Wing's -G-

69 1 0
                                    

(Chloe's POV)

Hayys. Monday ngayun at nakakatamad pumasok.

Hi! Chloe Cortez here. Nabanggit na ba sainyo ni Azhy na bestfriend ko siya ?

Hindi no ? Tss.

Anyway bestfriend na kami nun since 1st year pa. Actually nerd, mataba, clumsy at tuksuhin ako ng mga bully noon eh. Pero kung hindi dahil kay Azhy hanggang ngaun siguro ganun padin ako.

Binigyan lang naman niya ako ng megaultra make over. Dahil nung time na iyon nasaktan ako sa mga binitawan niyang salita na "Hindi kita type at ayaw ko sa mga lampang katulad mo"

Mas ok pa kung sa mga nangbubully sakin nanggaling iyang mga salitang iyan eh. Pero mas masakit talaga pag sakaniya.

Pagkatapos ko mag confess ng feeling ko noon sakaniya halos araw araw akong pinaparusahan ng mga obsess sakaniya, lalong lumala ang mga nang bubully saakin.

Lahat iyon nakikita niya na lagi akong pinagtutulungan pero tinitignan niya lang ang nangyayare at hindi manlang ako tinutulungan.

Pag pumapasok ako sa umaga ginagawa ko ang lahat hindi lang makita ni Azhy mga sugat at pasa ko.

Nilalagyan ko ng concealer para hindi niya mapansin o mahalata.

Pinagsisisihan ko na umamin ako ng nararamdaman ko sakaniya. Lahat ng malalang nangyayare saakin pinagtiisan ko. Nang dahil sakaniya mas lalong naging miserable buhay ko. Kaya pinangako ko sa sarili kong maghihiganti ako.

Ang totoo niyan hindi kilala ni Azhy kung sino yung nagugustuhan ko NOON. Nalaman nalang niya na lumalala na ang pangbubully saakin noong nahimatay ako at nadiskubre niya ang mga natatamo kong sugat. Hindi niya na tinanong kung anung dahilan at kung bakit ako nakakatanggap ng mga ganung pananakit dahil usually hindi nila ako sinasaktan physically but emotionally lang. Naririnig naman niyang pinagbubulungan nanaman ako sa school na "Ang kapal" ko daw at ang "Landi" ko dahil ang lakas daw nang loob kong umamin ng nararamdaman ko sakaniya. Dahil alam ni Azhy na wala akong balak sabihin ang totoo, bigla nalang niya akong binago. Para matigil na sila minake over niya ako, pinapayat, pinaganda. Nung una ayaw ko kasi kuntento na ako kung ano ako kaya napilitan lang ako but thankful ako kay bestfriend dahil binago niya ako at natigil nga ang pangbubully saakin.

Hindi mapilit na tao si Azhy,

Kung ayaw mo ? Wag mo! Kung gusto mo ?  Edi go !

Ganian kadaling kausap si Azhy, hindi niya pinipilit ang isang bagay kung napipilitan ka lang. Pero siya mismo ang aalam. Pero hanggang ngayon hindi niya padin kilala kung sino ang dahilan kung bakit ako naging miserable noon.

At si BRENT iyon.

Oo ang pinsan nga ni Azhy. Sasabihin ko naman sakaniya kung sino kung ibang lalaki lang iyon eh. Pero hindi, pinsan niya iyon at knowing Azhy magagalit yun sa pinsan niya, magaaway sila at ako ang magiging dahilan. At yun ang iniiwasan kong mangyare.

Back to reality.

Habang papunta na ako sa room namin.

Nadaanan ko ang Music Room at napansing nakabukas ito ng kaunti. Lalagpasan ko sana yun pero bigla kong narinig na may kumakanta.

Nakakarelax ang boses niya at parang hinihila ako neto papalit.

Sumilip ako sa may pintuan since nakabukas ito at natanaw ko ang isang lalaking nag pa-piano, nung una hindi ko siya mamukhaan pero nung matitigan ko na nakilala kong si Brent yun. Hindi ko alam na tumutugtog at kumakanta pala siya.

Tss. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina! Nakakabwisit pala pakinggan ang boses niya. Pang panirang araw.

Umalis na ako dun. Dahil di ko maatim na makita pagmumukha niya.

Angel WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon