Miyerkules na at hanggang ngayon ay bakas pa rin sa akin ang gulat noong sabihin iyon ni Cameron sa akin. Ayokong maulit muli ang nangyari sa isang lalaking nakilala ko noong grade 10 ako. Buti nalang at hindi niya ako hinatid kahapon dahil mukhang nakinig siya sa akin.
Nasa room na ako ngayon para sa 3rd at 4th period pero hindi pa rin dumadating si Quin. Hindi pa naman ata sila magtetraining at bakit naman sila magtetraining ng ganitong oras? Dumaan ang recess kanina ng hindi nakikita ang tatlong magkakaibigan kaya mapayapang mapayapa kanina si Aurora.
Sa kakaisip ko ay dumating na pala si Quin ng hindi ko namamalayan. Pinagpatuloy ko na ang pagno-notes ko ng bigla siyang magsalita.
"Let's meet tomorrow dinner para sa gagawin natin since nakapag-isip na tayo kung ano ang gagawin natin" nakapag brain storm na kami kahapon pagka-awas. Mabilisan nga lang dahil may training siya.
"8 tayo magmeet. Doon nalang sa Delicious Side" pagtutukoy ko sa shop ni tita. "Nagpapart-time kasi ako and alas-otso ang tapos ng shift ko" sabi ko habang tinetake down ito.
"Sure. Alas-sais pa naman ang tapos ng training namin. Makakapagpahinga pa ako ng matagal tagal" nginitian ko lamang ito at ipinagpatuloy na ang ginagawa.
Kinalaunan ay dumating na ang propesor namin kaya nagstart na rin agad kami. Pinakinggan ko maigi ang dalawang subject sa mga oras na ito dahil nag-anunsyo na sila na may quiz kami next week friday.
Hindi ko namalayan ang oras at lunch na. Pagkaayos ng gamit ko ay umalis na agad ako. Nasa may pintuan pa lamang ako ay tanaw ko na si Quin. Hinihintay ba ako nito?
"Nakita ko kayo ng mga kaibigan mo sa ilalim ng malaking puno. Hatid na kita papunta doon" tumango ako at dumeretso na sa cafeteria. Bumili lang ako ng carbonara at milkshake.
Pagkaswipe ng card ko ay kinuha ni Quin ang order ko. Nagpresinta siyang magbitbit noon hanggang sa makarating kami sa tambayan namin. May nakakasalubong kaming mga varsity players den kaya binabati niya ito pero agad ding naglalakad.
Nakarating na kami sa tambayan at nandoon na silang pito. Hindi pa rin kumakain dahil hinihintay ako. Natigilan ang pagsasabatan ni Aurora at Daniel ng makita ako. Tumingin ang pito sa akin pero hindi iyon nagtagal dahil binaling nila ang atensyon sa lalaking naglapag ng pagkain ko.
"Happy lunch, Yvienne" ginulo niya ng bahagya ang buhok ko at ngumiti bago lumisan. Umupo na ako at nagsimula na kumain pero hindi iyon ang ginawa nila.
"Varsity pala ang nais" nakakalitong lingon ko kay Vale pero kumain na agad ito.
"Yvienne, hindi ganoong kagaling magbasketball ang kaibigan namin na si Cameron pero gaganda ang kinabukasan mo pag siya ang pinili mo" para namang bugaw 'tong si Daniel
"Oo nga. Itong iniidolo namin ay matalino, gwapo, kaya kang ipaglaban, at higit sa lahat mayaman. May pagkasuplado nga lamang" halos ibulong ni Vale ang huling linya kaya tumawa kaming apat na babae.
Pinukulan ni Cameron ang dalawa ng sama ng tingin pero nginisian lamang nila ito. Hindi ko na sila pinansin at kumain nalang. Inubos namin ang mga pagkain namin at nagkwentuhan. Hindi ko inaasahan na magiging kaclose namin ang tatlong ito.
"So, kailan pa kayo naging magkakaibigan?" tanong ni Christine habang uminom sa milkshake ko. Kinunotan ko siya ng noo pero sinabi niya sa akin na ubos na ang kanya kaya ininom niya ang akin.
"Simula Grade 7 ay magkakaibigan na kami. Doon kami nag-aral sa school na pag-aari ng pamilya nina Vale" sinamaan ni Vale ng tingin si Daniel dahil sa impormasyong sinabi nito.
"So you guys are all rich rich. I see, I see"
"Kaya bigyan mo na ako ng chance, Aurora. Gaganda ang buhay mo sa akin"
BINABASA MO ANG
Dazzling Star
RomanceCELESTIAL SERIES #1 Yvienne Soheila Bellemore or Eyla is a Business Management student who wants to live a peaceful life despite of tragic incident happened in her life. A star that is dull and not shining at all is the best description to describe...