Chapter 5
Nagsilingunan kami kung saan nanggaling ang malakas na palakpak.
"Guys, faster! Kulang na tayo sa oras!" hindi na magkanda-ugaga ang lahat na ubusin ang pagkain nila dahil kunoot noo nang naghihintay si Abby sa gilid ng mahabang mesa kung nasaan kami.
"Huwag niyong kakalimutan ang props mas lalo na ang script. Bigyan ko pa kayo ng two minutes. Bilisan niyo na." tumingin siya sa suot na wrist watch at inoorasan ang natatarantang mga ka-grupo. Inubos ko na rin ang waffles na binili ko.
"Elgort, ikaw ang magdala ng light reflector at ng tripod." Baling niya sa isa na busy sa hawak na cellphone. Tumango ito sa kaniya at nag-salute.
"Trini, magbihas ka na for next scene. Ikaw din, Diva." Inikot niya ang tingin habang chine-check ang mga gamit para sa shoot. Sandali siyang nahinto at napahawak sa baywang nang may mapagtanto.
"Teka nga, nasaan ba si Jojo?"
"Nilapitan noong isang soccer player nagpapasama yata. Sinaway ko na huwag kasi mag-su-shoot na tayo pero sabi ni saglit lang daw." Sagot ni Elgort. "Ewan ko sa babaeng 'yon."
"Hay naku naman! Puro stress na naman ang binibigay niyo sa'kin. Sila Topher ba nakapag-start na?" hinila siya ni Trini para maupo.
"Umupo ka nga. May isang oras pa tayo bago mag next subject. Huwag kang aligaga riyan."
"Kahapon pa sila nag-start mag-shoot, Abby. Nagpasama si Anne sa'kin kahapon sa library." Si Elgort ang sumagot. Mas umasim ang mukha ni Abby sa sagot na 'yon.
"Spy ka sa kabilang grupo, ah." Biro ni Diva.
"Sus. Wala naman paki si Topher. At the end of the day, alam niya siya rin number one sa huli."
"Tumigil ka nga! Mas lalo mo akong hinihikayat na maghigpit sa inyo. Teka nga, anong oras na pala! Nasaan na ba 'yong iba?" tumagal ang tingin ko kay Abby. Hindi ko alam na ganito sila ka-competetive. Kinuha niya ang cellphone at inilagay ito sa tainga.
"Jocelyn, sa isang minuto at wala ka pa rito, lumipat ka na roon kila Christopher para lagi mong makikita ang mukha ni Theordore! Bye!" malalim ang buntong hininga niya matapos ang tawag dahil hindi siya halos huminto magsalita.
"Jusko, 'pag nagsama 'yang si Jojo at Theo baka mababalitaan ko na lang na tumalon sa tulay 'yang si Topher." Biro ng isa pa naming kasama. Natawa ang lahat. Hindi ko maiwasang sumang-ayon. Saksi ako sa walang hanggang sagutan ng dalawang iyon. Minsan talaga ay hindi na maawat dahil parehas na may pinaglalaban sa buhay.
"Only Jojo can do," natatawang sabi ni Elgort habang tinuturo ang parking kung nasaan nakatayo ang kaibigan niyang Theo, nakahawak ang kamay sa baywang at nakatingin sa taas, humihingi ng kaunting pasensya sa Maykapal. Sa harap niya ay nakangising si Jojo na malditang nag-flip hair bago talikuran ang isa.
"Episode 911 of bangayan," sabi ni Trinity habang kinukuhanan ang pangyayari sa parking lot. Napailing na lang kaming lahat at mahinang natawa. Pero nang handa na kaming magsitayo ay nakita namin ang nag-iisa at malapit nang sumabog sa inis na leader. Her arms were crossing, her lips in lined, and her eyes brows are furrowed.
I saw Trinity bit her lips and slowly get up in her seat. She looked at us and wiggled her brows like it was the cue. We exchanged glances and everyone sneakily did the same.
"Tara na, guys." She whispered nervously. Sure enough, we heard a loud roar from the leader of the pack. The wolf didn't mind the people eating in the canteen or the ones walking around the corner and still shout from the top of her lungs.
BINABASA MO ANG
Dear Me
Teen FictionPaano kung isang araw bilang susulpot ang future self mo sa kalagitnaan ng pagsuko? Paano kung gawin niya ang lahat para lang lumaban ka dahil sa'yo nakataya ang lahat ng pinaghirapan niya? Dahil sa'yo lang nakasalalay ang hinaharap at siya ang 'yon...