Wing's -C-

29 1 0
                                    

(Azhy's POV)

2nd day na at hindi nga ako nag kamali na hindi nga pumasok yung bago na si Arsen Kristoff Imperial kahapon. And yeah alam ko na name niya kasi tinignan ko talaga ulit sa bulletin board.

"Rave ?! Bilisan mo naman. Anu sasabay ka paba saakin ?" Ang bagal kumilos samantalang kahapon ang bilis at nauna pa saakin.
"WAIT LANG ! PABABA NA !" Sabay bukas ng kwarto niya at tumakbo pababa.

"Ok let's go na." Sumakay na kami ng kotse at umalis na. Pero bago kami makalayo sa bahay nakita ka sa side mirror ko 'yung lalaking naka'hood at parang siya nanaman yung lalaking nakita ko habang nag mamaneho ako. Napansin ko siyang nag smirk at parang may binubulong.

Waaah ! Panu niya nalaman 'yung bahay namen ? Stalker ko ba yun ? Kung oo, nakakatakot siya ahh. Di ba yun titigil ? Kasi nang dahil sakaniya hindi ako nakatulog ng maayos eh.

Nakarating naman kami sa school ng safe. At ipinark na ang car ko sa parking lot. Habang naglalakad ako papuntang room napansin kong may nagkakagulong mga tao sa hallway especially mga babae at beki. Dahil hindi naman ako interesadong makita yung pinagkakaguluhan nila eh umalis nalang ako at nag dere-deretso na. Wala naman akong mapapala doon.

Pag-karating ko sa room umupo na ako. Kumpleto na kami pero wala padin yung bago. Naku, may balak pa kaya iyon pumasok ?

"Goodmorning class. Today may new classmate kayo. Actually dapat kahapon ko pa siya ipapakilala sainyo. But there's a family emergency syang pinuntahan kaya hindi sya nakapasok. Come in" Ahh yun naman pala. Kala ko wala nang balak magpakita. Haha OA ko na ah, isang araw lang absent exaggerated na ako kung makareact haha.

At pumasok nga ang lalaking ohhsheemms. Gwapo ah.
"Ok introduce yourself to them" sabi ni mam na halata ding na'starstruck kay koya :)

"Hi. I'm Arsen Kristoff Imperial. You can call me Kris, Nice to meet you guys" Pagpapakilala niya sabay ngiti. Ghawd yung dimple niya. Ang lalim infairness ah.

Nakatitig lang ako sakaniya at sa mga mata niyang kulay Ocean-Blue na kapag tinitigan mo nakaka'kalmado. Nagulat ako sa pag tingin niya bigla saakin pero hindi ko iniwas tingin ko kasi hindi naman ako naiintimidate sakaniya.

Mukha siyang masayahing tao at mabait. Kaya naman gusto ko siyang kilalanin.
"Ok thanks. You may now seat to that occupied chair" saka tinuro ni mam 'yung katabing upuan ko.

Fastforward...

Break time na. Balak ko sanang yayain si Arsen. And yeah Arsen ang itatawag ko sakaniya instead of Kris. Masyado ng common yun. And besides maganda naman yung 1st name niya eh.

Yun nga balak ko siyang yayain at makipag'kilala kaso biglang lumapit sakaniya si Lara Lington. GCA student din. Kaya nauna nalang akong umalis. Bitch yun eh saka feeling queen dito sa school eh anak lang naman siya ng ka-business partner ng may ari ng school na ito kaya kung makapag yabang yan wagas.

Dumiretso na ako sa rooftop. Since 1st year kasi ako hindi talaga ako bumibili at kumakain sa cafeteria. Di ko talaga trip don kaya dito ako lagi sa rooftop o di kaya sa garden.

Nang matapos na ako lumamon. Sumandal muna ako at nagsalpak ng headset, since maaga akong natapos mag breaktime eh umidlip muna ako saglit dahil kulang talaga ako sa tulog kagabi. Umihip ng malakas ang hangin na lalong nag paantok saakin kaya kinain na ako ng antok at nakatulog agad.

Pssstt.

Sa pag kakaalam ko wala akong music na may psst ang sounds sa phone ko ah.

Pssstt.

Hinayaan ko lang kasi baka nantitrip lang iyon.

Pssstt.

Dahil ayaw akong tigilan dumilat na ako.
"What the ?!! G-gabi na pala ?" Ghawddd. Napasarap yata ako ng tulog. Nako lagot ako neto kay tito. Sure akong hinahap na ako nun.

Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko at nagulat ako kasi gabing gabi na talaga !

"My Gosh !! 10:00pm na, Kainis !" Bulalas ko.
"Pero bakit walang miss calls or text manlang nila?" Takang tanong ko at namadali akong bumaba sa hagdan. And goodthing hindi sinarado ng guard yung pinto dito.

Tuluy-tuloy lang ako sa pag baba kasi natatakot ako dahil mga nakapatay na ang ilaw sa bawat room at ang tanging ilaw nalang ang natatanaw ko sa malayo ay yung guard house.

Nang nasa hallway ako bigla akong napako sa kinatatayuan ko.
"S-sino k-kayo ?!" Waahh . Mga tatlong nakaitim na cloak ang nakapaligid saakin. Nanlilisik ang mga mata na kulay pula na may halong itim at parang may mga naka-umbok sa likod nila mukha silang kuba.

Tatakbo sana ako pero biglang naging putik ang inaapakan ko at hindi ako makaalis.
"Uuurrrggh ! Anu ba nangyayare ngayun ?!!" Taranta kong tanong habang pinipilit umalis kasi papalubog ng papalubog mga paa ko. Nagulat ako ng may mga nag lutangang mga bungo sa putik.
"WAAAAHH! Ayoko pa mamatay" anu ba talaga nangyayare ?

Tinignan ko ang tatlong nakapalibot di kalayuan saakin. Nakatingin lang sila sa papalubog kong katawan.
"AAAAAAAAAAAAHHHH" Aargg. Shit biglang tumili yung tatlo ng sobrang lakas at sobrang tining na walang tigil.

"T-t-tulong ?!" Paghingi ko ng tulong kahit alam kong walang makakarinig saakin.

At tuluyan na nga akong lumubog sa putik. At ang huli kong nasulyapan ay ang puting buwan ay ngayun naging pula na.

Angel WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon