CHAPTER III

5 2 0
                                    

"Gusto mo ba ng maiinom? Juice, kape, tubig, ano?" tanong ko habang binaba ang gamit sa sofa at nilingon ko agad siya. Umupo siya sa pinakamalapit na upuan pagkapasok pa lang niya. "Water will do" agad akong kumuha ng tubig at nakita kong tinitingnan niya ang mga picture frame na nakalagay malapit sa telebisyon.

"Do you live alone?" binaba ko ang tubig sa may coffee table at tinanong niya ako habang nakatingin sa picture namin nila mama at papa. "Yes" tipid kong sagot at umupo na sa sofa kaya ganoon din ang ginawa niya.

"You look like exactly your mother with a little bit features of your father. Where are they?" medyo natigilan ako sa tanong niya kaya binuksan ko muna ang telebisyon at nilagay sa news channel. "Patay na sila, a couple of years ago" naramdaman kong natigilan siya sa kinauupuan niya at alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

"I am so sorry. I shouldn't have asked" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. "It's okay! By the way, thank you sa kanina pero paano? I mean, you know what I am trying to say" umiwas ito saglit ng tingin dahil chineck niya ang mamahaling phone niya. "May pinuntahan ako malapit sa shop na pinagtatrabahuhan mo and nakita kita with that drunk guy so dinaluhan kita agad" tumayo na ito pagkatapos maubos ang tubig na ibinigay ko sa kanya. Sinamahan ko siya hanggang sa makarating kami malapit sa sasakyan niya.

"Thank you sa kanina. Ingat ka!" nakangiti kong sabi at nagulat ako nung ngumiti ito ng tipid. Lagi kasi itong nakasimangot. Bagay pala sa kaniya ang ngumiti. "No worries and take care. Una na ako" pumunta ako malapit sa pintuan ng tinutuluyan ko at kumaway sa kaniya bago ito tuluyang umalis. Pumasok na ako sa apartment at sinagot ang text ni Tita Ariane bago ako naglinis ng katawan. Pagkatapos noon ay nagcellphone muna ako saglit bago natulog ng mahimbing.


Gumising agad ako pagkatunog palang ng alarm clock ko. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. Nilinis ko saglit ang tinutuluyan ko, nagluto ng umagahan at kumain na rin, naligo at nag-ayos na rin ako. Free uniform kami ngayon kaya nagsuot ako ng maong shorts, fitted black crop top, at ipinatong ko ang checkered black flannel na abot hanggang sa ilalim ng shorts ko. Pinaresan ko ito ng puting sapatos at inayos ko na rin ang gamit ko at inilagay iyon sa tote bag na dadalhin ko ngayong araw. Nagmake-up ako ng light lang at napagdesisyunan ng umalis at ilock ang apartment ko. Hindi na ako nagulat ng makita ang sasakyan ni Christine sa tapat ng tinitirhan ko kaya agad na akong pumasok sa shotgun seat at nakita kong nagbabasa siya ng sa tingin ko ay aaralin nila mamaya.

"So sipag, tara na!" pagkasabi ko non ay nag-sealtbelt na ako at pinaandar niya na ang sasakyan. "Magka-block ba kayo ni Wendy sa ilang subjects niyo?" tanong ni Christine habang nakatingin pa rin sa daanan. "Sa tatlong subjects lang, the rest ay hindi na" binuklat ko ang handouts na ibinigay sa amin nung nag-enroll kami pagkatapos kong sagutin si Christine.

Hindi kinalaunan ay nakarating na rin agad kami at katulad kahapon ay nakatambay na agad si Aurora at Wendy sa may fountain sa tapat ng campus. Pagkakita nila sa amin ay tumambay muna kami saglit sa pinagtambayan namin kahapon dahil may 20 minutes pa kami bago ang first subject namin. Ilang minuto din non ay pumunta na kami sa unang subject namin kaya nagkahiwa-hiwalay na kami. Mamayang hapon pa kami magtatagpo ni Wendy sa tatlong subject na iyon kaya mag-isa muna kami. Pagkapasok ko sa room ay umupo ako sa gitnang bahagi para naman siguradong sigurado ako na makikinig ako.  

Ilang minuto ang lumipas nang may tumabi sa akin na isang babae na naka-ponytail at may katangkaran siya. Kayumanggi ang balat at hindi mo matatangging maganda siya. Tumingin na ako sa may white board nang ayusin niya na yung gamit niya. 

"Hi! Alicearean Rodriguez, Alice for short" nagpakilala siya sa akin ng may ngiti sa labi. "Yvienne Soheila Bellemore, Yvienne nalang" ngumiti din ako sa kanya at tumawa siya ng bahagya. 

Dazzling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon