CHAPTER VII

3 1 0
                                    

Kasabay kong pumasok si Micah sa room para sa unang period namin. Nandoon na siguro sila Alice at Rae sa classroom dahil hindi naman namin sila nakita. Pagkakita pa lang niya sa akin ay kinausap niya na ako about doon sa IG post ni Quin.

"Sana all nag date kahapon" mapang-asar niyang banggit habang naglalakad.

"Ewan ko sa'yo" tinawanan lang niya ako. Ang gagang 'to.

"I asked my tita about the celebrity girl na kamukha mo. Her name daw is Rina. Not her real name, stage name lang daw ata iyon" wala akong kilalang Rina na artista noong mga kapanahunan nila Mama.

"I'll tell you all I know about her tomorrow sa group study natin" tumango lang ako at umupo na sa upuan namin dahil nakarating na nga kami sa room namin.

Tama ang hinala ko na nasa room na sila Rae at Alice dahil naabutan namin silang nagkekwentuhan. Binati ni Micah ang dalawa at ganoon din ang ginawa ko. Pagkaupo namin ay hindi ako tinakasan sa pang-aasar ni Rae.

"Sana all may kadate kahapon. Sana all pinost sa IG kahapon. Sana all nalang" napairap ako sa sinabi niya. Umiling nalang ako at nagsimula na maghighlight sa handouts.

"Pero yung caption niya na huwag na daw pumila ang mga gustong manligaw sa iyo dahil may magagalit daw. Si Grey ba iyon?" inasar nila ako sa sinabi ni Micah. Maski ako ay hindi ko rin alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Hindi ko rin alam eh. Baka pinagtitripan niya lang ako" humirit pa sila ng isang asar bago umayos. Dumating na kasi ang propesor namin.

Nagsimula na agad kami. Binigyan kami ng kaunting oras ni Miss Catrine para pag-usapan ang activity namin sa kaniya. Next week na kasi ang pasahan noon.

Sa activity na ito ay ako ang magpiprint non. Ipiprint ko na lang naman siya dahil tapos na kami. Lumabas saglit si Miss kaya inilabas nalang ni Alice ang cellphone niya. Bigla siyang tumawa kaya napalingon kaming tatlo sa kaniya.

"Anong meron?" usisa ni Rae.

Pinakita niya sa amin ang isang facebook post ni Quin. Ang loko lokong iyon talaga. Umiling nalang ako at napatawa dahil sa inasal niya. Siguro nga ay kinuyog na rin siya.

"Wala pong boyfriend si Yvienne at hindi po kami ni Yvienne. Huwag niyo na po kaming guluhin. Huwag niyo na din po siya guluhin. Magkaibigan lang po talaga kami. Tuldok, period, perioditsm, periodic table of elements" natatawang basa ni Alice.

"Marami na po kasing nagchachat sa akin kung kami daw. Karamihan doon lalaki. May lihim na pagtingin pala kayo sa kaibigan ko ha. Daan muna kayo sa akin bago kayo makalapit sa kaniya" si Micah ang nagbasa noon. Yun yung comment ni Quin sa post niya.

Nagtawanan lang kami sa kalokohan ni Quin. Mukha namang nabasa na iyon ng ilan naming mga kabatch dahil maraming nagreact doon. May mga kablock akong kinumpirma iyon sa akin kaya sinagot ko na lang sila.

Dumating na din si Miss Catrine after 10 minutes at umalis din agad. Sinabi niya na may meeting ang faculty staff. Magtatagal daw iyon hanggang bago maglunch kaya nag-early dismiss kami. After lunch kasi ang aming org meeting. Naglaan sila ng oras para doon.

Nagchat ako sa gc namin na may alam akong kainan na pwede naming pagkainan mamaya. Masyado pang maaga para pumunta doon kaya sinabi nila na sa tambayan muna kami. Naggawa sila ng panibagong gc kung saan kasama yung tatlo.

Nagpaalam na ako kanila Alice dahil doon nga ako dadaretso sa tambayan. Pagkababa ko ng hagdanan ay nakaabang si Quin doon. Binati ko siya at sumabay siya sa akin.

"Gusto mo bang sumama sa tambayan namin?" napalingon siya sa akin ng may takot. Anong problema nito?

"S-sino ang kasama mo doon?" tanong niya. Binasa ko muna ang chat noong tatlong lalaki sa gc bago siya sagutin.

Dazzling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon