Wing's -E-

23 1 0
                                    

(Azhy's POV)

Sabado ngayun at nandito ako sa mall habang hinihintay si Chloe. Dahil wala kaming magawa eh naisipan naming mag lakwatsa.

1week na ang nakalipas ng mapanaginipan ko yung nakakatakot na panaginip at ang mga weird na pangyayare. Hindi na muli iyon nasundan pa at thankful ako dun kasi baka atakihin na talaga ako sa puso kahit wala akong sakit.

Nainip na ako kakahintay kay Chloe kaya nag lakad-lakad muna ako habang tinetext siya.

To: Chloe

Girl san kna ? Ang tgal mo. Txt mo ko kung mlpit kna ha?

Send..

Booooggssh...

"Sh*t!" Gosh may nabunggo ako at natapon yung dala dala niyang drinks sa damit niya at damit ko.

"Oh my gosh! Sorry hindi kita napan--BRENT ?!" Nagulat ako dahil ang nakabanggaan ko ay yung pinsan ko.
"Sorry Brent hindi kita napansin. Tara bumili nalang tayo ng bagong damit" pag aya ko sakaniya. Naka poker face lang sya at tumango.

See sabi sainyo hindi ka kakauspin neto kung hindi naman kaylangan eh. Panis na siguro laway kaya ayaw ibuka yung bunganga. Hahaha kidding .

Sumunod na siya saakin at pumasok kami sa Penshoppe. At nag hanap na nang masusuot dahil lagkit na lagkit na talaga ako.

Nakakita ako ng dress na above the knee lang na floral blue at may katernong white blazer. Kinuha ko na yun at mukha namang bagay sya sa suot kong red high heels.

Nang makapag-palit na ako at mabayaran ko na. Nakita kong kalalabas lang din ni Brent galing fitting room at suot-suot niya ang gray and blue t-shirt na sumakto sa suot niyang sumbrerong white na may blue and black stripes. Ang pogi talaga ng pinsan ko hahaha.

"Brent una na ako. Sige mag pasyal kana jan. Bye" Umalis na ako at hinanap si Chloe na nasa tapat na daw ng Shakey's.

"Ang tagal mo Chloe. Mahigit 1hour din ako nag hintay sayo." Reklamo ko ng makita sya.
"May dinaanan lang kasi ako tas mejo traffic pa kaya ayun late ako hehe" at nag peace sign siya habang nakangiti. Ang cute niya talaga lalo na kapag nakikita ko yung dimples niya. Ang sarap niya iuwi sa bahay hahahaha .

Naghanap na kami ng table at umorder na.

Spaghetti Meat Balls ang akin with chocolate shake at Carbonara kay Chloe with Strawberry shake.

Pagkatapos namin kumain eh nag shopping na kami. Habang namimili kami dito sa Silver Works ng alahas. Napukaw ng atensyon ko ang infinity necklace na may pakpak sa magkabilang dulo ng infinity.

"Ang ganda *0* Miss kukunin ko ito" sabay turo ko dun sa necklace. At binayaran ko na. Sabi ng cashier dun isa nalang daw yun. Dalawa lang daw yun eh at nabili na nang isa.

Sayang bibilin ko sana yung isa para parehas kami ni Chloe kaso naunahan na.

(Brent Reever Salcedo at the right side)

Angel WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon