Chapter 32.

22 1 0
                                    

Date Published: April 1, 2022

CORSOLA

Tapos na kaming kumain at nandito na kami sa loob ng room. Wala pa si ma'am kaya naman pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga kinain namin kanina.

"Nagutuhan ko talaga 'yung Cornsilog at Tapsilog kanina.," sabi ni Azel sa 'min. Sinulat ko 'yung mga sinabi niyang nagustuhan niya.

"Nagustuhan ko naman 'yung Longsilog at Tosilog," saad naman ni Archi.

"I love the Lechonsilog and Malingsilog," sagot naman ni Clark at napangiti ako nang naalala ko 'yung nakain ko kanina.

"Gusto ko naman 'yung Lechonsilog at Spamsilog," sagot ko naman at pinakita sa kanila ang nalista ko.

"Ito na ang mga ibe-benta natin para naman kahit paano ay may kanin pa din," sabi ni Archi.

"So, all we left is the drinks? Let's do this tonight so that, we can plan it by tomorrow morning," suhestyon naman ni Clark.

"Correct. Malapit na din naman matapos ang midterm natin so, we should finish this fast bago pa magsimula ang final term," pagsang-ayon naman ni Azel.

"Sige. Gawin na 'to mamaya para konti na lang ang problema natin pagdating sa finals," sabi ko naman.

"Good afternoon, class," bati ni ma'am sa 'min at nagsibalikan na kami sa mga upuan namin at naghanda na sa lesson.

•*•*•*•*•*

Tapos na ang klase at nag-aayos na kami ng mga gamit para sa pagpunta naming sa bar mamaya.

"Ai, don't worry... I'll be there and I swear that you'll be safe there," bulong ni Clark sa 'kin nang lumapit siya.

"Parang sa 'yo pa nga ako dapat maging alerto eh," bulong ko naman sa kaniya at natawa ng mahina.

"Dahil sa ginagawa natin 'pag tayong dalawa lang," dugtong ko pa at napangisi siya.

"But, you liked it. You're even hugging me so tightly and begging for more," bulong naman niya.

"Ano 'yung binubulong niyo diyan?" tanong ni Archi sa 'min at umiling lang kami ni Clark.

"I'm just telling her that if something is bothering her, she can just hold my hand," sagot ni Calrk.

"I see... Sa bagay, medyo delikado nga naman doon sa pupuntahan natin ngayon kaya naiintindihan ko kung magiging possessive na naman si Clark," komento ni Archi.

"Sis, ikaw din ah? Tell me if someone's bothering you over there."

"Sure. Pero kaya ko na ang sarili ko, Archi. 'Wag ka nang mag-alala pa about me," sagot naman ni Azel.

"Tara na. Handa na ko. Nakapag-paalam na din naman ako kaya, tara na," sabi ko at umalis na kaming apat para pumunta sa bar.

•*•*•*•*•*

Nakarating na kami dito sa bar at naglakad pa papasok nito para pumunta daw sa loob ng isang kwarto para kami lang ang nandoon at wala nang iba pa.

Pumasok na kami sa loob at pumunta sa isang VIP room. Umupo kami sa sofa at maya-maya lang ay dumating na yung mga iinumin nilang alak.

Nilabas na namin ni Azel lahat ng mga kakailanganin namin at kumuha na din ng ballpen.

Nagsimula na sila Clark na uminom at kami naman ni Azel ay nakaupo lang. Tinignan naming dalawa 'yung menu.

"Puro alak tapos 'yung pagkain natin ay puro pang-lunch," komento ko at natawa si Azel.

"Bakit nga ba kasi drinks na pang-bar? Bakit ba hindi natin 'to naisip agad?" natatawang komento niya.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon