Chapter 34.

22 3 0
                                    

Date Published: April 15, 2022

CORSOLA

Nakarating na kami sa café at tinanggal ko na ang seat belt saka hinalikan si Clark sa pisnge niya.

"Thank you. Ingat sa pagpunta sa pagbibilhan niyo ng mga ingredients ah?" Tumango siya at ngumiti ng matamis.

"Of course, I will be careful while we're there. Be careful also, okay?" Tumango ako at hinalikan niya ko sa noo ko.

Bumaba na ko at naglakad papunta sa likod na parte ng café para makapag-handa na sa duty ngayong araw.

•*•*•*•*•*•*•*•*

Nasa locker room na ko at nakasalubong ko si Rodney doon at agad siyang lumapit sa pwesto ko nang nakangiti ng malaki.

"Jen, napag-usapan namin nila nanay kanina na simula sa susunod na school year ay mag-aaral na ko para naman ay diploma ako," pagbalita niya.

"Talaga? Anong year?" tanong ko naman sa kaniya at masaya ako para sa kaniya ngayon.

"1st year college at kukunin ko ay business course para naman alam ko kung ano ang gagawin ko. Ayoko namang mawala 'yun nang parang bula lang." Tumango ako.

"Sa bagay, may point ka diyan. Kailangan mo din talagang pag-aralan 'yan para naman kahit paano ay matitipid niyo 'yan," sagot ko naman.

"Alam na ba niya?" tanong ko at tinutukoy ko si Azel. Hindi ko masabi ang tungkol sa kaniya dahil baka magka-issue bigla at ayoko naman ng gano'n.

"Sa totoo lang? Hindi niya pa alam eh. Plano kasi namin ay sa Canada kami para makilala ko na din ang magulang ni papa na nandoon at para magamit na din si papa mismo," sagot niya at napabuntong hininga.

"May balak naman akong sabihan siya tungkol dito pero, hindi ko alam kung paano kasi baka malungkot siya," sagot naman niya.

"Alam kong maiintindihan naman niya 'yan. Ipaliwanag mo na lang sa kaniya mamaya 'pag nasa party na tayo," saad ko naman.

"Sana nga lang. Bukas ay magre-resign na ko para makapaghanda na," pagbalita niya sa 'kin at medyo nalungkot naman ako.

"Gano'n ba? Sayang naman..." Natawa siya ng mahina at niyakap ako kaya naman niyakap ko din siya pabalik.

"Kapag may nangyari, pwede mo naman akong tawagan dahil best friend mo ko diba?" Tumango ako sa kaniya.

"Kaya 'wag ka nang malungkot diyan dahil pwede mo naman akong tawagan kung kailangan mo ng kaisap at hindi naman kita kakalimutan eh." Humiwalay na kami sa isa't isa.

"Ingat ka doon saka bumili ka ng dictionary o kaya translator kasi English ang salita doon," paalala ko at natawa siya habang natango.

"Sige. Gagawin ko 'yan kaya 'wag ka nang mag-alala pa." Natatawa niyang saad nang dumating si Kassandra.

"Ano mayro'n? May nangyari na naman ba?" takang tanong ni Kassandra sa 'min.

"'Wag mong sabihin kahit kanino, ah?" Tumango si Kassandra kay Rodney.

"Nanalo kami sa mega-jockpot sa lotto. Magre-resign na ko bukas dahil sa mag-aaral na ko gamit ng perang napalalunan namin," sabi ni Rodney.

"Seryoso? Congrats. Masaya ako para sa 'yo," nakangiting saad ni Kassandra.

"May maliit na party mamaya. Sama ka?" Umiling si Kassandra at bumuntong hininga.

"May commissions akong tatapusin eh. Pasensya na." Umiling si Rodney.

"Okay lang, Kass. Naiintindihan ko naman eh," sagot ni Rodney at ngumiti si Kassandra sa kaniya.

"Tara na at mag-trabaho na. Baka mapagalitan pa tayo," pag-aya ni Rodney at pumunta na kami sa pwesto namin para makapag-trabaho na.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon