workings of fate

74 7 8
                                    

Pauline, Chloe pumunta kayo dito sa ospital. Dadating ang pamilya nila...Xander. Tinawagan ni Wendi ang dalwang kapatid. Hindi pa rin nagkakamalay si Rein at magdamag itong binantayan ni Yonghwa.

Tumawag siya kay Dhez na mag paluto sa chef nila sa Melody at ipahatid sa suite 395. Iyon ang private room kung saan naka confine si Rein at Che.

Gising na si Che at  tinulungan niya itong magbihis. Nakatingin naman ito sa ate niya at sa fiance nito.

Ate. Magkakabati pa ba sila? - Che

Oo naman. Kailangan lang malaman ni Rein ang totoo. -Wendi.

Napatungo ito. Feeling niya kasi siya ang pinagsimulan ng gulo.

Cheer up bunso. Nakangiting niyakap niya ang kapatid.

Dumating sila Pauline at Chloe na ihinatid pa ni Taec. Kasabay naman nito sila Dhez at hyunnie. Si manager Min na manager ng Song five ang nagasikaso sa hapag.

Ipinahanda iyon ni Wendi sa receiving room ng suite ng hospital.

Pauee. Someone sent this. Sabi ni Hyunnie at iniabot ang isang pumpon ng roses at hydrangeas. Napangiti si Pau.

Maya maya pa tumunog ang buzzer  ng suite. Si Taec ang nag bukas ng pinto at pumasok ang tatlong lalaki at isang babae.

Nanlaki ang mata ni Pauline ng mapagsino ang mga dumating.

Upo muna kayo. Nakangiting anyaya ni Wendy.  Ihinanda ni manager Min at manager Taec ang mesa. Sa head ng mesa naka upo ang babaeng bagong dating at nakangiti itong nagpakilala kay Wendi.

Hi. Wendi. I heard so much about you.. Nakipagkamay ito. Im Juliet Jung. Nakwento ni Xander na medyo nagkagulo pala kahapon.

Nakangiti ito. Napansin na nakatitig si Eric kay Pauline. Eric, siya ba si Pauee? Ngumiti si Eric at nag blush naman si Pau.

Namilog ang mata ni Wendi. So siya pala ang Eric na tinutukoy mo Pauee? Tumango ito. Napailing siya.

Inalalayan naman ni Chloe si Che at nagulat pa ng biglang tumayo si Jiro at niyakap ito.

Che are you ok? Bulong nito sabay pisil sa pisngi ni Che. Hinawakan nito ang dalawang kamay ni Che at lumayo sa mesa. Umupo sila sa sofa sa receving area.

Why you didnt tell me? Tanung nito kay Che.

Hindi ko din alam. Nakayukong sagot naman nito.

Niyakap siya ni Jiro. Im sorry wala ako sa tabi mo. Huwag kang mag alala, hindi na kita iiwan.

Humilig si Che sa dibdib nito. Akalain ba niyang mangyayari ito?

Dapat nga siguro, pagusapan na ang kasal ng mga iyan. Sabi naman ni Juliet. Tumango si Wendi. Kagagraduate lang ni Jiro. Siya yung mamamahala sa Jung Constructions katulong ni Eric. Nilingon nito si Xander. Tumango naman ang huli.

Eh paano yung kasal nila ate Rein?
Tanung naman ni Chloe.

Tuloy ang kasal. Naglingunan sila sa pinanggalingan ng boses. Si Yonghwa pala katabi si Rein. Nakaakbay siya dito. Napakunot noo naman si Rein ng makita si Xander.

Nilingon niya si Yonghwa. Kambal kami. Sabi nito. Si hyung ipinanganak five minutes ahead of me. Siya yung nakita mo kagabi hindi ako.

Ngumiti si Xander kay Rein. Pasensiya ka na. Hindi ko alam na kapatid mo pala si Wendi. Ang alam ko kasi nasa Jeju Island ka.

Naglipat ang tingin nito sa dalawa.
Identical twins sila pero may palatandaan siya kay Yonghwa. Ito lang ang may pulang balat sa braso.

Lumapit naman si Eric kay Pauline at nagbulungan ang mga ito.

Napangiti si Wendi.what is with the Jungs na nabingwit nito ang puso ng mga Song Sisters?

Dumulog na sila sa hapag kasabay ang managers ng Song Hotel.

Double wedding na ang gaganapin.

Humilig naman si Wendi sa balikat ni Xander na kanina pa nakayakap sa bewang niya. Kelan tayo papakasal sweetheart. Naunahan pa tayo ng mga dongsaengs natin.
Bulong ni Xander sa kanya.

Bawal ang sukob. Hayaan muna natin sa kanila ang limelight. Nakangiting sabi ni Wendy.

Ididischarge na si Rein at Che mamaya mula sa ospital at naisipan ni Wendi na mag pa party sa hotel niya.

Iaanounce ang engagement ng mga ito.

Panay naman ang tingin ni Juliet sa relo niya. Nakakunot ang noo.

Tumawag ba sayo si Denver? Tanung nito kay Xander. Umiling ang huli. Siya na lang ang wala ah.

Nginitian ni Juliet si Wendi. Pasensiya ka na, si Denver kasi instructor ng music sa Kirin High.
Hindi siguro maka alis agad. Alam naman niya na may celebration ngaun.

Ok lang yun oennie. Nakangiting sagot ni Wendi.

Padiretsohin mo na lang siya sa Song Princess 1 sa Seoul.

Tumango naman si Juliet.

Tiningnan ang mukha ng mga kapatid. Masasaya ang mga ito kasama ang kani kanilang mga girlfriend na nagkataong magkakapatid din.

Nailing siya pero nakangiti. Anu kaya ang naisip ng tadhana at pinagsama sama sila?

if I let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon