Escape

106 9 12
                                    


Pao.. Nabusog ka ba?

Nakatitig si WooBin sa maamong mukha niya.

Kumakain sila sa the Melody. May dalang sansrival cheese cake si WooBin, isa daw ito sa fusion cakes na specialty ng hotel nila.

Tumaas naman ang kilay ni Pao.

Bin.. stop staring at me..

Napangiti naman ang lalaki.

Pero lalong nangulit.

Ipinatong ang baba sa kamay at saka tinitigan si Pao.

Nag roll eyes si Pao. Tamo tong loko na to.. Kala nakakatuwa hayss... Josko ilayo nyo po ako sa bampira huhuhuh..

Bin ah.. Punta lang ako sa restroom... Tumayo na siya at di na hinintay ang sasabihin nito.

Dumiretso siya sa kitchen at dumaan sa gilid. Karen kapag pumasok dito yung bampirang bisita ko sabihin mo me emergency tinawag ako ni ate ok?

Mam ayaw nyo po kay sir WooBin ang gwapo nun bampira lang tawag nyo?.. Natatawang sabi ng sous chef nya.

Hay nako mabuti pa sayo na lang .. Kinindatan niya ito at umalis na.

Sa mga ganitong pagkakataon ko na wi wish na sana may motor din ako tulad ni ate Rein.

Palingon lingon pa si Pao.

Kaya lang nakita niyang palabas ng the Melody si WooBin. At mukhang papaunta sa kanya.

Waahh ang lakas ng pang amoy ng bampirang to!

Pumasok siya sa unang pintong nakita niya at nagtago siya sa isang pinto at ni lock iyon.

Narinig niyang pumasok si WooBin tapos lumabas din pagkaraan ng ilang minuto.

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at napasandal siya dito ng makitang wala na si WooBin.

Nakahawak pa siya sa dibdib niya sa kaba.

Pagbukas ng mata niya nakatitig sa kanya ang isang pares ng mata at nakatawa.

Pinagtataguan mo yun no?

Nakangiti nitong tanung sa kanya.

Yah! Bakit ka ba nanggugulat!

Sagot naman niya sabay irap dito.

Ah Im sorry kung nagulat kita.
Bibihira kasi akong makakita ng babae na pumapasok dito eh. Nag twinkle ang mata nito.

Napatingin naman si Pao sa kinaruruonan niya. Namula siya.
Ohemgee.. Nakakahiya..

Nasa loob siya ng men's restroom!

Tinitigan naman siya ng lalaki.
Oh ang cute naman niya. Shes blushing!

Nauna na itong lumakad palabas.

Waahhh... Walanghiyang WooBin kasi iyon eh.. Huhuhu...

Humakbang na siya palabas, nakakailang hakbang palang siya ng makasalubong niya ulet iyong lalaki.

Nagulat siya ng hinawakan siya sa kamay at hinila papunta sa isang room.

Anu ba...! Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng takpan nito ang bibig niya.

Shhh..

Sa labas narinig niya si WooBin na may kausap na lalaki.

Napatitig siya sa kaharap niya na nakatingin sa kanya. Umiling siya at pumikit.

Wahhh. Nandiyan na naman yung bampira.

Isinubsob niya ang mukha sa kaharap. Nagulat naman ito. Yinakap siya at hinagod ang likod niya.

Palayo na ang boses nila WooBin ng ng magsalita siya.

S-salamat..

Nagtaas siya ng tingin at nahiya siya napayakap na pala siya sa lalaki.

Naghiwalay sila bigla.

Nasa loob pala sila ng storage. Katabi ang mga walis at basahan.

Natawa ang lalaki. Pasensya ka na. Nahila kita dito. Nakita ko kasi yung pinagtataguan mo.. Kasama yung ayaw kong makita.

Nakapamulsa ito.

Hindi naman makatingin si Pao sa lalaki. Namumula pa rin ang mukha niya.

Nagbuntong hininga ang lalaki.

Wala na siguro sila. Halika na.

Hinawakan nito ang kamay ni Pao at hinila palabas.

Napasunod na lang si Pao.

Paglabas nila ng pinto nagkatinginan sila at nagkatawanan.


Paulyn!

Napalingon siya. Si WooBin!

Nakita niyang humakbang na ito papalapit sa kanya. Magkasalubong ang kilay.

Hinawakan niya ang kamay ng kasama niya at hinila na ito.

Sabay silang tumakbo palabas ng building.

Hindi sila huminto hanggang di sila nakatawid sa kabilang side.

Hinihingal pa sila pareho ng magkatinginan sila. Sabay silang natawa.

Nilingon niya ang pinanggalingan nila at nakita niyang naglalakad ai WooBin. Palingon lingon. Hinahanap si Pao. Sabay pa silang nagtago sa likod ng puno.

Nang makita nilang bumalik si WooBin sa loob ng hotel, tsaka lang sila nakahinga ng maluwag.

Ahm.. Boyfriend mo ba yun?

Tanung nito habang nakatingin sa papalayong si WooBin.

Tiningnan niya ito. Naka cap at maong na jacket.

Yumuko siya. Hindi ang kulit kulit nun eh.. Pinagpag niya ang suot niyang pants. Namumuti tuloy.

Eto oh. Inabutan siya nito ng panyo.

Nginitian niya ito. Thank you. Ako nga pala si Pao.

Napainhale ang lalaki.

Ang cute niya ngumiti. Ang ganda ng mata niya!

Inabot niya ang kamay nito at hindi na niya nabitawan. Nakatitig na lang siya dito.

if I let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon