Excited

93 8 7
                                    

Naka video call ito nang magbalita sa mga kapatid.

Nagkatinginan naman ang kambal.

Oennie, siya ba yung kinukwento mong nakilala mo sa LA Stadium nung manuod ka sa laban ni Ryu? Tanung ni Cher.

Ngumiti si Rein. Oo siya nga iyon. Natandaan mo pa pala.

Paano wala ka namang ibinalita na iba pagkatapos nun. Sagot naman ni Pao.

Gwapo ba oennie? Si Chloe yun.

Hmm.. Medyo. Mabait siya magaling din siyang kumanta at mag gitara. Siguradong magiging ka vibes mo siya Chloe. Nakatawang sabi nito.

Hmm. I re reserve ko ang judgment ko. Ipakilala mo muna yan. Tsaka bakit kasal agad? Hindi man lang kayo na engage ng matagal? Sunod sunod na sabi ni Wendi.

Ito kasi ang binilinan ng magulang nila na magbantay sa mga kapatid bago ito umalis nuon papuntang Carribean.

Oenni Wendz. Matagal na rin naman kaming magkakilala dito. More than a year na. Nakangiting sabi ni Rein. Siguradong magugustuhan mo siya.

Nagtawanan silang lima at nagpatuloy sa kwentuhan. Mauuna daw na dadating si Rein dahil may tatapusing project ang boyfriend nito.

Ipinahanda naman ni Wendi ang suite ni Rein. Bawat isa sa limang hotel ay nakapangalan na sa kanila.

Ang headquarters ng hotel sa gitna ng Seoul ay kay Wendy. Kay Rein naman ang sa Jeju. Kay Pao ang hotel sa bandang Hongdae. Kay Cher ang malapit sa Incheon at kay Chloe naman ang nasa Gangnam.

Ang pinakataas ng mga ito ay ipinasadyang maging residence ng bawat isa sa kanila. Isang buong floor. May elevator na manggagaling sa parking ang diretsong umaakyat sa bawat suite.

May kanya kanya ding sasakyan ang magkakapatid.  Bugatti ang kay Wendi. Gusto kasi niya bukod sa ganda ay husay ng makina.

Si Pao naman ay may porsche. Ipinagmamalaki niya ang kotse niyang ito at minsan na din niyang isinali sa karera.

Pagani naman ang sa kambal. Dito lang sila nagkakaisa ng gusto, sa uri ng sasakyan na gusto nilang gamitin.

Si Rein naman ay di mahilig sa kotse. Pero may motor ito. Ducati na kulay pula. Naka park ito madalas sa hotel na pagaari ni Cher. Ito kasi ang pinakamalapit sa airport.


Sa linggo na ang uwi ni Rein at magkikita kita sila sa hotel ni Wendi sa Seoul.

if I let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon