Naki palapak ako sa mahabang speech ni señorita Jade para sa bagong kasal. Sa lahat ng kasal na napuntahan ko ito lang ang syang pinaka maganda. Kahit pa nasa isang linggo lang ang preparasyon perpekto ang lahat. Kung ako ang nasa posisyon ni señorita Rose diko na rin patatagalin ang lahat at pakakasalan na si señorita Iris.
Sa kasal lang din ito ako naka tagpo ng napaka gandang bride, tunay na si señorita Iris ang pinaka magandang babae sa lahat ng tao rito ngayon, wala ring makakatalo sa ngiting meron sya.
Yung tipo ng ngiting kitang kita ang labis na kaligayahan, diko nanaman maiwasang ma inggit kasi tuwing titingin si señorita Iris sa ngayon ay asawa na nitong si señorita Rose mas lalong nabubuhay ang makikinang na mga mata nya.
Kasabay noon masaya akong makita syang masaya, kahit pa hindi nya alam ang nararamdaman ko at kahit na hindi ako kahit kailanman naging kapantay nya ang kaligayahan nya lang ang tanging hinihiling ko.
Nasabi ko sa sarili na totoo pala yung mga napapanood ko sa mga drama, gaya ko masaya nalang akong pagmasdan sya mula sa malayo at tingalain.
Sandali akong pumuslit at kumain kasama ang ibang kasambahay, pasado alas nueve na at nag simula naring mag uwian ang ibang bisita. Ngayon lang kami magkakaroon ng pagkakataong kumain sa napaka abalang araw.
"Nakita mo ba ang suot na singsing ni señorita Iris?" Kanina pa nila pinag kwe-kwentuhan ang bagong kasal.
"Ang laki ng bato! Nalaman ko pang pinasadya pa iyon ng señorita. Ano kayang pakiramdam na ikasal sa ganoon kayaman no?" Sa halip na makisama sa kanila napa isip nalang ako.
"Mabuti kung may tsansa tayong maka bingwit ng mayaman. Kasing ganda kaba ni señorita Iris?" Natatawang singit ng isa.
"Oo nga kung sing-ganda ka nya malamang na may pag asa ka"
"Sa mga katulad natin mag pasalamat na tayong di lasenggo ang mapapangasawa natin." Komento pa ng isa.
"Kung ganoon wala na tayong pag-asang umasenso. Wala naman kasi tayong pag-asang maka-akit ng mayaman sa itsura natin" nagka tawanan sila sa narinig na para bang di malaking insulto iyon.
Nag ngalit ang ngipin ko sa pag pipigil, hindi ko alam sa mga kasama ko kung bakit naiisip lang nilang yayaman o aasenso sila kung meron silang mapapangasawang mayaman. Kasi ako iba ang pangarap at layunin ko.
Oo gusto kong makapag asawa ng taong nagmula sa maayos na pamilya pero gusto kong umasenso sa sarili kong paraan. Kaya nga ako nag aaral at nag susumikap na matapos para sa bagay na iyon.
Natahimik lang ang lahat ng biglang pumasok sa kusina ang lasing na si señorita Jade naghahanap sya ng ice cream. Natatawa ko lang naman na kinuha ang nasa ref at inabot sa kanya.
Matapos mabusog bumalik ako sa pag tulong sa mga tiyahin kong wala paring pahinga. Kahit na sabihan ko rin naman sya na hinay hinay lang ayaw nya naman akong pakinggan. Baka adrenaline rush.
Sa dami ng handa sigurado akong marami din akong maiuuwi mamaya,matutuwa ang mga kapatid ko na meron akong pasalubong ngayon. Sa naisip naka ngiti akong nag linis at ng punas ng ibang lamesa.
Sa mas pag lalim pa ng gabi ang grupo nalang nila señorita Rose ang natira. Malamang na mag inuman pa sila na ginagawa talaga nila kapag may mga okasyon kaya't nag linis linis na kami ng mga mesa.
Pag pasok sa kusina nakita kong nag babalot na sina tiyang ng mga pagkaing pwedeng ipa uwi. Hindi ako nag salita at inuna nalang muna ngayon ang pag lilinis. Habang itinutupi ko ang tela na naging sapin sa mga mesa napa tingala ako sa bilog na buwan.
Madalas kong isiping parang si señorita Iris ang napaka misteryosong buwan. Natatanaw ngunit napakalayo, nagbibigay ng liwanag sa mga taong di nya kilala. Bumaba ang mata ko sa kanya saka ako napa buntong hininga.
BINABASA MO ANG
Devilishly Gorgeous (wlw)
RomanceWala sa mga future plans ni Trixie ang magkaroon ng boyfriend or girlfriend, sa dami ng problema nya di nya na kayang magdagdag pa ng i ja-juggle. Masaya na sya sa mga secret crushes na syang pinag kukuhanan nya ng inspiration. When she met Natasha...