CHAPTER II

7 2 6
                                    

Kanina pa kami nakaalis sa gymnasium at ngayon ay nag-uusap na tungkol sa mga posibilidad na mangyayari sa apat na taon namin dito sa kolehiyo. Posibilidad ba na mangyayari ang pinag-uusapan ng mga 'to o puro imahinasyon lang. Knowing Aurora, there's something in her that I cannot explain.

"Anong balak mo ngayon at mukhang guguluhin ka ng bongga ni Daniel?" tanong ni Christine kaya binalingan ko si Aurora at nakita ko ang mapait na pag-irap niya.

"Kailangang maging kami na ni Louis para matigil na yung punyetang yon! I can't literally stand his presence!" makasagot 'tong si Aurora. Diring diri kay Daniel!

"Sino ba yang si Louis na yan ha? Totoong tao ba yan o imagination mo ulit?" ako na ang nagsalita kasi minsan kung makapag-imbento 'to si Aurora ay wagas eh, ginagawa niyang totoo talaga.

"Ang sakit mo magsalita, Eyla! Nakilala ko siya sa internet and nagchachat lang kami up until now kasi ayaw niyang magpakita sa akin" pagdedepensa ni Aurora

"Let me see his picture nga para maniwala kami!" suhestiyon ni Wendy at napansin naming nagbago ang mukha ni Aurora.

"Baka poser yan, Aurora. Tawanan pa kita kung poser nga iyan" humalakhak pa si Christine pagkatapos niya sabihin iyon. Naramdaman naming natigilan si Aurora kaya napailing na lamang ako.

"Sino ba kasi yang Louis na yan? Ipakita mo sa amin ang Instagram account niya" ako na ang nagsalita pero ramdam kong ayaw niyang ipakita ito kaya napagpasiyahan na naming umalis at pumunta sa natagpuan naming pwedeng tambayan sa ilalim ng malaking puno malapit sa grounds.

"He didn't give me his IG account and now, because of Christine, I doubt his indentity na!" para na siyang maiiyak habang sinasabi niya iyon pagkarating namin sa tambayan na sinabi ni Wendy at natahimik naman kami sa sinabi ni Aurora pero nakita ko si Christine na pinipigilan ang tawa niya kaya hinila ko ang buhok nito at sinamaan siya ng tingin.

Hinila ko si Aurora patayo para bumili ng snacks para may manguya kami habang tumatambay. Bagsak pa rin ang mukha nito ay nakatingin siya sa paanan niya habang naglalakad habang nakaaklang ako sa braso niya. Bumuntong hininga ako sa lagay ng kabigan ko. May pagkacareless talaga minsan si Aurora. Hindi niya muna binubusisi ng maigi ang isang bagay bago ito paniwalaan at mukhang hindi ito magugustuhan ang kalabasan kung sakaling tama man ang sinabi ni Christine.

"What if he's poser talaga, Eyla? Answer me please! I know that you are not a straightforward type of a person but please be honest with me this time, please?" kulang nalang ay lumuhod ito para mahingi lang ang sagot ko sa katanungan niya.

"Kung poser siya, edi let go. Block mo siya ganon" sagot ko habang nakatingin sa mata niya at kita kong paluha na agad siya.

"Ang hirap sa'yo, Aurora Caliana, ang dali mong magpapaniwala sa mga bagay na hindi mo pa naman nasisigurado kung totoo or hindi. Ang dali mo din maattach sa mga tao. Para matahimik ang kaluluwa mo, ask his IG account and if he didn't give it to you, block him" pagpapatuloy ko habang nakatingin na sa harapan. Binalik niya ang tingin niya sa baba.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang pamilyang pigura ng tatlong lalaking makakasalubong namin. Tiningnan ko si Aurora at nakatingin parin ito sa paanan niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil ibig sabihin noon ay hindi niya nakita ang paparating na magkakaibigan. Nang makalapit na kami ay hinarangan na naman kami ni Daniel pero laking gulat ko nang magpatuloy si Aurora sa paglalakad at kita mong bagsak ang balikat nito kaya naiwan ako sa harapan nila.

"Sorry, nawala lang bigla sa mood si Aurora" sabi ko kay Daniel dahil nakita ko ang gulat sa mukha nito dahil sa inasta ni Aurora. Siguro ay tatarayan na naman uli ito ni Aurora ngunit hindi iyon ang pinairal ni Aurora.

Dazzling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon