"Drink this" iniabot niya sa akin ang tubig pagkarating namin sa room na nirentahan namin.
Ininom ko ang tubig at ganoon din siya. Tumingin ako sa cellphone ko para tingnan ang oras. Maghahating gabi na pala! Hindi ko napansin ang oras kakasayaw ko doon sa baba.
Makalipas ang ilang oras ay dumating na din ang lima. Hanga ako sa mga 'to dahil hindi pa sila lasing. Dumaan ang gulat sa mukha ni Vale nang makita kung sino ang nakaupo sa tabi ko.
"Oh bro, akala ko may readings ka pa?" nakangising tanong nito.
"Motherfucker" bulong na lamang ni Cameron at iniwas ang tingin dito.
Humalakhak si Vale at umupo na. Uminom na rin sila ng tubig dahil napagdesisyunan naming umuwi na. Kinuha ko na ang handabag ko at tumayo para umuwi.
"I'll take her home" pamamaalam ni Cameron kay Tine.
"Sige, take care" pumunta na kami sa parking at nagpaalam na sa isa't isa.
Pagkaupo ko sa shotgun seat ay sinuot ko na ang seatbelt. Pinikit ko saglit ang mga mata ko dahil nakaramdam na ako ng antok. Maaga pa pala ako bukas!
Naramdaman kong umandar na ang sasakyan kaya umayos na ako ng upo. Tahimik lang ang byahe namin. Medyo malayo layo ang bar na yun sa tinitirhan ko kaya hindi ko muna iminulat ang mata ko.
"Are you in a relationship with Grey?" natawa ako sa tanong niya. Minulat ko ang mata ko at hinarap siya.
"What do you think?" binalikan ko siya ng tanong. Katulad noong nagtanong si Alice sa akin.
"I don't know. A woman with boyfriend don't dance with another man in club, Yvienne" napangisi ako sa sagot niya.
"Looks like you already have an answer to your question tho. Why ask me?" hindi pa rin tinananggal ang tingin sa kaniya.
"Yes or No is the only answer to my question. Don't go out on the circle" natawa nalang ako sa sinabi niya dahil parang nauubusan na siya ng pasensiya. Pinipigilan niya lang.
"No, we are not. Rumor will be forever a rumor" umayos na ako ng upo at sumandal na.
Nilabas ko ang phone ko para magscroll sa mga social media accounts ko. Nakita kong maraming nagfollow sa akin sa IG at hindi ko alam kung bakit. Yung iba ay nagdm pa pero hindi ko naman kilala kaya hindi ko na pinansin 'yon.
Hindi kinalaunan ay nakarating na kami sa apartment. Nagpaalam na ako sa kaniya bago bumaba dahil past 12 na. Pagkapasok ay nilock ko na rin agad iyon at dumeretso sa cr para maligo. Maaga pa ako bukas kaya natulog din agad ako.
Nagising ako sa alarm clock na sinet ko kahapon. Nine sharp daw sila pupunta dito kaya nag-ayos na agad ako. Dahil sabado ngayon ay nilinis ko ng ayos ang apartment ko. Nagwalis, nagpunas, at nagsanitize ng buong tinutuluyan. Binuksan ko ang air freshener na binili ko noong huling bili ko ng grocery para mabango ang paligid.
Naligo na ako at kumain. Kinuha ko na ang mga gamit ko sa kwarto. Inayos iyon sa coffee table para daretso aral nalang agad mamaya. Binuksan ko muna ang tv para manood ng pwedeng pagkaabalahan habang nag-iintay.
Saktong alas-nuebe ay nakarating na sila. Pagkabukas ko ng pinto ay nagbatian muna kami bago sila dumeretso sa salas. Si Micah at Rae ay inilibot ang mata sa kabuoan ng apartment. Dumeretso rin sila sa mga picture frames. Napalingon kami kay Micah dahil umirit ito. Dinaluhan namin siya para malaman ang kalagayan niya.
"Oh my gosh! Siya nga! Kaano-ano mo siya, Yvienne?" tanong niya habang nakaturo kay Mama sa family picture namin.
"Mama ko, bakit?" hindi niya ako sinagot.

BINABASA MO ANG
Dazzling Star
RomanceCELESTIAL SERIES #1 Yvienne Soheila Bellemore or Eyla is a Business Management student who wants to live a peaceful life despite of tragic incident happened in her life. A star that is dull and not shining at all is the best description to describe...