobra ang tingin nya sa sarili nya. Sa lahat ng bagay, sya ang magaling. Bida-bida. Lahat ng iku-kwento mo, wag mo na ituloy, itabi mo, SYA NA. Kasi alam nya lahat. Kasi nga *walk out*
PANGATLO, huh? ayoko na tapusin yung pangalawa. Bahala na si mayabang ang magpatuloy tutal alam naman nya lahat.
Eto na. Ang pangatlong pride sabi ni Google Translate, PAGPAPAHALAGA SA SARILI. Eto mahalaga to. Ika nga "self-love". Pero minsan kapag sobra naman ang pagmamahal mo sa sarili mo eh di rin naman kaaya-aya yun. To the point na wala ka nang pakialam sa nararamdaman ng mga tao sa paligid mo, basta yung sarili mo is ok.
Yung tipong nagseset ka ng high standards sa lahat ng bagay para sa sarili mo kasi nga " self-love" pero sa kakaset mo ng mga standards na yun, yung mga tao sa paligid mo di ka na ma reach, di ka na din ma understood. HAHAHA babaan mo din kasi ang pride mo. Haaay. Isa! 😑 Isa-isa silang magsisipaglayo sayo sige ka.
Isa pang nakikita kong mali sa pride na ito ay yung kapag hindi na reach ng isang tao ang standards mo sa specific scenario o bagay, madali lang para saiyo na balewalain sya. Tingin mo wala na syang kwenta. Feeling mo yung tao na yun ay isa nang walking red flag na wala naman syang ibang ginawa kundi mag adjust sayo ng mag adjust kasi nga masyado kang ma pride.
"Ikaw naman, di ka na nasanay sa kanya. Hayaan mo na. Ganun talaga sya. Unawain mo na lang."
WAG NA WAG NIYO SASABIHIN TO SAKIN HA? SOBRANG MALI!
So, porke't ganun sya, ganun ugali nya, ganun na sya forever dapat? Kami lagi mag -aadjust? Kahit once lang di nya pwede baguhin ugali nya? Kami talaga lagi? Oh sige bye! NAPAKA-TOXIC. Feeling entitled. Tadah! 👑Babaan mo naman. Wag masyadong mataas, wag masyadong mababa. Sakto lang. Sakto lang abutin at unawin ng mga taong nakapaligid sayo. Sakto lang para maunawaan at unawain mo ang mga tao sa paligid mo. Matutong makinig. Huwag puro sarili lang.
*coffee break* bigla akong nanggigil sa last topic natin. Inom muna ako kape.
Huh? Ay. Tubig pala dapat iniinom hindi kape. HAHAHAHA. Saya ko na naman. Kainis. 😑
SA LIKOD NG HINAHARAP.
Hindi sa lahat ng oras, pagtalikod ang kailangan. Minsan kailangan mo ring harapin ang mga bagay na akala mo walang maidudulot ng mabuti sa'yo. Marami tayong matututunan sa isa't-isa basta huwag ka lang masyadong mapagmataas. Matutong makinig at umunawa.
Sa likod ng pagmamayabang mo, ikina-cool mo yan? 😑 Kailangan mong humarap sa katotohanan na hindi lahat alam mo. Hindi sa lahat ng bagay, magaling ka. Ok? Lowkey lang.
Sa likod ng hinaharap. Tanong ko lang, sino ka sa tatlong pride na na tinukoy ko at tanong ko lang ulit, BAKIT?