Chapter Twenty-one

3.3K 99 10
                                    

Drama is waving at you,wave back!😆-AN

-----


Mahaba ang naging paliwanag sakin ni señiorita habang ini isa isa ang mga tamang course na dapat kong kunin. Nalalapit nanaman ang pasukan at nakaka gulat kung gaano kabilis lumipas ang mga araw.

"Señorita kung ano pong sa tingin nyo ay dapat kong kunin, iyon nalang po ang kukunin ko" Naka ngiting sagot ko, habang may mga papel syang pina pabasa sakin.

"Trixie no, ikaw dapat ang mag decide kung ano talagang gusto mo" Balik nya.

"Ang gusto kolang po maka tapos ng pag aaral" Bumaba ang mata ko sa mga pamphlets na nakuha nya pa mula sa iba't ibang university.

"Okay, gusto mo bang mag trabaho sa kompanya? Naisip ko na kung major in business ang kunin mo, after mong mag aral ipapasok na kita as one of my team" Kahit na na kwento na sakin ni ma'am Precious.

Hindi parin ako maka paniwala na totoo ngang plano nya akong alukin pumasok sa kompanya nila. May init na humaplos sa puso ko na kaagad nag travel sa mga mata ko.

"Señorita malaki po ang pagpapasamalat ko sa lahat at matutuwa po ako na mag trabaho sa inyo" Hinagod-hagod nya ang likuran ko.

"Trixie investment lang ito kasi sure ako na after mong maka graduate pag aagawan ka na ng mga kompanya" Kahit na anong sabihin nya sakin dina mawawala yung utang na loob ko sa pamilya nila.

Dahil kung di nila ako binigyan ng opportunity kahit pa sabihin matalino ako alam kong wala rin namang pupuntahan iyon. Kaya lahat ng loyalty na meron ako nasa kanila lang.

"Salamat po pati narin po sa pag tulong kay Roxanne" Noong malaman nila ni señorita Jade na plano ko ng i enroll si Roxanne tinulungan din nila ako para mangyari iyon.

"Sus Trixie puro ka thank you dyan na i stress nako. Baka mamaya isipin pa ni Iris na inaway kita dito pag labas mo. Wag ka ng umiyak" Suminghot singhot ako.

Diko lang mapigilang pangunahan ng mga emosyon ko, hindi ko alam kung paano ako naka tagpo ng mga taong ganito. Kahit hindi nila ako pamilya parang isa narin ang turing nila sakin.

"Mas pagbubutihin ko po ang pag aaral at mas sisipagan ko rito" Pangako ko.

"About that nga pala, nag usap na kami ni manang na kapag nag simula kana sa university titigil ka ng mag trabaho dito" Napa nganga ako at kaagad na inisip kung anong nagawa kong mali.

"Ano pong nagawa ko?" Kinakabahang tanong ko, naka hinga lang ako ng tumawa sya.

"Wala kang nagawa, nasabi kasi sakin ni Iris na kung pagsasabayin mo ang pag aaral at pag ta trabaho dito siguradong mahihirapan ka" Mabilis na tumibok ang puso ko ng malaman yung concern sakin ng señorita ko.

"Kaya ko naman señorita" Umiling sya.

"No mag focus ka nalang sa studies mo saka nasabi naman na ni manang na ipapasok nya nalang yung anak nya rito. Sino nga iyon? Nakalimutan ko yung pangalan" Napa nganga nanaman ako.

"Si Meredith po?"

"Aha! Yon nga. Yeah kasi daw naka tambay lang sa bahay" Ano kayang magiging reaksyon ni Meredith kapag nalaman ito?

"Sigurado po ba kayo? Ano po,kahit na half day nalang para maka tulong parin ako" Ngumiwi ako ng samaan nya na ako ng tingin.

"Trixie wag ka ng makulit ,okay? Nakapag decide nako" May finality ang tono nya kaya natahimik na ako. "So what's the update?" Tanong nya maya maya habang sinasagutan kona ang requirements sa papasahan nyang university.

Devilishly Gorgeous (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon