Chapter Nine

3.8K 125 13
                                    

Buckle up, sweet cheeks. Here comes the Drama - AN

-----

Pagdating sa presinto nalaman kong sa pagwawala ni papa meron syang nasaksak na isang baranggay tanod na isa sa naka-isip na umawat sa kanya. Dinala pala nila mama ang pagtatalo sa plaza kung saan nangyari ang aksidente.

Patong patong ng kaso ang naka sampa kay papa at dahil wala naman kaming pera mabubulok na sya sa kulungan. Hindi ko makuha ang sarili kong makaramdam ng awa, parang relief pa ng malaman kong sa wakas mawawala na sya sa buhay namin.

Dilang ako masaya na merong nasaktan, pasalamat nadin akong exaggerated lang si tiyang at buhay pa yung tanod. Nagpapa galing nalang ngayon sa hospital at dahil may kaya ang pamilya nito hindi daw sila papayag na makalaya pa si papa.

Habang si mama naman hindi na mahanap nila tiyang. Nawala nalang daw ito basta sa pinangyarihan at si tiyang pala ang naka isip na gawin lahat ng ito. Nakaramdam ako ng awa sa tiyahin ko.

Matanda na sila mama pero hanggang ngayon problema paring maituturing sa buhay nya. Tinik sa lalamunan naming lahat, dahil sa kanila kaya nagka layo kami ng mga kapatid ko, diko alam kung mapapatawad kopa sila.

"Ano ng gagawin natin ate?" Tanong ni Roxanne pag pasok namin sa kwartong ibinigay ni tiyang. Kwarto ito ng bunsong anak nyang si Meredith, magka edad lang kami pero di kami close.

"Ipagpapatuloy natin ang buhay Roxanne. Lalakarin ko yung papeles mo sa school at next school year papasok kana ulit" Sumalampak sya sa sahig at umiyak, nanlalata rin akong naupo sa tabi nya.

"Paano na sila Tony? Ano ng mangyayari sa kanila ate?" Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Tayo nalang ang pag asa nila. Dapat mag sumikap tayong mabuti at habang pumapasok parin ako sa mansion iipunin nating lahat iyon para makaya nating mabuhay ng sama sama" Tumango sya at kahit paano nakitaan ko ng liwanag ang mata nya.

"Ilang taon nalang naman at matatapos ka ng mag aral. Magsisipag akong mabuti ate" Pinilit kong ngumiti.

"Tama at wag kang gagawa ng bagay na kaiinisan nila tiyang. Kilala mo naman si Meredith, sulsol na pito pa ang sungay" Mahina syang natawa.

"Kaya ko naman yung si ate Edith" Tumayo kami at inayos ang mga damit namin sa panibago naming kwarto.

Dati pa di na kami naging malapit sa mga anak ni tiyang, tulad ng sabi ko pito ang sungay ni Meredith habang manyak naman yung dalawang anak nitong lalaki. Nag aalala rin akong iwan si Roxanne sa bahay sa mga lalaking iyon.

Kailangan kong gawan ng paraan ang lahat ng ito kasama pa doon na kailangan kong puntahan sila Tony dahil tumawag si tiyang Debbie na ilang oras palang umiiyak na sila Tony at hindi mapatahan.

Gusto kong humagulgol parang lahat ng problema sakin binabato ng buhay at bago pa ako makatayo may panibagong bato na mas mabigat kumpara sa nauna. Nanghihina na ako iniisip palang ang mga dapat kong gawin ngayon.

"Roxanne ikaw na nga ang mag hain. Kaysa humilata ka dyan" Bungad ni Meredith pag labas ko ng banyo, katatapos kolang maligo at yung nakaka iritang boses nya pa ang sumalubong sakin.

"Opo ate" Sagot ng kapatid ko matapos mag walis ng buong sala. Naka hilata ang tatlong anak ni tiyang na mas matanda pa sakin pero hanggang ngayon walang trabaho.

Wala naman akong pakialam sa kanila pero di ko lang nagugustuhan na mukhang sila ang new hired na kontrabida sa buhay namin. Parang lumabas mula sa TV yung mga dramang napapanood ko at ako ngayon ang bida.

"Roxanne ihanda mo nalang ang mga plato ako ng magbubuhat nitong kaldero" Turan ko habang itinatago sa twalya ang basa kong buhok.

"Ilan ba tayo te? Kasama ba si tiyang? Si tiyo ba nasaan?" Hindi ko alam ang isasagot sa kanya, madalang pa sa patak ng ulan ko makita ang asawa ni tiyang.

Devilishly Gorgeous (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon