Wing's -D-

15 1 0
                                    

(Azhy's POV)

Naramdaman kong may humuhuni sa bandang taenga ko kaya napadilat ako at napatayo habang nag hahabol ng hininga. Nakita ko ang puting ibon na huminto na sa pag huni at lumipad na. Wala na pala sa taenga ko ang headset ko.

Pero t-teka? Umaga pa pala at nandito padin ako sa rooftop, akala ko kanina gabi na at.. at.. Yung nangyare kanina ? Bakit parang totoo ?

Tumingin ako sa baba.
"Recess parin ? Bakit feeling ko sa sobrang daming nangyare kanina na akala ko totoo eh panaginip lang pala ay napahaba na ang tulog ko ?" Takang tanong ko.

Para talagang totoo ang nangyare kanina kasi ramdam ko ang paglubog ko sa putik. At ang mas nakakakilabot ay yung pagiging pula ng buwan.
"Forget it Azhy. Panaginip lang yun. Nakakatakot na nightmare at ayoko nang mapanaginipan ulit!" Pag kumbinsi ko sa sarili ako at bumaba na sa rooftop.

Dumeretso na ako sa room, at habang papalapit. Nakita ko sa labas ng room ng GCA na may nag sasabunutan. At nakilala kong si Lara yun at yung isa hindi ko kilala pero base sa logo niya sa uniform taga Ruby Class D siya.

"Anu nanaman iyang pinasok na gulo ni Lara. Pinapahiya niya ang GCA sa ginagawa niya" napailing nalang ako habang pinapanood silang mag rambulan. Madaming pumipigil sakanila pero walang makaawat. Lamang na si Lara dahil di hamak na mas matangkad siya kesa sa taga RCD na yun.

Bahala sila jan mag kalagasan ng buhok. Kung aawatin ko iyan baka madamay pa ako. Pag-untugin ko talaga yang dalawang iyan.

Lumapit ako kay Chloe at tinanong kung anung pinag aawayan ng dalawa.
"Nakita kasi ni Lara na lumapit yung taga RCD kay Kris at hiningi number nito sabay kiss sa cheeks. Nakita ni Lara yun. Knowing Lara kung anu ang matipuhan inaangkin niya kaagad" Ah yun naman pala.

Kawawang Arsen. Mas naaawa ako sakaniya kesa sa dalawang nag sasabunutan.

(Third person's POV)

Pagbaba ng hagdan ni Azhy sa rooftop ay siya ding paglitaw ng isang itim na usok at nag form ito sa hugis tao na naka black cloak. Kaparehas ito sa nakita ni Azhy sa panaginip niya.

"Hindi pa ito ang simula pero sinisigurado kong naalarma kayo sa una kong hakbang." At nag evil smirk ito at bigla din naglaho sa hangin.

Sa kabilang dako naman ay may isang taong nakaramdam ng malakas na enerhiya na nakapagpataka sakaniya.
"Hindi pa ito ang takdang oras pero bakit nag paparamdam na kaagad sila ? Anu nanaman bang binabalak nila?" Takot, kaba at pagkalito ang matutunugan sa kaniya habang sinasabi iyon.

"Mukhang naramdaman na nila ang naramdaman ko kaya sana naman mag plano na sila kung paano mapoprotektahan ang dapat protektahan" madiing saad niya at itinuon nalang ang atensyon sa ibang bagay.

Angel WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon