games

119 8 17
                                    

Chloeee!!!!

Muntik mabasag ang eardrums ni Chloe. Ito talagang kambal niya. Bihira magsalita pero kapag hyper parang sirena ang lakas ng bibig!

Che naman! Anu bang meron?
Makasigaw ka akala mo may sunog! Napapailing pa ito. Naglalakad siya sa hallway papunta sa piano lessons niya.

Yung tablet ko naiwan ko sa suite ni oennie Wendi! Paano na yan?!

Nagmamaktol pa ito.

Che di ba may laptop ka? Yun na lang muna gamitin mo!

Hinanap niya ang room na nakasulat sa hawak niyang admission slip.

Room 392.
Ayun nakita ko din.

Biglang bumukas ang pinto at umatras si Chloe.

Tumalikod siya.

Che naman nandito na ko sa lesson ko. Gamitin mo yun laptop ok? Medyo pabulong ang salita niya.

Chloeeee!! Naiwan ko yung laptop sa hotel ko!! Naiiyak na talaga siya.

May World Tournament at kanina pa siya tinitext ng mga ka team niya.

Fifteen minutes na lang kasi.

Inilayo ni Chloe ang hawak na cellphone sa tenga niya. Juicekong kapatid ko! Che! Bahala kang gumawa ng paraan may klase ako! Ibaba ko na to! Napahawak siya sa ulo niya. Ang kakambal kong pasaway!

Inilagay niya ang cellphone sa loob ng bag at humarap na sa pinto.

Chloe! Click! Chloe?
Ahhhh... Nakakainis!! Talagang binabaan ako.

Nasa pinakadulo ng bookshelves si Che. Nasa library siya at madalas siyang nandito kapag may World Tournament na kelangang salihan.

Tahimik kasi dito at bihira ang pumupuntang estudyante. Walang istorbo, at kahit magpapadyak pa siya walang makakarinig.

Hawak ang noo at pumikit si Che.
This is my second tournament. Tapos wala di ako makakasali.

Use mine. Simpleng sabi ng isang boses. Nakalagay sa harap ni Che ang isang tablet 10.1 inch. Galaxy tab4.

Agad agad niyang kinuha ito. Nag login sa account niya.

Hey baby good to see you!
Yes nandito na ang reyna!
Ilatag ang red carpet!

Napangiti si Che.
Guys eyes on the prize! Lets do this!

Two hours. Naka concentrate si Che.

Nakakunot ang noo. Kanina pa siya nakaka receive ng trash talk mula sa mga kalaban nila.

Dapak! Kaasar tong mga to.

Nagpunas siya ng pawis sa noo.

Lux galingan mo!
Nanggagalaiti ang Garren ni Tonichi.
Fiora sa likod!

Guys SS san ko si Baron backup ok!

Pindot. Tira.
Nakakuyom ang palad niya.

Now na!

Sabay sabay silang tumira sa base ng kalaban , ang Nexus.

Demacia!!!

Waahhhhh!!! I won! We won!

Napalingon siya sa katabi niya. Ang laki ng ngiti niya. Nanalo tayo!

Nakaluhod sila pareho.

Niyakap niya ito.

Niyakap din siya ng lalaki nakatawa iyon. Congratulations Che!

Namilog ang mata ni Che. Hinawakan niya ang balikat ng kaharap. You know me?

Oo naman. Ikaw pa ba ang di ko makilala? Reyna ng LOL.

Ngumiti iyon.

Napangiti din si Che. Thank you sa tablet mo ah.

Thank you lang? Wala bang kiss?

Seryosong sabi nito.

Why not. Inilapit niya ang labi niya dito para bigyan ng smack.

Pero hinawakan ng lalaki ang mukha niya. At tinitigan siya.

Unti unting ibinaba ang mukha papalapit sa kanya.

Naamoy ni Che ang hininga nito. Amoy mint.

Kusang pumikit ang mata niya ng dumampi ang labi nito sa kanya.

Tumaas ang kamay niya at napahawak siya sa leeg nito.

Gumanti na siya ng halik.

Krash.pplink!

Naghiwalay ang mga labi nila. Kapwa naghahabol ang hininga.

Yung tablet ko ba yun?

Oo nabitawan ko....

Ok...

Tinitigan siya nito. Saka muli siyang hinalikan.

Two points Che.

Hinila niya ang kwelyo nito at lalong lumalim ang halik.

Hinihingal sila pareho ng magkahiwalay ang labi.

Hinawakan nito ang pisngi niya.

That was awesome Che. Sabi nito.

Nag melt naman siya sa titig nito.

Yung mata niya na parang may ipo ipong humahatak sa puso niya.

Ngumiti siya. Nakalimutan ang nabasag na tablet sa tabi nila.

-------

Napatitig si Chloe sa kaharap.

Nakalong sleeves. May headset na naka lagay sa may leeg nito.

Nginitian siya. Hi Im your instructor. Piano lessons right?

Napatango si Chloe.
Bat ambilis ng takbo ng pulso niya.

Lets go inside. Umpisahan na natin.

Nauna na itong pumasok.

Sumunod si Chloe.

Ang gwapo!

if I let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon