4

3 1 2
                                    

"Is it true that we're living together na?" I curiously asked Andri.

Nandito kami sa Eastwood, nag lalakad kami habang nakakapit ako sa braso niya, I don't know why I'm enjoying this. Kinikilig ako!

Thriaxie, business purposes only! Pero okay lang naman kung crush lang diba? Ayoko na,Sasabog na ang utak ko!

But we look like a couple right now! Nakasabit pa sa balikat niya yung sling bag ko!

"That's what our parents want." he answered while sipping on his bubble tea.

"Para tayong mag jowa, haha." Natatawang sabi ko habang umuupo doon sa bench malapit sa fountain.

"Asawa kita, kaya ba't ka pa nag tataka?" Tinitigan niya 'ko ng matagal bago siya tumabi sa akin.

"Crush mo ba 'ko?" I jokingly asked.

Nagulat ako nang bigla niyang iakbay yung braso niya sa balikat ko at tinitigan ako sa mata.

"Paano pag sinabi kong nahuhulog na pala ako sa'yo?"

Seryoso ang mukha niya kaya hindi ako makapag salita, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko kaya binaling ko nalang yung tingin ko sa fountain.

Is he serious? Paano kung ganoon lang talaga siya? Paano kung mahulog ako tapos laro lang pala ang lahat nang 'yon?

"Bakit ka nag business management?" nagulat ako nang bigla akong tanungin ni Andri about doon.

"Iyon ang gusto ni mom." napabuntong hininga nalang ako pag ka tapos sagutin 'yon.

"Ayaw niya akong pakuhanin ng culinary, she wants kuya to be the heir. And she got angry when kuya took engineering instead." I just chuckled remembering how she still blamed me.

"You don't have to tell me if you're uncomfortable. But I'm always here Belle."

He held my hand and caressed it. We stood up at sinabit niya ulit yung bag ko sa balikat niya.

"Wag na tayong mag pa gabi, ayusin natin yung ibang mga gamit mo, ayos naman na yung akin. The maids will help us, dami mo kasing damit eh."he chuckled at me.

"E, hindi pa nga tayo gaanong nag tatagal tapos aalis na tayo agad?"

"Saan mo pa ba gustong pumunta at dadalhin kita." napatigil ako sa pag lalakad dahil sa tanong niya.

"May gusto ka pa bang puntahan?" tumigil din siya sa pag lalakad at tinanong akong muli.

"W-wala na, uwi na tayo." iniwas ko ang tingin ko sakaniya at nag patuloy sa pag lalakad.

Hindi naman gaanong malayo yung pinag parkingan ni Andri kaya mabilis lang kami nakabalik. Pinag buksan niya 'ko ng pinto at umupo na ako sa shot gun seat. Hindi pa rin nawawala sa isip ko yung sinabi niya sa'kin kanina.

Si Andrielle? Mahuhulog sa akin?

He's a nice guy, pero ang pag kaka alala ko ay sinabi niyang kailangan naming maging inlove sa public. Maybe he's just playing his role, we're arranged so I think ginagawa lang niya 'yon dahil kailangan and he doesn't care about me at all.

"Gusto mo bang kumain muna?" tanong niya bago paandarin yung sasakyan.

Bago pa man ako maka sagot, biglang nag ring yung cellphone ko at ikinagulat kong tumatawag sa akin yung isa kong kaibigan. I'm surprised because we parted ways 4 years ago because his parents brought him to US.

Agad ko naman sinagot yung tawag dahil sa excitement.

"Nathan!" napansin kong napatingin tingin sa akin si Andri pero hinayaan ko nalang iyon.

[Ysa! It's been a long time!]

"Sinabi mo pa! Buti naman naisipan mo 'kong tawagan."

[Haha, I just came back from America. Grabe jet lag! Meet up tayo, kailan ka free?]

"I'm always free basta ikaw, haha."

[The day after tomorrow? Sunduin kita.] Papayag sana ako pero naalala kong lilipat na pala 'ko ng bahay.

"No need to pick me up, I can go by myself. Our favourite café?"

[Sige, text-text nalang.]

"Sige, bye!"

Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa excitement at tuwa, napakatagal naming hindi nag kita kaya hindi na ako nag hesitate nung inaya niya 'kong mag meet up.

"Gusto mo bang kumain muna?" nagulat ako nang tinanong niya ako ulit which made me confuse even more. Sobrang hirap niya talagang basahin.

"Stop acting like you care Andri." I said without looking at him.

"I...do.." binulong niya pero dahil sa katahimikan sa sasakyan ay narinig ko padin iyon. Napatingin ako sakaniya na naka focus ang tingin sa daan and just pretend that I didn't heard anything.

"Nevermind." Umiling siya at tinuon nalang ang pansin sa pag ddrive.

"Pack your things that is necessary, the maids will help you sa iba mong damit. I'll see you tomorrow." Hindi niya pinasok yung sasakyan sa gate kaya nag taka akong muli, 'diba sabi niya tutulungan niya ako?

"Baba na Thria." I just nodded my head at nag pasalamat sakaniya. Pumasok na ako sa bahay at medyo nalulungkot.

Did I do something that made him upset?

Napansin kong wala sila daddy, siguro business trip nanaman. Si kuya naman baka nasa site, he's an engineer kasi. Madalas nasa site kaya madalang kaming mag kita.

Dumeretso nalang ako sa kwarto ko at nagulat akong nandoon si mommy, she's fixing my bed kasi hindi ko nga pala naayos 'yon dahil sa pag mamadali kanina. It's just strange, hindi naman niya ginagawa yung mga ganoong bagay simula bata pa 'ko.

Napansin niyang pumasok ako kaya ngumiti siya sa akin.

"I'll just pack some clothes mom."Binaba ko yung bag ko sa coffee table ko.

"Make sure to pack all of your things." ngumiti ulit siya but I know she's just faking it.

"You're probably excited because I'm finally leaving the house." sinabi ko habang naka tingin sa ibang direksyon

"And the reason why you're leaving the house is not making me excited."

"Louis should be the one inheriting the company." tinaas niya ang boses niya at hindi na 'ko nagulat sa sinabi niya. Tinanguan ko lang siya dahil alam ko namang wala nang mag papa bago sa isip niya.

"I have to pack my things." lumabas siya sa kwarto ko and I just chuckled. I'm always craving for love and attention from my mom,pero si kuya lang ang tinatrato niyang anak.

Habang inaayos ko yung mga gamit ko, napatitig ako sa kawalan. Andrielle was upset earlier, wala naman nangyaring hindi maganda.

"Paano pag sinabi kong nahuhulog na pala 'ko sa'yo?"

He was serious when he said that, at seryoso din siya pag ka tapos niyang sabihin 'yon. Hindi na ako mag papaka tanga, Andrielle loves to joke around,minsan lang siya mag seryoso. Kung seryoso siya, seryoso din ang mga sinasabi niya.

Sabi niya na huwag akong mahulog dahil para lang naman sa kumpanya ang lahat,pero siya pala ang unang mahuhulog. He said he cared about me, but all of these are just for the sake of our company.

Akala ko mahuhulog ako agad, I'm thankful dahil hindi ako nahulog agad.I said I easily get attach, but I guess not now.

Why are you falling Andrielle.

You can't fall.

But if I said you can't doesn't mean you won't, but I can't catch you.

The person who haven't moved on yet from someone who broke her 5 years ago can't catch you.

The Fallen PurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon