"Your treat Nathan, galing ka namang America kaya big time ka!"
"Aba ang kapal mo naman, restaurant niyo naman 'to tapos sa'kin ka pa mag papa libre." Nathan answered while rolling his eyes at me.
Finally nag kita na ulit kami after so many years, dapat sa favourite café namin pero sabi niya dito nalang since namiss niyang kumain dito. Nung nag paalam ako kay Andrielle kanina parang labag pa sa kalooban niya, haha.
"Edi umalis ka."
Aba, galit pa ata.
The employees greeted me and I smiled at them. The manager suddenly approached me with a huge smile on his face, crush ako neto sa pag kaka alam ko haha! I'm not being makapal, I'm just stating the fact.
"Mrs. Austria, Buti napapunta ka dito." he said while giving us the menu.
"Good afternoon Sir Nathan."
"Ako lang 'to." Kapal ng mukha ah.
"Wait, M-mrs. Austria?" Nanlaki ang mata ko bigla, Hala!
Sinenyasan ko yung manager na ituloy na yung work niya at kabado kong binaling ang tingin ko kay Nathan.
"Ysa, is there something that I need to know?" Tinaasan niya 'ko ng kilay.
"I'm married." I confidently said.
"Ano?!" Sinipa ko yung legs niya sa ilalim ng table dahil fancy restaurant 'to, nakakahiya kasi mayayaman at business man pa yung iba na kumakain dito.
"Bunganga mo kontrolin mo!" pabulong na sigaw ko, hope that makes sense haha.
Hindi pa rin makapaniwala ang itsura ni Nathan, napailing nalang ako at tumawa ng mahina.
"Arranged lang pre."
"I knew it!" He clapped his hands.
"What do you mean?" I curiously asked.
Hindi pa niya nasasagot ang tanong ko, dumating na yung order namin. I ordered pasta and Nathan ordered our best seller here, steak.
"I knew you wouldn't fall for someone new, alam ko namang si Paul lang ang laman ng puso mo." Seryosong sabi niya habang hinihiwa yung steak,napabuntong hininga nalang ako dahil totoo naman ang sinabi niya.
"Paulit-ulit kitang pipiliin amputa." Umiling siya habang ngumunguya.
I started to eat my food at lumutang nanaman ang isip ko, he left me without telling me the reason. Pero sa kabila ng lahat, sinaktan man niya ako ng maraming beses, Mahal ko pa rin siya.
"I'm going to Pagadian City this weekend."
"Hindi na ako mag tataka. Sige, gawin mo kung saan ka sasaya. Pero nasaktan ka na noon, at malaki ang posibilidad na masasaktan ka ulit sa gagawin mo." He worriedly said.
"Dala ko pa rin yung sakit na binigay niya limang taon na ang nakalipas, kaya hindi na 'ko matatakot kung madadagdagan pa yung sakit na 'to dahil sanay na akong nararamdaman 'to sa araw-araw kong pamumuhay."
Bumuntong hininga siya at umiling dahil wala naman siyang magagawa para baguhin ang desisyon ko. Pinag patuloy namin ang pag kain at iniba na niya yung topic para hindi awkward. Na bahala naman ako bigla kay Andrielle, bakit ba lagi nalang siyang nagiging cold, wala naman ako ginagawang masama.
"Ysa, sana hindi ka ma offend pero bakit pag fancy restaurant kaunti ang servings tapos sobrang mahal?" He said while the waiter is serving our dessert. We ordered chocolate Semifreddo, it's a class of a frozen dessert.
"Ikaw kaya ang gumastos sa mga rekado na sa ibang bansa pa nanggagaling." Mataray na sabi ko.
"Gawin mo naman akong manager sa ibang branch lods."
"Sabi ko naman kasi sa'yo, mag apply ka, yung sa opisina kasi doon ka naman magaling 'diba." Pag kukumbinsi ko.
"I'll think about it."
"Makikipag kita ka ba talaga kay Paul?"
"Ang layo naman ng topic natin diyan." Tumawa ako ng mahina. "I know pero, paano kung may feelings pala sa'yo yung asawa mo? What's his name by the way?"
"Andrielle."
"Okay, pasado naman. Gwapo ang pangalan, sana gwapo rin sa personal." Tumango siya habang iniinom yung wine niya.
"Ysa, just be careful please. Minsan kasi hindi natin alam na nakakasakit na tayo."
"Where are you going Belle?"
"Pagadian City, I'll be back in a couple weeks." I'm packing some clothes because tomorrow is my flight. Gusto kong makausap si Andrielle about doon, hindi naman ako gaanong nababahala dahil alam ko namang hindi big deal sakaniya 'yon.
"Andrielle, are you busy?"
"Kahit gaano pa 'ko ka busy, pag lalaanan ko pa rin ng oras ang asawa ko." Mayabang na sabi niya. Tinawanan ko siya at umiling nalang ako, he's probably just playing around. "I want to talk to you about something." We sat on the couch and Andrielle looks confuse.
"Sa'yo na mismo nanggaling, everything are just for the company. Nakausap na natin sila dad about doon at naiintindihan naman nila." Tumango siya.
"Straightforward na ha."
"Mahal ko pa rin yung taong nang iwan sa akin limang taon na ang nakalipas and I'm going to Pagadian City to meet that guy, his name is Paul."
Napuno ng katahimikan yung kwarto pag ka tapos kong sabihin 'yon.
"O-okay, nag pakasal lang naman tayo para sa kumpanya, hindi naman natin mahal ang isa't-isa." Nagulat ako nang nautal siya, he said that without looking at me.
"You should remove your ring, he might think you're already married, I mean you are married but a marriage without love. Goodluck din sa'yo, sana mag ka balikan kayo." Sarkastikong sabi niya na mas lalo kong ikinagulat.
"Andr-"
"Stay strong." Umirap siya.
"Are you jealous?" I teasingly asked. "No! I told you, business purposes only!" Pag dedepensa niya sa sarili.
"Okay, sabi mo eh."
"That's my dialog!"Tumawa ako ng malakas dahil sa reaksyon niya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil nasabi ko na sakaniya, sana lang maging maganda ang patutunguhan ng lahat.
Sana ako pa rin, pero kung hindi na, gagawin kong ako ulit.
Napangisi ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi man maging maganda ang kalalabasan nito, Gagawa ako ng paraan. Hindi nila ako kilala, hindi nila alam kung ano ang kaya kong gawin para lang makuha ko ang gusto ko.
I am Ysabelle for a reason.
Ysa may be stands for innocence but Belle that stands for being beautiful could be something more.
BINABASA MO ANG
The Fallen Purse
RomanceAndrielle, the guy who wants to keep himself away from falling inlove took over the company. Everything is just for the company not until he found himself falling inlove to Thriaxie, the clumsy girl who got her purse fallen. But are they really mean...