the Song Sisters

120 9 7
                                    


Wendi Mirae Song ang pangalan niya. Panganay sa limang magkakapatid. Maputi at hanggang balikat ang buhok.

Si Wendi ang CEO ng Song Princess hotel na may limang branch, apat sa Seoul at isa sa Jeju Island. Isang 5star hotel na kilala sa ganda ng service at ambiance.

Well trained ang mga staff nito at mababait. Palangiti at palaging maasahan 24/7.

Half Filipina half Korean, pero mas nananaig ang dugong filipina. Palibhasa sinanay ng kanilang ina sa kaugalian pinoy. Gracious siya at kapag nagsasalita ay malambing. Kahit nagagalit ni hindi mo makikitang nalulukot ang mukha niya.

Kabaliktaran naman niya si Pauline Kyuwon Song. Pangatlo sa limang magkakapatid. Maikli ang buhok na madalas ay nakapusod.

Management ang kurso nito at siya ang namamahala sa restaurant sa ground floor ng hotel. Magiliw magsalita pero pag nagalit siguradong mapagsasabihan ka.


Gayunman bibihirang magalit si Pao sa kanyang nga tauhan. Maayos kasi ang trabaho ng mga ito.

Ang mga tauhan sa Song Princess Hotel at sa restaurant nito na the Melody ay pawang loyal sa kanilang mga boss.

Wala silang itulak kabigin. Bukod sa pagiging beauty and brains kasi ng mga ito mababait at humble sila. Di gaya ng ilang chaebol princess sa knilang lugar.

Ang bunsong kapatid naman ng mga ito ay kambal. Si Cher at si Chloe.

Cheryl Minam Song ang mas matanda sa kambal, ipinanganak ito two minutes ahead ni Chloe Tani Song.

Si Cher ay masayahin at madalas makikitang humahagikgik sa isang tabi. Madali siyang pasayahin. Kahit nagbabasa lang siya o nakikinig ng radio programs, ngingiti ito magisa. Kaya naman ang sarap niyang tingnan. Bukas ang maamong mukha at palangiti.

Kabaliktaran naman niya ang bunsong si Chloe. Tahimik lang ito. Pero siya ang singer ng kanilang pamilya. Siya lang ang humiling sa kanilang magulang na magenroll sa Kirin High. Pinagbigyan naman ito dahil sa angking husay sa pagkanta.

Maikli ang buhok at singkit ang mata nito na akala mo ay palaging iiyak. Ito ang nagbibigay sa kanya ng aura na kailangan niya ng guardian.

Pero kwidaw ka, lahat kasi ang limang magkakapatid ay blackbelter sa karate. Ito ang siniguro ng kanilang ina para hindi maging api apihan ang mga anak. Maliliit pa ang mga ito in enrol na niya sa JudoKarate.

Gusto sana ng tatay nilang si Song  HyaSun na magkapareho ang tunog ng pangalan ng kambal pero wala siya sa Seoul ng manganak ang asawa.

Gusto namang bigyan ng nanay nila na si Jenrietta Song na magkaruon ng sariling identity ang mga ito kaya di siya sumunod sa tradisyunal na pagpapangalan sa kambal niya.

Ang pangalawang anak ng mga Song ay kasalukuyang nasa US.

Buwan lamang ang tanda dito ni Wendi dahil nabuntis agad ang ina nila at pagkacelebrate ng unang kaarawan ni Wendi, nanganak ito kinabukasan.

Pagka graduate ng kursong HRM sa EWHA U, nag apply ito sa student exchange program.

Dalawang taon din ito sa America.

Lagpas balikat ang itim na buhok at matapang ang aura. Siya si Shin Mirein o mas kilala sa tawag na Rein. Softspoken pero hindi natatakot magsabi ng saloobin niya.

Katatapos lang ng graduation ni Pao ng maaksidente ang mga magulang nila.

Papunta itong Carribean para magcelebrate ng kanilang Silver Anniversary nang magluko ang engine ng cessna plane na si HyaSung mismo ang nag pipiloto.

Bumagsak ito. Magkayakap pa ang magasawa ng matagpuan ang bumagsak na eroplano.

Iyon ang huling pagkikita ng limang magkakapatid. Umuwi saglit si Rein mula sa exchange program, at nakidalamhati sa mga kapatid.

Siya lang ang bukod tanging hindi umiyak at ng magpaalam itong babalik agad sa America, pinabayaan ito ni Wendi. Close kasi ito sa papa nila. Kahit hindi nagsalita alam niyang masyado itong naapektuhan sa nangyari.

Ngayon nga after two years, tumawag ito at nagbalitang babalik na siya sa Seoul.

Mabuti naman at babalik kana Sis. Permanente na ba yan? Masayang tanung ni Wendy.

Oo. Permanente na. May ipapakilala ako sa inyo. Tumikhim muna ito bago nagsalita ulit.
Magpapakasal na ako pagbalik namin diyan sa Korea.

if I let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon