Chapter XVI

110 9 2
                                    


Hawak ko pa rin ang librong bigay sa 'kin ni Cameron habang matulin na tinatahak ang daan patungong mansion. Nagmamadali ang bawat kilos ko. Ayokong mapawalay sa piling ni Lucas, dumadagundong sa kaba ang dibdib ko nang makapasok na.

Humigpit ang hawak ko sa divorcement paper. Sobrang bigat ng nararamdaman ko, feeling ko may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa dibdib ko. I need to do this.

Madilim at walang katao-tao. Napakatahimik, nakakapanibago na tanging ang tunog ng sandalias na suot ko lang ang maririnig. Nahinto ako sa gitna ng hagdanan nang makita ang lawak ng tanggapan, the couch was already coated with white satins as well as the other furniture in the area. Are they planning to leave this place saka where are they? Bakit mukhang wala nang natirang tao rito? The thought of it made me trembled. Si Lucas!


Agad akong nagtungo sa kwarto namin. Nakahinga ako ng maluwag nang naabutan kong naglalaro lang si Lucas roon ng laruang sasakyan kaya nakahinga ako ng maluwag. I hurriedly went to our walk-in-closet at bastang hinablot ang mga damit at gamit ko. Pumunta rin ako sa kwarto ni Lucas at hinila ang maliit niyang maleta saka pinasak lahat nb mga damit niya. Minadali kong matapos lahat saka binihisan si Lucas para makaalis kami.

I can't help myself to cry habang binibihisan ko ang anak ko. Nanumbalik sa 'kin ang araw no'ng una kaming rito ni Nereus, the day of our marriage, and how he pursued me, at kung paano ko tinulungan si Lolo sa pagbagsak nila.

"Mommy, why are you packing our things? Lilipat pow ba tayo?" he asked me while creasing his forehead. Lumuhod ako sa harapan niya. How am I supposed to tell him?

"Lucas, pupunta tayo sa MommyLa at DaddyLo mo. 'Di ba namiss mo na sila?" napangiti ako nang tumango ito.

"Will Daddy come with us?" nawala ang ngiti ko. Humagilap ako nang tamang sasabihin. Ang hirap ng ganito, pakiramdam ko'y isa akong kriminal na hinuhuli.

"Susunod ang Daddy mo kaya makinig ka lang kay Mommy, okay?"

Tatayo na sana ako nang yakapin ako ni Lucas. "I love you, Mommy."

"I love you, son." biglang nawala lahat ng dinadala ko sa pagyakap lang ni Licas. He has this magic that could vanished away all the problems and despair. I closed my eyes bago siya hinalakan sa pisngi.

"We really need to go." hinawakan ko siya sa kamay at lumabas kami sa kwarto,pero bago 'yun ay iniwan ko muna sa bedside table ang divorcement papers.


Tahimik ang buong mansiyon,hindi gaya noon na may pagala-galang mga kasambahay para magsilbi. I glance at the other side kung saan naka-locate ang opisina ni Nereus. Nakabukas ito kung kaya'y iniwasan ko'ng makalikha ng ingay para hindi niya kami makitang papaalis.

"Mommy, I forgot my toys."

"Shm, lucas, 'wag kang maingay!" bulong ko sa kaniya. He bit his lip.

"But Mommy... why?" bulong niya. Napangiti ako sa pagkamasunurin ng anak ko.

"Because there are monsters, kukunin ka nila sa 'kin kapag narinig ka nila, and I'm afraid of that thought, okay?. . . So don't be too noisy and keep quiet." tumango siya. We headed to my car. Una kong sinakay si Lucas bago nilagay ang mga gamit sa compartment ng sasakyan.

Sunod akong sumakay. Lihim akong napamura at nasapak ko anv sarili nang pagkapa ko sa suot kong faded jeans ay wala roon ang susi ng sasakyan. Naiwan ko pala ang susi ng sasakyan sa kwarto namin. I heaved a sigh. Mukhang kakailanganin kong bumalik.

"Lucas dito ka lang. Babalik agad si Mommy,"

Lakad takbo ang ginawa ko. Salamat at mukhang hindi parin lumalabas si Reus sa opisina niya.

Arduous Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon