Chapter 24.

30 1 0
                                    

Date Published: January 8, 2022

AZALEA

Kanina pa ko naiinip dahil sa hindi pa din dumadating sila Jen dito sa library. Baka kung ano na ang ginawa ni Clark sa kaniya.

"Sis, calm down. Bakit ka ba naghi-hysterical diyan? I know that Jen is safe with him," komento ko ng kapatid.

"No! Baka may ginawa na 'yung best friend mo sa best friend ko. I can't let that happen," I answered him.

"Relax, sis. I know that Clark won't do something wrong to Jen. He loves her and most especially that he respects her so, chill," sagot naman niya.

Napabuntong hininga ako at umupo sa upuan. Wala talaga akong tiwala kay Clark dahil sa masungit 'yon at marami nang napa-iyak na mga babae dati pa.

"I know that Clark is heartless pero gano'n lang 'yon dahil sa ang gusto niya talaga ay si Jen. Kaya kalma ka lang diyan, sis. Okay?" paniniguro niya pa.

I don't like or love Clark dahil ang tingin ko sa kaniya ay little brother lang but, I'm worried about Jen most especially that alam ko kung ano ang pinapagawa ng walang hiya niyang ama sa kaniya.

I don't want the day wherein, she needs to do it just for her father's revenge to Clark's parents dahil wala naman silang dalawa na kinalaman sa problema ng parents nila.

I don't want them to break apart and to be broken dahil sa galit ng mga magulang nila sa isa't isa. Maya-maya lang ay dumating na sila Jen at umupo sa bakanteng upuan.

CORSOLA

Pagkaupo ay agad akong humarap kay Azel at ngumiti ng onti. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Sorry. Nakatulog din kasi ako pagkatapos tumawag ni Archi eh. Maaga kasi ako nagising kaya ayon..." Umiling siya sa 'kin.

"No... It's fine. I was just worried kasi baka may ginawa na si Clark sa 'yo dahil sa naka-inom siya," sagot niya.

"'Wag kang mag-alala, wala siyang ginawa sa 'kin kaya 'wag ka nang mag-alala pa," sagot ko naman sa kaniya.

Ayokong sabihin sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa 'min kanina ni Clark dahil baka mag-hysterical na naman siya.

"Okay, fine. I'll trust you if you're saying that Clark didn't do anything to you then," sagot niya at napangiti ako sa kaniya.

Pinakita na niya sa 'kin 'yung papel at binasa namin ang mga nakasulat doon. Ngayon ko lang napansin na ito pala 'yung survey na ginawa nila Archi.

"Parang okay na din naman 'to. Wala na kong naisip na dapat palitan o idagdag eh," komento ko naman pagkatapos magbasa.

"'Yan nga din ang sinabi ko kanina eh. Pero sabi ni Archi ay hintayin daw namin ikaw para mas makasiguro." Tumango ako.

"Sa totoo lang, okay na 'to. Walang kulang at walang dapat idagdag pa," sagot ko naman sa kanila.

"If that's your decision then, hindi na namin gagalawin 'yan," sagot naman ni Archi at kinuha na ang papel palayo sa'min.

"Azel, pahiram ako ng laptop. Magre-research na ko para sa iba pa nating ibe-benta. Hindi kasi ako nakapag-computer shop kanina eh," sabi ko.

"Saka sasabihan ko din ang mga clients ko na ise-send ko na mamaya 'yong mga commission nila. Nagawa ko na kasi lahat kagabi," dugtong ko pa.

"Kasalanan talaga ni Clark 'to. Hindi tuloy nagagawa ng best friend ko at mga dapat niyang gawin," galit na komento niya habang masamang nakatingin kay Clark.

"What did I do this time? It's not my fault if my girlfriend chose me over you, Az," nakangising komento naman ni Clark.

Mas lalong sumimangot si Azel at binigay na niya sa 'kin 'yung laptop at agad ko 'yon ginalaw para naman maumpisahan na paghahanap.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon