Chapter 18.

36 2 0
                                    

Date Published: November 13, 2021

CORSOLA

Nasa duty na ako ngayon at medyo nag-aalala ang mga kasamahan ko sa 'kin dahil sa paa ko. Kitang-kita kasi ang bandage ng paa ko.

"Sigurado ka bang okay ka lang, Jen? Baka mas lumala ang paa mo," nag-aalalang tanong ni Ma'am Lami.

"Okay lang po talaga ako, ma'am. 'Wag ka na pong mag-alala," paniniguro ko at pinagpatuloy na ang pagta-trabaho.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Gabi na at nandito ako sa isang upuan habang hinihintay si Rodney dahil sa sabay kaming uuwi ngayon. Alam naman ni kuya kaya hinayaan niya lang.

Mago-overtime kasi si kuya ngayin dahil sa mas lumaki ang utang namin dahil mula 800 thousand ay naging 900 thousand na.

"Jen, tara na?" Tumango ako at inalalayan niya kong tumayo saka naglakad na kami paalis ng café.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nasa jeep na kaming dalawa ni Rodney at nagpapahinga. Napatingin ako sa cellphone ko nang may nag-text doon.

Napangiti ako dahil sa sinabihan ako ni Clark na nai-check na niya ang bank account ko kanina at nandoon na ang bayad ng mga nagpa-commission sa 'kin kanina.

Naipa-deliver na din nila ni Archi ang limang paintings kaya naman hindi ko na kailangang problemahin pa ang mga 'yon.

Ang mga bayad ng lima sa 'kin ay: $300, $450, $600, $780, at $980. Tinignan ko na ang bank account ko at napangiti ako.

Nandoon na lahat ng mga bayad at medyo nagulat pa ko dahil sa sobrang laki ng halaga nito.

Nasa mahigit 100 thousand kasi 'yon kaya hula ko, pwede na naming umpisahan ang pagbabayad ng utang ni papa.

"Ang laki niyan ah? Anong raket 'yan?" bulong ni Rodney nang nakita niya ang pera ko. Agad ko 'yon tinago sa bag.

"Marunong kasi akong mag-drawing at mag-painting kaya ayan, gumagawa ako mg commission," sagot ko naman.

"Buti na lang at may talent ka. Ako kasi wala eh. Kaya umaasa lang ako sa karinderya, pagbe-benta ng street foods at café," komento niya.

"Alam kong may talent ka, Rodney. Kailangan mo lang talagang malaman kung ano 'yon," saad ko naman.

"Nga pala, 'yung kaibigan ba na tinutukoy mo sa 'kin ay si Azel?" tanong niya sa 'kin.

"Oo... Ang sabi niya kasi ay 'wag kang sabihan para hindi mag-iba ang trato niyo sa kaniya sa kaniya," paliwanag ko pa.

"Gano'n ba? Hindi naman ako galit, okay? Sadiyang nagulat lang ako." Natawa na lang ako at tumango.

"Pero subukan kong alamin ang tungkol sa talent ko at baka sakaling makatulong ako kanila nanay, mas lalo na't sa sakit ni tatay," saad niya.

"Mas maganda talaga kung malalaman mo ang mga kakayahan mo para makagawa ng iba pang raket. Ako kasi kailangan ko 'to para makapambayad na ng utang eh," saad ko naman.

"Nalaman ko nga kay Julian na kailangan niyo ng madaming pera dahil sa 900 thousand niyong utang sa mga kapit bahay." Tumango ako.

"Kaya nga ginawa ko 'to eh. Kahit na medyo delikado kasi mahala ang mga materyales ay ginawa ko pa din ito," komento ko pa.

"Ang hirap talaga kung sugarol ang ama noh? Nakakainis talaga 'pag ganiyan eh. Ang sarap itakwil kaya naiintindihan ko ang galit ni Julian eh."

"Ako din naman, galit na din pero mas pinipili ko lang na hindi ipahalata kasi kailangan ng isang tao na pwedeng magpa-kalma sa kaniya," sagot ko naman.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon