Date Published: March 20, 2017
Date Re-Published: October 9, 2021CORSOLA
~ MONDAY ~
Naglalakad na ko papunta ng school nang may nadaanan akong karinderya bago magsakayan ng jeep.
Kaya naman naglakad ako palapit doon para malaman kung 'yon ba 'yung karinderya na pinaglulutuan ng nanay ni Rodney.
"Hoy, Jen! Buti napadaan ka dito." Napangiti ako nang narinig ko ang boses ni Rodney.
"Titignan ko lang sana kung ito 'yung tinutukoy mo sa'kin kaya ako napadaan dito." Sagot ko naman.
"Papasok na sa eskwelahan? Baka gusto mong magbaon. Anong gusto mo?" Tanong niya at dinala niya ko sa mga tinda nila.
Nakita kong may Champorado, Lugaw, Sopas, Spaghetti, Palabok, Carbonara, at mga tinapay silang tinitinda.
"Anak, siya ba 'yung tinutukoy mo na bago mong kaibigan? Ang ganda niya ah?" Napatingin ako sa nagsalita at may nakita akong babae na medyo kasing edad lang ni mama.
"Opo, nay. Siya po pala si Jennica."
"Hello po. Jennica po." Pagpapakilala ko namn.
"Marites. Kahit tawagin mo na lang akong tita Marites, okay na 'yon." Nakangiting saad niya.
"Masaya po akong makilala kayo, tita. Saka, pabili din po ng Palabok." Saad ko at napangiti siya.
Agad niyang hinanda ang order ko at hinanda ko na din ang pambayad ko para naman maibigay ko agad 'yon.
"Nga pala, Jen... Day off ako mamaya kaya wala ako sa café. Pero 'pag may problema, pwede mo naman akong kontakin." Sabi ni Rodney.
"Sige. Sabihan ko sila ma'am na kontakin ka kapag nangailangan kami tulong." Sagot ko naman at napangiti siya.
"Iha, ito na ang order mo. Sana masarapan ka ulit tulad sa Sopas na ginawa ko no'ng isang araw." Sabi ni tita.
"Salamat po, tita. Ito po 'yung bayad ko." Inabot ko na 'yung bayad at tinanggap naman niya 'yon.
"Una na po ako baka po kasi ma-late ako sa klase eh." Paalam ko at kumaway na sa kanila at naglakad paalis.
THIRD PERSON
Pagka-alis ni Jennica ay agad lumapit si Marites kay Rodney at hinampas ang braso nito.
"Nay naman... para saan naman po 'yon? Ang sakit." Angal ni Rodney habang hinihimas ang braso nito.
"Ang ganda ni Jennica. Kaya naman pala type mo eh. Mukha pang mabait." Komento nito sa anak.
"Ang ganda po niya sobra, diba? Kaya nga po Ganado akong mag-trabaho eh kaso, may problema." Napabuntong hininga si Rodney.
"Meron po siyang nagugustuhang ibang lalaki at best friend niya po." Dugtong nito at pinagpatuloy na ang paglilinis nito.
"Pwede mo namang ituloy eh pero limitasyon, anak. Para hindi ka masaktan sa huli." Paalala ni Marites.
"Nay, alam ko po 'yon. Kaya nga po susuportahan ko siya bilang kaibigan eh." Sagot ni Rodney at niligpit na ang mga pinagkainang plato at bowl.
CORSOLA
Habang naglalakad papuntang eskwelahan ay napansin ko 'yung kotse na nasa tabi ko at kotse ni Clark 'yon.
Binaba na nito ang bintana at napangiti ako nang nakita ko sila Clark at Archi. Sinenyasan nila akong pumasok kaya naman sumakay na ko.
BINABASA MO ANG
Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)
General Fiction"Sometimes, loving someone who's out of your league is the hardest part of all." Jennica Corsola Agrenecia is a poor girl and a working student. She has a lot of dreams to accomplish and at the same time, waiting for someone to come back into her li...