PROLOGUE

19 4 5
                                    

CELESTIAL SERIES #1
Dazzling Star


DISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, business, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitous manner. Any recemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

••••••••••••••••••••••

Ipinarada ko na ang sasakyan ko at dali daling pumunta sa opisina ko. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ng aming firm ay agad akong binati ng mga empleyado. Sa pagmamadali ay hindi ko na sila binalikan pa ng pagbati. Agad akong umupo sa upan at binasa muna ang dokumentong nakalatag sa lamesa ko. Kinalaunan ay pumasok si Charles, ang aking lalaking sekretarya. 

"Atty, nagawa ko na po ang pinagawa ninyo. Ilang minuto nalang po ang natitira bago um-air ang interview show na dadaluhan niya" nakatungong banggit niya sa akin na bahagyang ikinatigil ng pagbabasa ko.

"Thank you. Clear my morning schedule for today. I will watch the intervew" nakangisi kong banggit at muling ibinalik ang tingin sa dokumentong hawak ko.

Pagkalabas pa lamang ni Charles ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pinag-isipan ko muna kung sasagutin ko ito dahil alam ko na ang mga maririnig ko galing sa kanya. Sinagot ko na ang tawag. Babatiin ko pa lamang siya ng inunahan niya ako ng isang banta.

"Don't do something stupid, Cameron Idris. I am warning you" pagbabanta sa akin ni Ate Callista.

"What's with the warning, Dra. Callista Muriel? I'm a lawyer for pete's sake so why would I do something like that? Are you degrading me now?" maang kong sabi habang may ngisi sa labi. My Sister is literally something.

"Stop being manipulative and listen to me, Idris. Hindi mo pa ginagawa ang mga balak mo pero ramdam ko na ang mga pakay mo. I am your older sister after all" strikta paring sabi nito na siyang ikinasandal ko sa swivel char na kinauupuan ko.

"Wala ka bang pasyente at binabantaan mo ako ng ganito? I am neutral at all circumstances" may paninindigan kong sabi.

"I don't think so. Pagdating sa kanya ay nalulusaw ang pagkatao mo at hindi ka nagiging normal gaya ng sabi mo" sagot niya sa akin. Natigilan ako bigla dahil tama nga ang sinabi niya. Ilang taon pa rin ang nakalilipas pero hindi ko pa rin siya maalis-alis sa sistema ko.

"Who's speechless now? I have to go. I already warned you, Cameron" binaba na agad ni Ate ang tawag at wala na akong nagawa doon.

Sinarado ko ang dokumentong hawak ko at hinilamos ang mukha gamit ang sarili kong palad. Binuksan ko ang cellphone ko at binasa ang pinakabagong balita na siya ang laman.

Hollywood Filipina Superstar Yvienne Soheila Bellemore is back in the Philippines! Yvienne's fans are so happy to meet her again after 5 years of being an actress at Los Angeles, CA. Yvienne's management stated that her 5 years contract are finally ended and the superstar doesn't have any plan on renewing her contract. Yvienne came back in the Philippines with her rumored boyfriend Caspian Kale Davies to accompany her for their upcoming plans and schedules here. Will she settle in the Philippines for good or will Yvienne finally leave in the acting industry to settle and make her own family with her rumored boyfriend Caspian?  

Will Yvienne finally leave in the acting industry to settle and make her own family with her rumored boyfriend Caspian?  

Pagod akong tumawa at paulit-ulit na tumunog sa isipan ko ang huling linya ng artikulong nabasa ko. Hindi pwede. Hindi ako makakapayag ng ganon ganon na lang. Hindi rin kinukumpirma na dalawa kung may relasyon ba sila. Ito na ba ang karma ko? Pinapahirapan ba ako ni Eyla dahil sa mga nagawa kong kasalanan sa kaniya? 

Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at niluwa non ang dalawa kong kabigan. Kitang kita ko sa mga mukha nila ang maloko nilang mga ngiti.

"Easy ka lang, Attorney. Agang aga ang init ng ulo mo" malokong sabi ni Daniel at hinampas naman siya ni Vale.

"The superstar is back and we know that you did something. The show is finally airing, what are you still doing?" sabi ni Vale at tuluyan nang umupo sa mahabang sofa.

"Fuck y'all" inis kong banggit at binuksan na ang tv at tama nga ang sabi ni Vale.

She's back

Dazzling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon