2

4 1 0
                                    

"So Thria, I think we should get to know each other first to not make things awkward for us." Nakita kong ngumiti si Andrielle sa'kin.

Nandito kami ngayon sa office niya, tutulungan daw kasi niya 'ko kung paano humandle ng business sabi ni dad.

Okay na din siguro 'to, para na din maging close kami.

"Thriaxie Ysablle Cravalho, 23,fresh graduate, business management."

"Andrielle Lux Austria,25, pinaka gwapo sa aming mag-kapatid. Halata naman siguro-"

"I'm sorry that's so informal I think I should stop." he said while scratching his nape.

"No it's okay, continue with that attitude. To lessen the awkwardness, unti-unti." I said and smiled at him.

"Sige sabi mo eh."

"Pero halata naman siguro na ako ang mas gwapo kaysa sa kuya ko diba? Tsaka kahit sabihin mong h-"

"Hindi ko pa siya nakikita, Andri."

Tinawanan ko siya at tumayo sa kinauupuan ko para kunin yung papers sa table niya.

"S-sabi ko nga.." sabay kamot sa ulo.

"Why do we need to get married?" tanong ko sakaniya at napahinto siya sa ginagawa niya.

"Dad said it'll make things easier, mas magiging kilala ang kumpanya natin,at matutulungan din kita."

Magsasalita na sana 'ko nang may sinabi pa siya.

"Akala mo ba kagwapuhan lang ang mayroon ako? Matalino ako at built, Wag kang mag-alala, hindi ako manyak, gwapo l-"

Hindi niya pa natatapos ang sinasabi niya at natawa na 'ko agad.

"Anong nakakatawa doon, Thria?!"

Tinawanan ko lang ulit siya at tinuloy ang pag babasa sa mga papeles.

"Don't worry, I won't fall inlove. Business purposes only!"

"Okay sige, sabi mo eh." umiling nalang ako at tumawa ng mahina.

"Halaaaa, inlove ka sa'kin 'noooo?" he said with teasing smile.

"You're so assuming Andri!" I said and playfully rolled my eyes at him.

"Okay sige, sabi mo eh." he said obviously imitating me.

Nandito kami ngayon ni Andrielle sa isang Italian restaurant para mag lunch. Infairness nakakatuwa siyang kasama.

Mabilis kaming naging magkaclose dahil sa sense of humor niya.

Ang hangin nga lang, haha!

"Are you okay about the marriage, Thria?" napakunot ang noo ko dahil sa tanong niyang 'yon.

Okay nga lang ba sa'kin' yung kasal?

"I-i can't disappoint dad." napatango na lamang siya sa sagot ko.

"How about you?"

"Well, wala namang problema sa'kin yung marriage. I don't really fall inlove, business purposes only." his answer made me chuckle.

Ako kasi, sobrang dali 'kong maattach sa isang tao. Kaya pinilit ko yung sarili ko na hindi mahulog sa isang lalake.

To be honestly, I'm scared. I'm scared to fall, I'm scared to get hurt again.

"Thria? Are you okay?"

"Yeah.." tumango lang ako at nag patuloy sa pagkain.

"Let's act like a very close friends. I know our parents won't expect us to fall inlove by just meeting each other last night."

The Fallen PurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon