Date Published: April 22, 2022
CORSOLA
~ NEXT DAY ~
Nandito ako sa playground ng eskwelahan habang naka-upo sa swing dahil sa hinihintay ko dito sila Clark na dumating.
Medyo late na din kasi kami natapos kahabi kaya hula ko ay late silang nagising dahil doon. Napabuntong hininga ako dahil sa nangyari.
Dalawa na sa mga nagiging best friend ko ang nananalo sa lotto. Try ko din kaya at baka sakaling manalo din kami?
Kahit na medyo mataas ang kinikita namin ni kuya dahil sa commissions ay hindi pa din sapat 'yon sa utang ni papa eh.
Agad akong napa-iling dahil sa mga naiisip ko ngayon. Kung gagawin ko 'yon at mananalo ay lahat ng perang 'yon ay gagamitin namin sa pambayad ng mga utang ni papa.
Baka nga wala nang matira pa sa 'min once na maipambayad namin 'yon sa mga utang niya eh. Napabuntong hininga ako dahil sa mga nangyayari ngayon.
"Bakit parang ang lungkot mo, Jen?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Kassandra. Umupo siya sa tabi ko.
"Iniisip ko lang 'yong mga utang ni papa. Sobrang laki na din kasi at pinapalayas na kami sa tinitirhan namin kapag hindi pa kami nakabayad ngayong taon," sagot ko naman.
"Seryoso? Magkano ba 'yung utang ng papa mo? Hindi ba sapat 'yung sweldo natin mula sa café? Sa commissions?" gulat niyang tanong at tumango ako.
"Nasa mahigit 5 million na ang itang ni papa at hindi namin alam kung saan kami kukuha ng gano'ng halaga," sagot ko naman at hindi ko na mapigilan na umiyak.
Naramdaman kong hinimas niya ang likod ko ng marahan at nahalata kong naaawa din siya sa'kin dahil sa mga nalaman niya.
"Kaya naman pala kung mag-trabaho ka ay parang wala nang bukas eh. Ang laki ng utang niya at saka, paano umabot ng gano'ng kalaki 'yon?" tanong niya pa.
"Sugal." Napabuntong hininga siya dahil sa narinig niya.
"Walang hiya 'yang tatay mo ah? Amg sarap itapon sa kanal. Hindi niya ba naisip kung ano ang mga pwedeng mangyari kapag hindi pa siya tumigil?" galit niyang tanong.
"Ayaw niyang makinig at hanggang ngayon ay nagsusugal pa din siya. Ayaw niyang tumigil kahit na bugbog sarado na siya kay kuya," sagot ko naman.
"Ano pala 'yong ginagawa mo dito? Seminar para sa mga bagong scholar?" tanong ko sa kaniya at tumango siya.
"Pinapunta kami para sa scholar. Kung ano ang mga dapat gawin o hindi. Kung anong grade daw dapat ang makuha within 4 years," paliwanag niya pa.
"Graduating na ko ngayon at masaya naman dito. Pero kailangan mo lang talagang pumili ng mga marinong kaibigan para hindi ma mapahamak," komento ko naman.
"Talaga? Sige. Susundin ko 'yang sinabi mo. Ayokong mapahamak kaya susundin ko 'yang suhestyon mo," sagot niya at napangiti ako.
"Sige. Pero kung may problema man o kaya kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. Tawagan mo lang ako," sabi ko at mas lalo siyang napangiti.
"Ang bait mo talaga, Jen. Kung may kailangan ka din, sabihan mo lang ako at tutulungan kita pero, 'wag lang 'yung utang ah? Wala din ako eh." Natawa kami parehas.
"Una na ko ah? Malapit na kasing magsimula eh," paalam niya at tumango ako. Naglakad na siya paalis at pinunasan ko ang luha ko.
"Jen? Bakit ka naiyak?" Napalingon ako sa nagsalita ulit at nakita ko sila Azel at Archi na nakatayo doon.
BINABASA MO ANG
Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)
General Fiction"Sometimes, loving someone who's out of your league is the hardest part of all." Jennica Corsola Agrenecia is a poor girl and a working student. She has a lot of dreams to accomplish and at the same time, waiting for someone to come back into her li...