11

7 2 0
                                    

"You can stay here, Paulo. Maraming rooms dito." After the dinner, we all went to the living room to bond. But I'm not enjoying this at all. Grabe, napaka awkward nung dinner because of mom. Wala manlang kibo. Pero at least things are not nakakairita anymore because of my dad, He's making Paul feel very comfortable.

"Actually sir, I will stay with a friend tonight. We haven't seen each other for years now kaya sabi niya sa kaniya muna ako tumuloy for the meantime." Ahh, that's nice. Marami rin kasi siyang kaibigan na naiwan niya rito, I'm happy na mag kikita na ulit sila. "Ohh, alright. Feel free, Paulo." Tinapik ni dad si Paul sa balikat sabay lingon sa akin.

"How about you and your husband, anak?" I looked at Andrielle with a questioning look. "O-oh, we're going home tito. May mga gagawin pa kami ng asawa ko, eh." Nanlaki ang mga mata ko when I heard him emphasize the word 'asawa'. Tumango na lang ako at ngumiti kay dad at umiling na lamang siya habang tumatawa ng mahina.

Sa pag lipat ng mata ko papunta kay Paul, I could see him looking at us with jealousy in his eyes. Kaya inabot ko ang isang kamay niya dahilan para tumingin siya sa aking mga mata, Binigyan ko siya ng maliit na ngiti to reassure him.

"So Paulo, mag pahinga ka muna until tomorrow. I'll let my daughter update you kung kailan tayo mag m-meeting about business." Tumango si Paul kay dad.

"Thria, I want to talk to you for awhile." Dad raised his eyebrows at me signaling me to stand up as I did. I walked after him at dahil nag k-kwentuhan naman si kuya, Andrielle, at Paul ay hinayaan ko muna sila. While walking, I already know we're on our way to his office.

"So.. what's up dad?" He gestured me to take a seat while he does the same. "So, what's up?" Tumawa siya leaving me all confused. "Is there something between you and Paulo? again?" Nagulat ako sa tanong niyang iyon. Hindi ako makapag salita because I never expect na mangyayari 'to. Kami na ba talaga ulit? seryoso ba ang lahat ng nangyari para sa kaniya?

"Ysa, sana naman matuto kang mahalin yung asawa mo. I could see the pain on his eyes." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni dad. "But he said-" "Sinabi lang niya 'yon, pero sigurado ka bang wala siyang pag tingin sa'yo?" Napatahimik na lang ako dahil hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat kong i sagot kay dad.

"Your mom, mag ka sundo sila ni Andrielle." Nanlaki ang mga ko nang sinabi ni dad 'yon. "I know you're planning something, so you better be careful with your action Ysabelle. Isang maling galaw at malalaman ng lahat na nag pakasal lang kayo para sa kumpanya. You can go back to the living room now." Napayuko na lamang ako at dahan-dahang tumayo para bumalik sa living room.

"Belle, uuwi na 'ko.." Narinig ko ang boses ni Paul at nakita ko siyang nakatayo na. "Paulo, ipahatid na lang kita sa driver namin." Dad insisted. "I'm okay sir. Yung kaibigan ko po yung susundo sa akin. Nandito na raw po siya." Pag tanggi niya. "Okay sige, I hope you'll drop the formalities when we meet again." Pag bibiro ni dad sabay pag tawa ni Paul. "Una na po ako, salamat po sa dinner." Nginitian niya sila kuya at dahil na sa room na si mom, sinabi ko sa kaniya na ako na lang ang mag sasabi kay mom na umuwi na siya. Mahirap kasing i-approach si mom.

Hinatid ko siya sa may pinto at nakita ko ang sasakyan ng kaibigan niya na papasok pa lang sa gate. Kailangan talagang ipasok ang sasakyan dahil kung mag lalakad pa papuntang gate, nakaka hingal dahil malayo, haha.

"Darling.." Niyakap niya ako at yumakap ako pabalik. "I'll miss you..don't get too close to your husband." Tumawa ako ng mahina. "We're friends..tsaka we'll see each other maybe the day after tomorrow? basta mag pahinga ka muna." Tumango siya sabay halik sa noo ko. "So.. I'll get going now. I love you." Nanatili lang akong nakangiti habang papasok siya ng sasakyan. "Salamat Thria!" Sumilip ang kaibigan niya at kumaway na lamang ako sa kanila. Pag ka alis nila ay pumasok na ulit ako.

"Ysa, shot ka muna ng soju!" Pag aya ni kuya. Umiling na lang ako dahil pagod ako at gusto ko nang umuwi. Naramdaman kong may umakbay sa akin at sa amoy pa lang ay alam ko na agad na si Andrielle 'yon.

Dumilat ako at nakita kong na sa kwarto na ako. Nakatulog pala ako sa byahe. Buti hindi nabigatan si Andri sa akin. Bumangon ako para mag shower ng mabilisan lang dahil 11 pm na rin, sobrang inaantok na ako. At dahil ka dugtong na ng bathroom ko ang mini walk-in closet ko ay nag bihis na rin ako ng pang tulog. I did my skincare and I heard a knock on my door. Syempre si Andri 'yon, sino pa ba ang kasama ko rito? haha.

"Come in!" Binuksan niya ang pinto at umupo siya sa gilid ng kama ko habang ako naman ay nakahiga na. Hindi ko na siya gaanong makausap dahil sa sobrang antok.

"Pagod ka?"

"Sobra.." Pinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan na lang siyang pag laruan ang buhok ko. Wala namang sigurong mali dahil kaibigan lang naman ang turing ko sa kaniya.

Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mabilis na tumitibok ang puso ko kapag malapit siya sa akin. At ang mas hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko sinagot si Paul nung sinabi niya ang salitang 'I love you' kanina.

Tama ba ang ginagawa ko? totoo nga ba ang nararamdaman ko para kay Paulo? at..kailangan ko na bang gawin ng mabilisan ang lahat ng plano ko? I sigh and I let myself fall asleep. I can think about that tomorrow.

"Paano naman ako?"

The Fallen PurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon