TW: Attempted Suicide
---
"Ma?" Natigil ang aktong pasok ko sa loob ng bahay ng sya ang ma abutan ko.
"Trixie anak" Sumugod sya sakin ng yakap at matapos yon humahagulgol na sya sa leeg ko.
Matagal akong natulala sa kawalan dahil mukhang binabangungot ako. Paanong nandito sya sa bahay nila tiyang? Meron ba akong portal na napasukan kaninang pauwi at sa ibang mundo ako napunta?
Imposible na magpakita pa sya lalo pa't pinaka ayaw nya sa lahat ay harapin ang responsibilidad na may mga anak sya. Yon nga ang puno't dulo ng pagtakas nya samin. Kaya anong rason at lumabas sya sa lungga nya?
"Mag hunos dili po kayo" Awat ko rito ng halos kapusin na sya sa pag hinga sa labis na pag iyak.
Pina upo ko sya sa salas at inilapag ang lahat ng gamit ko sa school. Ikinuha ko sya ng malamig na tubig at saka ako nag handa rin ng makakain sa plato. Kahit naman may pagka bigla ako, sya parin ang nanay ko.
"Naligaw po yata kayo" Basag ko sa namuong katahimikan.
"Anak nanghihingi ako kapatawaran sa lahat ng kasalanan ko. Alam mo yung paghihirap ko sa tatay mo at ayoko man kailangan ko kayong iwanan. Wala akong magawa, aaminin kong sinawaan ako sa araw araw na buhay natin pero anak mahal ko kayo" Lumunok ako.
"Pero ma bakit ngayon? Sa lahat ng panahon bakit ngayon nyo naisip bumalik?" Tanong ko, tumitig sya sa mga mata ko habang puno parin ng emosyon ang mga mukha.
"Nagsisisi nako at ayokong magkalayo pa tayo. Kukunin ko na kayo dito,dumaan narin ako kina ate Debbie. Sinabi kong ihanda na nila ang mga gamit nila. Mabubuo na tayo anak. Magta trabaho nako at pipilitin kong maging maayos na ang buhay natin" Nabigla ako at may tuwa akong naramdaman.
"Totoo ba mama? Mapag aaral na natin sila Tony at magiging ayos na ang lahat" Diko naitago yung kasiyahan sa boses ko.
"Iyon talaga ang plano ko, Gusto kong habang bata pa maiayos na natin ang lahat. Nagising na ako" Tumango ako.
"Sige ma pero makakabalik paba tayo sa bahay natin? Ang pagkaka alam ko ibinenta na ni tiyang iyon" Ilang araw lang na pag lipat namin sa bahay nila tiyang ibinenta nya narin ang lupang kinatatayuan ng bahay namin, wala namang titulo kaya napakamura lang ng napag bentahan.
"Hindi natin problema iyon, nakabili na ako ng bahay na malapit din dito kina ate Nora. Mas maganda na mapalapit tayo sa kanila." Sandali akong naguluhan sa narinig.
"Nakabili? Paano po? Imposible na magkaroon kayo bigla ng pera" Malaki ang naging ngiti nya.
"Iyon pa ang rason at naparito ako anak. Nagpakilala sakin si Ms Serena at sya ang nag bigay sakin ng kailangan natin. Basta kausapin daw kita at pakiusapang hiwalayan ang anak nya. Pumayag ako kasi alam kong matalino ka at kukunin mo ang oportunidad na ito para sa pamilya mo-"
"Tinanggap nyo?" Napa tayo ako at di makapaniwalang tumingin sa kanya.
"Tanga nalang ako kung palalagpasin kopa iyon. Napakalaki ng halagang inalok nya" Nag puyos ang damdamin ko at kaagad na nag init ang mga mata ko.
"Hindi ma! Nasan yung pera? Ibabalik ko rin ngayon sa kanya" Nag iwas sya ng tingin at doon ko lang napansin yung mga gintong alahas nya. Sa pagka bigla ng makita sya ngayon kolang sya napagmasdang mabuti.
"Ubos na, bumili na ako ng bahay at pwedeng gawing negosyo para sa pamilya natin." Bigla kong ninais na himatayin, nanlalata akong napa salampak sa sofa.
"Ubos na? Anong ginawa nyo?" Umiikot ang paningin ko sa lahat ng nalaman ko. Pina da-dama nya lang pala ako.
"Anak wag ka ng mag alala. Ang mahalaga mabubo na tayo, iwan mo na ang anak nya. Marami namang babae at lalaki dyan. Mapapalitan mo rin sya" Natawa ako, naiisip nya ba ang mga sinasabi nya?
BINABASA MO ANG
Devilishly Gorgeous (wlw)
RomanceWala sa mga future plans ni Trixie ang magkaroon ng boyfriend or girlfriend, sa dami ng problema nya di nya na kayang magdagdag pa ng i ja-juggle. Masaya na sya sa mga secret crushes na syang pinag kukuhanan nya ng inspiration. When she met Natasha...