The greatest battle lies between what you know and how you feel.
Iniwan ko si Cameron sa park at natagpuan ang sariling patakbong tinatahak ang kahabaan ng kalsada patungo sa Condo na tinutuluyan ni Reus.
I ran as far as I could. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan man ako ng mga tao. I was really trying to escape these frustrations, guilt, at sakit na nararamdaman ko ngayon.
Humahangos akong napahinto nang naalala lahat ng sinabi ni Cameron kanina.
"I'm not naive, Aia! Alam kong si Reus ang ama ni Lucas. Kahit 'di mo inamin sa 'min lahat noon..."
"I should've known, may kati ka rin pala,"
Pinunasan ko ang luha at nagpatuloy sa pagtakbo. I will do this for her, sana naman mapatawad na niya ako. Hindi ko sinadyang pagbuhatan rin siya ng kamay. Hindi ko rin naman ginusto na sa akin magpapakasal si Reus. Nagtatalo ang isipan ko ngayon pero gagawin ko ito alang-alang kay Cameron.
As I reach the condominium. I called Reus's number in urgency na agad rin niyang sinagot.
"Nandito ako sa harapan ng condo mo," I can hear his bedroom voice over the phone.
"You really is diligent to postpone our wedding, huh."
"Oo!"
"Well Im sorry to tell you this, sweetheart. That's not even going to happen." napamaang ako sa sinabi niya. Hinilot ko ang sentido ko't magsasalita na sana nang pinatayan niya ako ng tawag. What the h**k!
Kung hindi ko lang kailangan ng cooperation niya ngayon, hindi ako mag-titiis. Tinanaw ko ang napakataas na gusali ng Condominium na ito, napabuga ako ng hangin.
Ipinikit ko ang aking mga mata nang unti-unting pumatak ang ulan sa aking mukha. My tears trickle kasabay ng pagpatak ng ulan. Hindi ko na rin maintindihan kung ano ba itong nangyayari sa buhay ko, hindi ko alam kung saan kakapit, o may kakapitan pa ba ako?
I remained on that position. Nang idinilat ko ang aking mga mata. Itim na payong ang sumalubong sa 'kin. Unti-unti kong inangat ang paningin. Sumalubong sa 'kin ang pares ng abong mga mata, he looked at me with a loured expressions written on his face. Nabuhayan ako ng loob ngayong kaharap ko siya.
Nanginginig ma'y hinawakan ko ang kamay niya't lumuhod sa kaniyang harapan. Gulat siyang nakatingin at para bang nagtataka siya kung bakit ko ito ginagawa.
"R-Reus, please marry my cousin. Please marry Cameron instead!"
Bakit ang sakit? Hindi naman dapat ako maging ganito, e. Dapat hindi na ako naaapektuhan. Hindi ko na siya mahal at wala akong karapatan para maramdaman ito.
"Bakit mo ba ako pinagpipilitan sa babaeng hindi ko gusto?" pinatayo niya ako. Naduduling ako sa distansya naming dalawa. His sterling gray eyes looked at me more dangerously.
"Ipapaubaya na kita sa kaniya,"
Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at pagsilay ng pait sa mga mata. Nanatili ang kaniyang tingin sa aking mga mata at unti-unti kong nakikita ang pamumuo ng kaniyang mga luha. Sumikip ang dibdib ko.
"R-reus!"
"Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng pinagtatabuyan. Now I know how it f*cking hurts to be rejected by someone you have loved. Ang sakit pala. . ." pumiyok ang boses niya.
Sa pagkakatingala ko sa kaniya, naramdaman ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha sa pisngi ko.
"Reus, pakasalan mo si Cameron," pagmamakaawa ko. "Hindi kita kayang pakisamahan,"
BINABASA MO ANG
Arduous Affection [COMPLETED]
RomanceWith a young and turbulent love, they didn't think of any consequences. They have thought that love could conquer all with just seeing rainbows that has tons of colors, not even realizing it'll bring storm. Astraia, a typical frosh in college, used...