Dahil sa kabang naging constant na sa puso ko nitong ilang araw, nawala sa utak ko na pupunta kami sa mansion ng magulang nya. Hindi ko na inisip ang nanay nya dahil ang laman lang naman ngayon ng utak ko ay yung magiging sagot nya kapag ipinakita ko na sa kanya ang singsing.
Iyon lang naman ang mahalaga ngayon, matagal na akong walang takot sa nanay nya. Kung maulit man ang nangyari dati hindi na ako magpapadala sa pananakot nya at nakadagdag pa na nasa side ko na ang tatay ni Natasha.
"What is it?" Tumaas sa anit ang dalawang kilay ko sa tinuran nya pag patay ng makina at pag hinto sa tapat ng mansion nila.
"Ano yon?" Tumatambol ang pusong tanong ko.
May idea na ba sya? Sinabi ng mahuhulaan nya rin ang lahat.
"Akala mo diko napapansin na skittish ka? What are you not telling me?" Pinilit kong ngumiti.
"Paranoid kana naman, anong diko sasabihin?" Balik ko. Wala akong ibang maidahilan.
"Ewan ko, ayaw mo bang pumunta rito? Bakit pinilit mo pa ko kung ayaw mo pala" Hinawakan ko ang kamay nya.
"Iyon nga bakit kita pipilitin sa ayaw ko?" Nag iwas sya ng tingin. Pag litaw ng pag aalala sa mga mata nya kasabay noon yung pag litaw ng kamay na parang sumakal sa leeg ko "Heart come on,look at me" Wala syang nagawa kundi ang gawin ang sinabi ko.
"Ayokong meron kang nililihim sakin. Kahit na dimo sabihin ramdam ko yon" Naluluhang sagot nya, hinubad ko kaagad ang seat belt at niyakap sya.
Mas lalong sumikip yung naka sakal sa leeg ko kaya pinilit kong lumunok ng ilang beses habang nag iisip ng salitang mag aalis ng worry sa mukha nya.
"Heart wala nga,okay? Kung meron man darating din yung point na masasabi ko to sayo" Mahinang amin ko saka pinunasan ang pisngi nya.
God, she's so beautiful even when she's crying.
"It's not something bad? Something that will never make me cry, right?" Ilang beses kong hinalikan ang labi nya. Isa yon sa binulong ng utak ko para i comfort sya.
"Promise po, wag ka ng mag isip,okay?" Niyakap nya muna ako ng mahigpit na parang life line.
Nasa sampung minuto rin yata kaming mag kayakap sa loob ng kotse nya. Nag attempt parin akong pakalmahin sya at mawala na yung mga kung anong ideas sa isip nya. Hanggang sa may kumatok na sa bintana ng kotse.
"Manang what is it?" Nag pigil ako ng tawa, till now yata kontrabida parin ang mayordoma ng mansion nila.
"Señorita nag aalala na ang daddy nyo" sa narinig wala na kaming choice kundi ang bumaba.
"Just don't let her get into your head" Bulong nya habang naglalakad kami papasok sa malaking bahay.
Sinalubong kami ng maliwanag na salas nagparamdam ang nerves ko ng makita sila at parang usherette na binati pa kami. Tumayo ang dad nya para yakapin kaming dalawa, di mawala ang ngiti nito sa labi.
"We're really glad to have you two, right Serena?" Nag ikot ng mata ang ginang sa pagkaka upo meron itong iniinom na wine sa tabi.
"What's the big deal?" Naupo ako sa tapat nya mismo at tinitigan sya sa mata.
"Magandang gabi po" Walang ngiting bungad ko.
"Nagkita tayong muli, I can't say that I'm thrilled to see you again" Naka krus ang brasong balik nya.
"Don't worry ma'am, the feeling is mutual" Mahina itong natawa. With all the regalness anyone could muster.
"Serena you promised to behave" Naupo ang dad ni Natasha sa tabi ng asawa.
BINABASA MO ANG
Devilishly Gorgeous (wlw)
RomantikWala sa mga future plans ni Trixie ang magkaroon ng boyfriend or girlfriend, sa dami ng problema nya di nya na kayang magdagdag pa ng i ja-juggle. Masaya na sya sa mga secret crushes na syang pinag kukuhanan nya ng inspiration. When she met Natasha...
