Wing's -B-

34 1 0
                                    

Dedicated to my bestfriend : NerhineOff <3

(Azhy's POV)

Pag katapos ko mag ayus ng sarili. Bumaba na ako at sakto naman non ang pag labas ng kwarto ni Brent.

Hindi na ako nag GoodMorning kasi alam ko namang hangin lang din ang kakausap sakin.

Nakita ko si tito na nag kakape na habang nag babasa ng dyaryo.
"Good Morning Tito Cav :) si Rave po ? Hindi po ba sasabay saakin ?" Tanong ko kay tito ng mapansing wala si Rave sa sala.

Lagi kasing sumasabay sakin yun since marunong akong mag maneho ng sasakyan. Si Brent may sarili na ding Car iyan.

"Nauna na siyang umalis, nag pahatid na sa Driver kanina. Mukhang nag mamadali eh. Una na daw siya ang tagal mo pa daw kasi." Ha ? Ako matagal ? Baliw na ba yun ? Meron pa ngang 2hrs. bago mag start ang pasukan.

Or may inaabangan na iyan sa gate ng school -_- at mukhang alam ko na kung sino ! Anu bayan aga aga landi agad.

Pagkatapos kong mag almusal. Nag paalam na ako at umalis.

Habang nasa byahe ako bigla kong napansin na may nakatitig saakin sa labas sa may mapunong lugar. Medyo madilim don pero alam kong nakatitig sya sakin.

As in nakatitig sa mga mata ko !

Kinilabutan ako bigla. Kasi tinted tong car ko kaya pano niya pa ako makikita dito sa loob ?

"Ugggh. Ang creepy niya ah !"

Hindi ko masyadong naaninag yung mukha niya pero alam kong lalake sya.

Sa posture palang ng pangangatawan niya, halata mo na itong lalake eh.

"AARRRGGG ! Guni guni mo lang iyon Azhy. Wag muna intindihin iyon" pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Hinayaan ko nalang kung anu yung nakita ko at nagpatuloy nalang sa pag mamaneho.

Andito na ako sa Primrose University at dumiretso na sa bulletin para malaman kung anung section ako kabilang. At hindi na ako nag taka kung dun nanaman ako.

Sa Gold Class A. Tinignan ko yung mga list ng name ng GCA at sila padin ang mga classmate ko. Hayyyss.

"Eh??" May hindi pamilyar na pangalan sakin dun. May bago pala pero sino yung natanggal ? Sa GCA kasi may 10 students lang na magiging kabilang dun. At napansin kong si Lily Martinez ang natanggal.
"Pero bakit ?"

Matalino siya, mayaman at mabait. How come na natanggal siya ?

Aiiishh hayaan na nga tatanungin ko nalang sila mamaya.

"Good Morning Everyone ^_^" Isang alien ang sumigaw malapit sakin at hindi ko na nilingon at lumakad na papuntang room. Alam ko namang si Rave yun. Lagi yun maingay pag nakita niyang pumasok na yung crush niya.

Ang dahilan niya sa pagsigaw ng ganun ay para mapansin siya (-_-")

Hayys hindi na talaga mag babago yun. Ang layo ng ugali niya sa kuya niya pero parehas silang autistic.

"Hi Azhy. Goodmorning" bati sakin ni Chloe Cortez pag ka pasok ko sa room at naupo na. Seatmate ko siya since 1st yr until now.
"Hi din. Ahmm Chloe anung nangyare at bakit natanggal si Lily sa GCA? Nalipat ba siya?" Agad kong tanong sakaniya. Nakaka Curious lang kasi. Dahil matagal nang GCA si Lily at bakit ngayun wala na siya.

"Ah hindi mo paba alam ang nangyare sakaniya?" Tss. Mukhang alam ko ba ?!

"Alam ko. Alam na alam ko. Kaya nga tinatanong ko sayo eh kasi alam ko." Sarcastic kong sagot sakaniya.

"Hehe nakakatawa ka Azhy. Last mo na iyan girl ah" Anu bayan ang tagal naman sabihin.
"Anu na ? Anu nangyare sakaniya?" tanong ko ulit sakaniya. Ang dami pa kasing pakara eh.

"Oo na eto na ikekwento na nga eh. Atat lang ? Kakapasok mo pa nga lang dito sa room may lakad ka kaagad ?" Sinamaan ko siya ng tingin at nag peace sign siya saakin. Baliw na to!
"Hehe. Ok. After natin mag closing class nung march. Bakasyon na nun right ? And that time nag bakasyon si Lily pero hindi ko alam kung saan basta sa province daw nila. At nabalitaang nawawala siya tatlong araw na ng mapansin ng mga katulong nila sa pinagbakasyunan ni Lily na nawawala ito at hindi matagpuan kahit saan." Ha ? Hindi kaya nag ala Dora yun. Kasi maganda maglakbay sa probinsya kaya siguro hindi siya makita. Nagliwaliw na hahaha.

"1 week na wala paring lead kung saan na siya hanggang sa may matagpuang sunog na bangkay ang mga pulis sa bandang gubat.
Halos hindi na daw ito makilala dahil sunog na ang buong katawan nito. Namataan nilang si Lily iyon dahil nakita ng mga katulong na suot suot nito ang kwintas ni Lily na ayon sa kwento bigay daw yun ng Lola ni Lily. Walang nakakaalam kung sino ang sumunog sa katawan niya. Wala naman itong nakakaalitan dahil alam nating lahat na mabait siya" Napatakip ako bigla ng bibig sa nalaman. Mabait si Lily at friendly bakit nangyare yun sakaniya?

"Nang malaman ng lahat na patay na siya bigla ding nag laho ng parang bula ang mga magulang niya kasama ang bangkay ni Lily at walang nakakaalam kung san siya ibinurol. Kaya hindi manlang kami nakabisita" malungkot na tugon ni Chloe. Pinat ko nalang siya sa likod at tumango sakaniya.

Nakakalungkot mang isipin pero sana magsisi yung taong pumatay sakaniya.
"Goodmorning class. Nice to meet you all. By the way I will be your adviser in your whole last school year in highschool. My name is Ms. Jovelyn Semana your Science teacher in physics" Agad na pagpapakilala ni Ms.Semana pag kapasok.

Pero bakit kaya wala pa yung newbie ? Sa right side ko kasi nakaupo si chloe at sa left side naman malapit sa upuan ay yung dating chair ni Lily na ngayun ay bakante na.

Hindi ko matandaan name niya sa sobrang pag iisip ko kanina kaya nakalimutan ko.

Di bale na nga. Papasok naman siguro iyon bukas.

(Chloe Cortez at the right side)

Angel WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon