"Uy ano to?" Pangatlo na si Jane sa naka pansin ng suot ko, ilang linggo narin naman ng ibigay ni Natasha ito sakin.
Kaya lang nung mga unang linggo hindi ko ito isinuot dahil sa gusto kong solohin yung mga nangyari. Gusto kong maging intimate para saming dalawa lang pero nag da drama ang girlfriend ko na siguro daw ikinahihiya ko sya. Na hindi kahit kailan naging totoo.
Wala na akong nagawa ng isuot ito ngayon para ipakita at patunayan sa kanya kung gaano ko ipinagmamalakai ang relasyon namin. Ang unang naka pansin ng singsing ay si Roxanne. Mula nung graduation inamin kona sa kanya ang tunay na relasyon namin ni Natasha.
Natuwa ang kapatid ko sa nakita at narinig na kwento habang ang susunod naman ay si tiyang. Nagulat sya ng makita nya ito at natanong kung saan ko nabili dahil maganda raw at hindi halatang peke. Kung alam nya lang.
"Promise ring?" May pag a-alinlangang sagot ko.
"Promise ring? So nag promise na sya na magpapa kasal kayo in the future?" Doon di ako nag dalawang isip na tumango.
"Noong pinaka unang beses naming nag palitan ng i love you's" Turan ko.
"Bakit hindi kopa nakikilala itong girlfriend mo? Tapos meron na kayong ganito?" Malungkot na sagot nya.
"Sorry gusto ko rin naman na makilala mo na sya" Kaya lang hindi pwede, kahit na gaano kopa kagusto- ang bulong ng utak ko.
"Eh bakit mag ka-kalahating taon na kayo, nag break na kami't lahat ni Iñigo dimo parin sya pinapakilala?" May accusations na ang boses nya.
"Jane pangako kapag nag tagpo ang sched natin tatlo makikilala mo narin sya" Pangako ko kahit pa wala akong planong tuparin iyon.
"Ewan ko Trixie, Ikina-kahiya mo ba ako?" Bakit ba palaging iyon ang naririnig ko? Kapag wala na silang maisip na ipang counter sakin?
"Hindi kita kina kahiya, okay. Mag uusap kami ni Heart ko at tatanungin ko sya kung kailan pwedeng mag meet kayo" Ngumiti sya.
"Sige aasahan ko yan" Nag patuloy na kami sa paglakad papunta sa auditorium.
Napakalaking araw namin ito dahil ito ang unang araw namin sa bagong University. Habang wala parin kaming ideya sa mga gagawin at mamaya lang magkaka hiwalay na kami dahil wala namang pareho sa kinuha naming course.
Nakinig ako sa introductory speech na diko din ine-expect. Bago mag padala sa mga isipin ko, hindi ako tinigilan ng nanay ni Natasha kundi sya magpapadala ng tao sa bahay para alukin ako ng pera, makaka tanggap ako ng mga messages.
Ultimo sa panaginip ko lumilitaw sya, hindi kona rin alam kung paanong way ko pa sya tatangggihan. Nauubusan na kasi ako ng mga creative ways para mag sabi ng hindi.
Kinuha namin ni Jane ang schedule namin matapos doon saka kami nag paalam sa isa't isa at tinungo ang magka bilang direksyon. Hindi na ako nahirapang hanapin ang silid dahil sa ilang beses na rin kaming pumunta dito ni Jane para makita ang kabuuan ng MIU.
Nag pakilala lang din naman ang unang professor namin na si Ms Valdez na syang professor ko sa Finance. Habang nagsasalita sya pinilit kong i focus sa kanya ang buong atensyon ko.
Hindi ko rin alam na pwedeng maubos ang energy ko ng araw na iyon sa pakikinig ng mga introduction at paghahanap ng tamang silid. Ganoon lang din ng matapos ang araw.
Sabay kaming umuwi ni Jane na mas nagutom sa mga nalaman pero mas mukhang nag enjoy sya. Medyo nakaramdam pa nga ako ng selos ng pagkakita ulit sa kanya marami na syang ka-kwentuhan at nakikipag tawanan pa.
Samantalang ako, wala akong kahit na isang kina usap kanina sa mga lessons ko, maliban pala doon sa isang lalaking ilang beses kong sinabihang umusog para makita ko ang board.
BINABASA MO ANG
Devilishly Gorgeous (wlw)
RomanceWala sa mga future plans ni Trixie ang magkaroon ng boyfriend or girlfriend, sa dami ng problema nya di nya na kayang magdagdag pa ng i ja-juggle. Masaya na sya sa mga secret crushes na syang pinag kukuhanan nya ng inspiration. When she met Natasha...