G H O S T I N G
Nakakatakot. Nakakapanindig-balahibo.
Sa Horror Movie natin usually nararamdaman yan. Lalo na kung sobra ang pagkatakot natin sa mga multo o evil spirits.
Pero sa panahon ngayon, hindi lang natin mararamdaman sa Horror Movies yan.
Kundi pati na rin sa mga inaakala nating mala Romantic Movie, sana.
Parang tayo yung bida sa pelikula na nag-aantay ng tamang taong magpaparamdam na tayo ay mahalaga, na tayo ay kamahal-mahal. At nang may dumating, halos lumukso ang puso natin sa tuwa. Lumawak agad ang imagination natin. Yung tipong unang meet-up pa lang, iniisip agad natin KASAL. *lol. Minsan masyado tayong nabubulag sa mga mapagpanggap na leading man/lady sa kwento natin. Akala natin sila na ang "the one". Akala natin nakakakilig na, romantic na. Akala lang natin. Hanggang sa isang araw,
BIGLA KA NA LANG HINDI KINAUSAP.
ROMANTIC HORROR MOVIE PALA ITO. MAY HAPPY ENDING KAYA?
"Ok naman tayo ah. Bakit ganyan kana?"
"Uy. Ilang araw ka nang walang paramdam. Chat ka naman."
"Pangit ba ako? Na turn-off ka ba sa akin? Reply ka naman."
"Baka busy ka lang :). Chat ka ha? Miss na kita sobra."
Alam kong ilan na sainyo ang nakapag type na ng ganitong mga linya sa chat o text.
Sakit noh? Mapapatanong ka na lang ng,
"What went wrong?"
"Where did I go wrong?"
Mababaliw ka kakaisip kung anong nagawa mo at tila nagbago na sya sayo.
Yung tipong ayos na ayos kayo kahapon tapos ngayon biglang wala nang paramdam.