Nakaupo ako sa shotgun seat ng sasakyan niya at tila mabagal ang pagpapaandar nito. Ako lang ba ang nababagalan o sadyang binabagalan niya talaga? Tinext ko muna si tita na ligtas akong makakauwi sa apartment ko dahil sinabi ni Christine sa kaniya ang nangyari sa akin kagabi. Napansin kong gawa na ang mga street lights na kahapon ay sira. Nagalit siguro si Tita Ariane kaya nagreklamo ito at nagrequest na gawin agad ito sa lalong madaling panahon.
"What happened to you yesterday bothers me that's why I fetch you. I hope that answers your confusion" napatingin ako sa kaniya at nginitian ito.
"If your concern, thank you. Kayang kaya ko na umuwi bukas ng mag-isa dahil mukhang nagreklamo na si tita sa nangyari sa akin kagabi" tumingin ako sa labas pagkatapos at nakita kong may mga tanod na gumagala sa paligid. Hindi na siya sumagot pa kaya binuksan ko ang phone ko para magchat sa gc namin.
Me: Pauwi na ako. Don't worry about me :))
Kita ko ang pagseen nila sa message ko at nakita kong nagtatype si Wendy ng message niya. Siya nga pala ang nagbigay kay Cameron ng number ko!
Wendy: Ikr. Looks like Cameron fetch you. Are u still in his car?
Dali daling nagtype ang dalawa ko pang kaibigan at napasapo ako sa noo ko sa posibilidad na ichat nila sa gc namin.
Aurora: Talandi ka, Eyla! Akala ko ba wala kang planong mag-jowa ha? Bakit kasama mo yan?!
Christine: Teka, 5 mins lang naman ang byahe mula sa pastry shop ni tita ah. Mukhang hindi ito maganda ah.
Pinatay ko nalang ang cellphone ko at huminto naman ang sasakyan ni Cameron dahil nandito na ako sa tapat ng apartment ko. Lumabas na ako nang lumabas agad ito at sinabayan niya ako ng lakad hanggang makarating sa harap ng pintuan.
"Papasok ka pa ba?"
"No need" ang tipid talaga nito sumagot kahit kailan.
"Okay. Thank you sa paghatid sa akin. Ingat ka!" kinawayan ko siya at ngumiti. Ngumiti din siya bago sumakay sa kotse niya. Biglang huminto ng bahagya ang tibok ng puso ko. Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti siya.
Bumusina muna siya bago pinaandar ang kotse niya. Tumunog ang cellphone ko dahil may tumatawag. GC iyon namin kaya pinag-isipan ko muna kung sasagutin ko yon. Kinuha ko muna ang susi ng apartment bago sagutin ang tawag at nandon na silang tatlo sa call room. Mga chismosa.
"Are you home na ba?"
"Girl, ano na nangyari?"
"Akala ko ba ay no jowa ka ha?!"
Umirap ako sa hangin habang binubuksan ang pintuan. Binuksan ko ang ilaw at umupo sa sofa at sumandal dahil sa pagod.
"Oo, nakauwi na ako at tumigil nga kayo diyan. Hinatid lang ako ng tao" pumikit ako habang sinabi iyon.
"Buti naman ay nakauwi ka ng maayos. Sorry if I give your number to him without your permission ha. I actually hesitated first before giving it to him. Sorry"
"It's okay, Wendy" sinabi ko dahil mukhang naguilty ito sa ginawa niya. Magsasalita pa sana sila pero nagpaalam na agad ako para makapagpahinga na dahil may aaralin pa ako. Pagkatapos ko kinain ang pagkaing dala ko galing sa trabaho ay umupo na ako sa study table ko para mag-aral ng kaunti dahil tapos na naman ako mag linis ng katawan ko.
Habang binubuklat ang handouts ko ay tumunog ang cellphone ko. Babalewalain ko sana ito dahil baka sila Aurora ito pero nahagip ng mata ko na unregisterred iyon. Sa kuryosidad ko ay binuksan ko ito at napagtanto kong si Cameron iyon. Nakalimutan ko pala siya isave kaya nisave ko muna ito.
BINABASA MO ANG
Dazzling Star
RomanceCELESTIAL SERIES #1 Yvienne Soheila Bellemore or Eyla is a Business Management student who wants to live a peaceful life despite of tragic incident happened in her life. A star that is dull and not shining at all is the best description to describe...