Ang pagtunog ng alarm clock ay siya ding simbolo na ang panibagong araw ay sisibol na. Simple lang naman ang buhay ko at mas gusto ko na ganito na lang lagi ako. Alas-sais na ng umaga at bumangon na ako para linisin ang apartment na tinutuluyan ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil ito ang first day ko bilang first year college. Pinatay ko na ang aircon ng kwarto ko at binati ang litrato ng mga magulang ko.
"Good Morning po, Mama at Papa" masayang bati ko at hinalikan ko ang litrato nila.
Nakasanayan ko na ang ganitong gawain tuwing gigising ako ng umaga. Babatiin ang magulang ko at maglilinis ng buong tinutuluyan ko. Hindi naman ganoon kalaki ang apartment ko at hindi rin naman ganoon kaliit. Tama lang para sa isang estudyanteng katulad ko. Nagsimula na akong maglinis pagkatapos kong buksan ang musikang nanggagaling sa phone ko. Alas-otso pa naman ang unang klase ko kaya nilubos kong maglinis at malapit lang din naman ang kolehiyong pinapasukan ko.
Simula noong mamatay ang parehong magulang ko noong ako ay high school pa ay napagpasiyahan ko nang manirahan mag-isa kahit bata pa lamang ako noon. Nung una ay ayaw pumayag ni Tita Ariane, ang kapatid ng mama ko, na bumukod dahil mag-aalala ito sa akin ngunit nagmatigas ako dahil kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Kinalaunan ay pumayag ito ngunit siya ang magtutustos ng gastusin ko sa bahay, kasama na doon ang bayad sa renta, tubig at kuryente. Pumayag din ako kasi hindi niya ako hahayaan manirahan mag-isa pag hindi ko tinanggap ang offer niya.
Anim na taon na ang nakalipas ng mamatay ang ama ko at limang taon na din ang nakalipas noong mamatay ang ina ko. Sa murang edad ay namulat ako sa reyalidad ng mundo, na hindi sa lahat ng bagay ay makukuha mo ang gusto at kailangan mo pang magsikap para maabot ito. Ngunit, simpleng kasiyahan lang naman ang gusto ko pero bakit hindi ito mabigay-bigay sa akin ng Panginoon?
6:30 na nang matapos akong maglinis kaya nagluto na ako ng kakainin kong umagahan at ng tanghalian ko para makatipid ako sa gastusin. Sobrang hirap ng buhay kaya natuto akong magtipid at tustusan ang higit kong pangangailangan. Sa umaga ay nag-aaral ako at pagtapos ng klase ko ay nagtatrabaho ako bilang waitress sa pastry shop ng Tita Ariane ko at muli ay hindi ito pumayag nung una ngunit nagmatigas muli ako. Kailangan kong kumita ng pera para sa miscellaneous fees ko sa school at para sa pagkain ko sa araw araw.
Inihanda ko na ang umagahan at tanghalian ko nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad ito nang makita ko kung sino ang tumatawag.
"Good Morning, Yvienne Soheila! Excited ka na ba sa first day of school natin kasi ako ay oo kaya susundin kita diyan sa inyo ha! Huwag mo akong tatakasan kung hindi ay sasabunutan kita!" masiglang bati ng kaibigan kong si Christine. Mukhang excited nga ito dahil gagamitin niya ang sasakyang regalo sa kaniya ng magulang niya dahil nakapagtapos siya bilang Valedictorian sa paaralang pinapasukan namin dati.
"Oo na. Agang aga ang saya-saya mo. Hindi ba ngayon din ang unang araw para makapasok tayo sa mg school clubs? Anong sasalihan mo?" masayang tanong ko. Gustong gusto kong makapasok sa mga school clubs dahil mahuhulma nito ang mga talento mo.
"Oo ngayon nga. Sasali ako sa Dance Club. Si Wendy at Aurora ay sa acting club daw. Ikaw ba? Balak mo bang sumali pareho? Magaling ka naman sumayaw at umakting ah. Sali ka pareho tapos ako pa ang magfifill-up para sayo!" mas excited pa ito kaysa sa akin. Kinain ko ang scramble egg na niluto ko kanina at sinagot ito.
"Hindi ba nakakapagod kapag dalawang club ang sinalihan mo? Sa dance club nalang siguro ako" kamot sa ulong sagot ko at narinig ko ang malungkot na daing ng kaibigan ko.
"Eyla" pinaikling pangalan ko, Soheila. "Kayang kaya mo iyon dahil pwede namang magfacilitate ka sa parehong club at hindi naman required na magperform ka sa pareho no! Sayang naman kasi ang talento mo kung hindi mo ipapakita yun sa madla. Baka yan pa ang maging dahilan para magkaroon ka ng boyfriend!" kinikilig pang aniya. Napairap nalang ako sa hangin dahil sa mithiing sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Dazzling Star
RomanceCELESTIAL SERIES #1 Yvienne Soheila Bellemore or Eyla is a Business Management student who wants to live a peaceful life despite of tragic incident happened in her life. A star that is dull and not shining at all is the best description to describe...