Changes

101 7 3
                                    

Ilang linggo ang lumipas

balik sa dati ang magkakapatid.

Bihira makita ni Wendi ang kambal dahil graduating na ito.

Si Rein naman ay naglalagi sa Jeju at inaayos ang venue ng kasal niya.

Oennie.. Pupunta lang ako sa park.

Paalam ni Pauline kay Wendi.

Humingi siya ng isang linggong bakasyon dito.

Wow ang sweet naman ni WooBin.
Sasagutin mo ba ba siya? Nakatawang biro  ni  Wendi sa kapatid.

Ate! Hindi si WooBin ang kasama ko. Napatingin sa kanya ang ate niya, nakataas ang kilay.

Napatungo si Pauline. Paano ba niya sasabihin sa ate niya. Balak na niyang sagutin si Eric. Kaya lang natatakot siya sa maaaring sabihin ng mga kapatid.

Nakita niya ang ka date ni Wendi. Naka Gallardo spyder yun. At kahit di niya nakita ang mukha nito halatang may sinasabi ito sa tindig palang at kasuotan.

Ang fiance naman ni ate Rein niya. Five years sa US at nagasikaso ng business nito.

Samantalang si Eric Jung, ni motor yata wala. Hindi pa siya nito nayayang pumunta sa mamahaling lugar. Madalas sa park o museum sila pumupunta.

Balewala sa kanya iyon. Pero baka may masabi ang mga kapatid niya kapag nakilala ito.

Dadalhin mo ba yung porsche mo?

Tanung ni Wendi.

Ate. Kelan..kelan ba ipapakilala ni ate Rein yung fiance niya? Naisip niyang itanung.

Ah.. Next week. May tinatapos daw na project sa construction or something bakit? Tinitigan ni Wendi ang kapatid. Parang nag aalangan iyon.

Ahm.. Sige dun ko na lang ipapakilala si Eric. Aalis na ako naghihintay na iyon. Hinalikan niya ang pisngi ng ate niya at nagmamadaling tumakbo at sumakay sa bus na nakaparada sa terminal sa gilid ng hotel.

Napakunot ang noo ni Wendi.
Kelan pa natutung sumakay ng bus si Pauline??

if I let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon