Wing's -F-

46 1 0
                                    

(Azhy's POV)

Monday

These past few days. Ang daming kakaibang nangyayare saakin. Katulad nalang nung binili kong libro sa NBS na Divergent tapos ko nang basahin yun kahapon 'tas nung isasarado ko na may napansin akong nakaipit dun sa pinaka-gitna ng libro na itim na lantang rosas.

Tas yung rabbit na puti na may black dots biglang kumandong saakin habang nasa garden ako ng school nakaupo. Ayaw ako lubayan kahit nasa loob na ako ng classroom andun siya sa bintana nakahiga pero ang nakakapagtaka hindi manlang siya pinapansin doon at pinapaalis kaya inuwi ko nalang sa bahay. Napansin ko nga sa dots niya na may heart shape doon sa likod niya malapit sa buntot niya eh saka kung iturin ako nun parang amo niya talaga ako. Ang nakakapagtaka lang wala namang hayop na napapadpad sa skwelahan.

At eto pa . Araw araw may nag papadala saakin ng letters pero walang nakasulat ? Ang weird no? But still tinatago ko pa din yun doon sa drawer ko. Sayang naman kasi effort nung nag papadala ng sulat ehh -_- nakakahiya sakaniya !

Nandito na ako sa room ng maabutan ko si Chloe na tulala at si Arsen na natutulog ang gwapo niya matulog para siyang anghel . Hahaha.

"Hey?" Pangdidistract ko kay Chloe pagkalapit ko. Hanggang ngaun tulala padin at hindi ako napapansin.

"Yooohoo ?! Earth to Chloe?" Winagayway ko na kamay ko sa harap niya pero wa epek padin.

Hmmm. Ano or Sino kayang gumagambala sa utak ng alien na yun?

Biglang pumasok si ma'am kaya hinayaan ko na lang siyang muntangang nakatulala jan at umupo na ng maayus . Gising na si Arsen pero sheyte lang . Ang hawt niya pag bagong gising. Halatang napuyat siya sa laki ng eyebags niya pero kahit ganun ang gwapo niya padin.

Hindi ko siya crush or anu man kung yan ang iniisip niyo ah! Sadyang marunong lang ako maka-appreciate ng kagwapuhan at kagandahan. Charaught ! Haha .

Breaktime

Tumayo na ako at naisipang sa Primrose Garden nalang ako kakain. Parang natakot na kasi ako dun sa rooftop eh.

Habang nag lalakad ako sa hallway nakita ko si Chloe na parang may tinititigan. Kanina tulala, ngayun may tinititigan.
"May sapak na ata tong babaeng ito eh?" Sa pag tataka ko, Sinundan ko kung san yung tinititigan niya at nagulat kasi si BRENT REEVER SALCEDO lang naman ang tinititigan niya at mukhang pinagpapantasyahan pa.

Mag-isa itong nakaupo sa bench at naka-headset lang. Hanep tong pinsan ko ah! pa-cool masyado pero gwapo naman.

Nag patuloy na akong mag-lakad, di ko maatim yung scene doon. Di ko akalaing may lihim na pag tingin pala itong kaibigan ko sa pinsan ko.

Nang makarating na ako sa garden.Umupo na ako at kinain na yung baon kong sandwich. Heavy lunch lang muna ako, diet eh. Hindi sa mataba ako ahh, trip ko lang.

Nakita kong may papalapit sa kinaroroonan ko. At napagtantong si Arsen yun.

Eh?! Anung gingawa niya dito?

Nang makalapit na siya mga dalawang puno ang layo niya saakin umupo na siya at humiga sa damo. Pansin ko lang parang pagod na pagod siya at mukhang walang tulog.

Dalawa lang kami ang nandito.

Nakatitig lang ako sakaniya nang bigla siya dumilat at tumingin saakin. Hala napansin niya ata pero hindi ko iniwas yung titig ko sakaniya katulad nga ng sabi ko hindi naman ako yung tipo ng tao na naiintimidate sa iba.

"What?" Biglang tanong niya sa napaka cold na boses. Umiling lang ako at tinuloy na ang pagkain. May natira pa akong isang sandwich kaya naisipan kong ialok sakaniya.

"Want some food? Here " Lahad ko ng kamay ko na may sandwich.
"No thanks. Im not hungry" Cold niya pading sabi. Nu bayan akala ko happy happy tong isa ito, yun naman pala suplado tss.

Nag-shrug nalang ako at hindi ko na inalok. Madali akong kausap kung ayaw niya edi wag.

Tumayo nalang ako para umalis na. Nang marinig ko ang gutom na tiyan na nag growl. Napatingin ako sakaniya na nakapikit padin at inihagis ko sakaniya yung sandwich kaya napadilat siya dahil sa gulat. Umalis na ako at hinayaan na siya dun.

"Gutom na pala ayaw pa tanggapin, ang arte niya daig niya pa babae" saad ko ng makalayo na ako sa garden.

(Arsen Kristoff Imperial at the right side

Angel WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon