Wing's -H-

18 1 0
                                    

(Azhy's POV)

Paakyat na ako sa 3rd floor kasi dun yung room ko nang makasalubong ko si Brent na nakabusangot yung mukha halos hindi mo na maipinta.

Tuloy tuloy lang siya na para bang hindi ako nakita, sabagay sanay naman akong iniisnob ako niyan, hindi lang ako pati si Rave din.

Nag-shrug nalang ako. Mukhang wala akong mapapala sa isang yun. By the way Silver Class B pala siya. Dapat GCA din siya kaso ewan ko ba dun maarti din ang isang yun.

Nang makarating ako sa room naabutan ko si Chloe na nakikipag kwentuhan kila Megan at Norrie.

Parang kanina lang tulala siya ahh ? Bat' ngayun dumaldal na ?

"Hi Azhy" kaway niya saakin at tumango lang ako.

"Oh. Buti pinansin mo ako. Mukhang malalim yata ang iniisip mo kanina ah?" Saad ko at umupo na, nakakahiya naman kung mag damag akong nakatayo diba?

"Hehe may iniisip lang kasi ako." Saad niya.
"Sus at anu naman iyon ? Nga pala anong meron at bakit titig na titig ka kay Brent ha?!" Pang iintriga ko.

"Ha? Wala yun, ang loner niya kasi kanina eh. Wala manlang friends"

Eh? Dahil lang dun, tinitigan niya na agad?

"Ok? Pero bayaan mo na yung isang yun. Ganun talaga siya" ngumisi nalang ako at tumango tango naman siya.

Pumasok na si Arsen na halatang wala sa sarili at kasunod naman niya ay yung teacher namin sa Economics.

Habang nasa kalagitnaan ng pag didiscuss biglang uminit pakiramdam ko halos tumatagaktak na ang pawis ko. Naka aircon naman kami dalawa pa nga eh! Sa harap at sa likod ng silid na ito.

"Ang init !!" Irita kong saad, pinagpapawisan na talaga ako at pinaypayan ko na ang sarili ko gamit ang notebook ko at pinupunasan ang pawis kong tumutulo sa noo ko at leeg, pero pinagpapawisan parin talaga ako. ANG INIT NAMAN!!!

"Ms. Salcedo ayos ka lang ba?" Tanong ni Sir. Castro nang mapansin niyang iritable ako at di mapakali.
"Ahmm. Ayus lang sir, medyo naiinitan lang po ako." Saad ko.
"Ha? May sakit kaba ? May aircon naman ah" Biglang napukaw ang atensyon ng lahat saakin.

"Ayos lang po talaga ako sir, wag niyo na po akong intindihin dito" Sabi ko habang nakangiti ng hilaw.

"Sir !" Tawag ni Chloe kay Sir. Castro.
"Mukhang hindi po talaga siya Ok Sir, sasamahan ko nalang po siya sa clinic baka po lalong lumala karamdaman niya" Suggestion ni Chloe.

Napatingin ako bigla sakaniya at pinandilatan ng mata.

Hindi naman talaga kaylangan pang pumuntang clinic eh. Wala naman akong nararamdamang masakit or anu pa man. Naiinitan at pinagpapawisan lang ako.

"Ok. Ms. Cortez and Ms. Salcedo, you may go now to the clinic" Pagsangayon ni sir. At pinalabas na kami.

"Anu kaba ! Hindi ko naman na kaylangan mag patingin sa clinic, maayos ako!" Bulalas ko kay Chloe nang makalabas kami at nag lalakad na sa hallway.
"Mukha bang maayos ang taong pinag papawisan na nga kahit dalawa na aircon sa room ?"

"Pinagpapawisan lang, OA mo ah. By the way, ayoko sa clinic sa CR nalang tayo" Tatanggi na sana siya ng mag lakad na ako. Wala na syang nagawa kaya sumunod nalang saakin.

(Third Person's POV)

Pag kapasok ni Arsen sa loob ng silid. Nakaramdam agad siya ng kakaibang enerhiya. Hindi siya nag pahalata at dere-deretso lang siya sa kaniyang kinauupuan.

At oo hindi mortal si Arsen.

Napansin niya ang kalagayan ni Azhy habang nasa kalagitnaan ng klase, hindi lang sya kundi dalawa sila ang unang napatingin sakaniya. Nang paalis na ang dalawang dalaga upang tumungo sa clinic. Hindi naka takas sa kaniyang paningin ang pag ngisi ng dalagang si Chloe.

"Mukhang alam ko na kung kanino nanggagaling ang enerhiyang iyon!" Bulong niya sa kaniyang sarili at napatiim bagang.

Dahil hindi maganda ang kutob niya ay binalak niya na itong sundan.
"Excuse me sir ? Can I go to the bathroom ?" Dahilan niya para makalabas siya.

"Yes you can." At dali dali siyang lumabas.

Dumeretso na siya sa clinic kung san nag punta ang dalaga. Nang makarating siya doon, nurse lang ang kanyang naabutan.
"May pumunta ba ditong dalawang babae ?" Tanong niya.

"Wala eh. Ang huli kong pasyente dito ay ang taga 3rd year student." Napatango nalang siya at umalis na.

Wala siyang ideya kung saan nag punta ang dalawa. Pumikit ito ng maiigi at nag focus.

Lumitaw na sakaniyang isip ang lahat ng tao sa loob ng eskwelahan.

At hinanap niya gamit ang kaniyang isip ang dalawang dalaga. Nakita niya ito agad na papuntang CR at nag madali na ang binata paalis.

Sa kabilang dako naman, nakasunod lang sa likod ng dalaga ang kaniyang kaibigan. Nang makapasok na sila sa CR ay agad humarap sa salamin si Azhy at tinitigan ang sarili kung may mali ba sa buong katawan niya at bakit nanaman siya naiinitan. Habang nag lalakad kasi ang mga ito ay nawala naman ang nararamdamang pagiinit nito at kalaunan ay bumalik nanaman.

"Sure kabang ayos kalang talaga?" Pagaalala ng kaibigan kay Azhy.
"Hindi ko alam, parang may naiipon sa loob ng katawan ko na gustong kumawala. Ewan ko di ko maintindihan!" Iritang sagot ng dalaga habang pinapaypayan ang sarili.

"Dapat kasi sa clinic na tayo dumeretso. Ang tigas naman kasi ng ulo mo eh!" Sermon ng kaibigan nito sakaniya.

"A-Arrrgg ! Wh-what the!!? Ang s-sakit!" Biglang napadaing sa sakit si Azhy at hinawakan ang nananakit na likod nito.
"Anung nangyayare Azhy?" Tarantang tanong ng kaibigan.
"ARRRGHH!" Napaluhod ito at nawalan ng malay.

"Azh--"

Booggshh..

"Wag kang gagalaw" Nagulat ang dalaga sa pag bukas ng pinto, lalapitan niya sana si Azhy pero tinutukan ng binata ang dalaga ng kutsilyo.

"Anu ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!! Hindi na maganda ang pakiramdam ng kaibigan ko tas' tututukan mo ko ng kutsilyo!!" Inis na untas ng dalaga.

"Anung ginawa mo sakaniya?" Kalmadong tanong ng binata.
"My Gosh!!! Anu to ? Bakit ako ang sinisisi mo sa nangyayare ngaun kay Azhy?! For pete's sake Arsen, kita niyo naman na kanina pa hindi maganda ang kalagayan niya!" Di makapaniwala sagot ng dalaga.

Biglang nag taka ang binata sa turan ng nito. Halata sa mga mata nito ang pagkairita at pag-aalala. Kaya binaba na niya ang hawak na patalim.

(Arsen's POV)

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maramdaman sakaniya ang masamang enerhiya?

Pero hindi ako namamalikmata na ngumisi itong babaeng ito kanina. Anung ibig-sabihin ng mga ngiti niyang iyon?

"Pasensya kana sa inasal ko, nakarinig kasi ako na may sumisigaw dito kaya pumunta ako at akala ko may ginagawa kang masama." Pag dadahilan ko.

"Ok ok. Naiintindihan kita, pero kaylangan na nating dalhin si Azhy sa clinic." Tumango nalang ako at binuhat na si Azhy.

Nang makarating na kami doon ay agad namang inaasikaso ng nurse si Azhy.

Alam ko ang nangyayare sakaniya. At tama nga ako ng hinala na katawan niya na mismo ang unti-unting gustong lumaya, malapit na ang tamang oras Azenith onting tiis nalang.

Umalis na ako dun dahil mukhang wala namang gagawing masama ang kaibigan niya. Nag kamali lang siguro ako ng hinala kanina sakaniya.

Wala akong pag tingin kay Azhy kung iyan ang iniisip niyo. Kaya ako ganito kaprotektado dun sa babaeng iyon, dahil ako ang naatasan na bantayan siya.

At eto nga ang misyon ko matagal na.

To be continued.....

Angel WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon