Epilogue

5.7K 148 67
                                    

"Mga anak ko wag kayo dito mag laro, baka mamaya maka basag nanaman kayo" Saway ko sa pang ilang beses.

Sa mga taong nag daan naging normal occurrence na ang pag babawal o ang pananaway sa mga anak ko. Simula ng matuto silang mag lakad at maging malikot. Nasa early thirties palang ako pero ang pakiramdam ko kada araw mas mabilis pa ang pag dami ng puti ko sa mga nasa sitenta sa konsumisyon.

Ipinag patuloy ko ang pagbabasa sa librong kagabi kolang nasimulan, ngunit first chapter palang hooked na hooked na ako sa ganda. Si Roxanne ang nag regalo nito sakin dahil sa kanya lang din ako nakaka kuha ng decent suggestions ng mga librong talagang diko mabibitawan.

Nagkaroon ng kalabog sa kaliwang direksyon ng mansion, halos mabali ang leeg ko sa pag tingin hanggang sa bumalik ang katahimikan. Baka imagination ko lang iyon.

Bumalik sa libro ang atensyon ko, minsan lang ako magkaroon ng kapayapaan. Dahil kulang na kulang pa ang 24 hours para sa pamilya ko.

"M-Mama?" Ibinaba ko ang libro sa kandungan ko, sinalubong ako ng mga mata ni Natasha. Till now nakaka amazed paring nakuha ng mga anak ko ang nata ng mommy nila.

Naka guhit sa gwapong mukha nya ang takot, tuwing pinagmamasdan ko sya diko parin mahinuha kung gaano nalang ang pagkaka hawig naming dalawa, kahit pa si Natasha ang nag buntis, mukha ko naman ang nakuha ni Tristan.

"Bakit baby?" May pag aalalang balik ko, sumenyas ako na lumapit sya.

"Tally's in big trouble" Naka nguso sya ng yumakap sa katawan ko.

"What did she do now?" Stress na balik ko.

"Umh she crash her airplane inside MommyLa's office and the vase got smash" Nanlaki ang mga mata ko.

"Don't tell me-" Tumango tango lang naman sya.

Nang maging positive si Natasha sa pregnancy test ilang beses kaming pina kiusapan ng mga magulang nyang lumipat na sa mansion. Hindi lang ako naka tanggi nung sabihin nilang dito may mag babantay sa kanya kapag nasa trabaho ako. Lalo na't di naging madali ang pagbubuntis nya, ilang beses din kasing fails bago mabuo si Tristan.

Sa mga taong lumipas diko rin malaman kung paano kami nagkasundo ni Mom, I mean diko sure kung kailan ko sinimulang tawaging mom si tita Serena. Nag stuck nalang iyon at wala rin naman akong reklamo na narinig sa ginang.

Pinaka una sa mga na discover ko ng makasama sa bahay ang mom ni Natasha ay avid fan ito ng mga sculpture at ancient vases na nagkaka halaga ng ilang taong sahod ko. Parang mga anak na nitong itinuturing ang mga collection nito na madalas nya pang ipagmalaki sa mga taong bumibisita sa mansion.

Tumambol ang puso ko sa takot isipin palang na naka basag nanaman ang anak ko. Ilang beses ng pinagtakpan ni Natasha ang mga nagawa ni Tally at sa minutong ito hindi ko alam kung paano gagawa ng dahilan kung wala si Natasha ngayon.

Buhat ko si Tristan pag pasok sa loob ng opisina at sinalubong ako ng mga piraso ng basag na vase, nanlata ako ng ma recognize na ito nga ang pinaka ini-ingatan ng biyenan ko sa lahat ng mga collection nya.

"Mama!" Hinilot ko ang sentido ng patakbong yumakap sa balakang ko si Tally.

"Natalya ano nanaman to?" Walang lakas na tanong ko.

"I-I don't know! I completely..... I think something's wrong with my airplane! Kasi- Kasi look! Diba di naman to broken kahapon?" Rumble ng anak ko dahil guilty sya.

Ibinaba ko si Tristan at inilayo silang dalawa sa mga piraso ng makulay na vase. Lumabas kami at dinala ko sila sa salas ng mansion. Nasa baba ang mga mata ni Tristan habang subo ni Natalya ang hinlalaki nya.

Devilishly Gorgeous (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon