Chapter 6
Mabilis na lumipas ang araw. Naging busy din ang natitirang araw noong linggo na 'yon. Hindi pinalagpas ni Abby ang mga araw kahit sabado at lingo ay tinapos namin ang lahat ng scene kahit ang mga kakailanganin kunan sa ibang lugar. Hindi ako makaniwala sa biglaang pagpunta sa Tagaytay para lang sa gawing background ang Picnic Groove. Gamit ang ilang sasakayan at van nila Jojo at nila Elgort at nakarating kami roon. Nag-commute lang ako noong pumunta kami sa tapat ng school dahil doon lang ang meeting place. Nabigla na lang nang sabihin ni Abby na sa Tagaytay muna ang tungo namin tapos babalik din kami agad para tapusin ang ibang scene.
Kita ko pa ang tuwa sa mukha ni Gerard noon nang makapunta sa Tagaytay. Sabi niya first time lang daw niyang makarating doon dahil hindi naman daw uso ang bakasyon sa katulad niyang sakto lang lagi ang budget. Hindi rin daw hobby ng mga katulad niya ang pumunta sa lugar na tulad nito kapag na bo-bored. Hindi ko alam kung biro ba 'yon pero nagtawanan sila matapos noon.
Mabilis din kami bumalik agad noon matapos ng ilang picture taking. Hindi kami nagkaroon ng time para makakain on the way dahil sayang daw ang oras sabi ni Abby. Maraming nagreklamo syempre dahil sayang daw kasi nandoon na pero tapos masusulit pero dahil si Abby ang nagsabi, wala na kaming nagawa.
Kila Abby kami nag-lunch noon at ako na ang nag-volunteer na sumagot sa pagkain. Tumawag ako kila ate Jelly, ang manager ng Tahanan na lubos na pinagkakatiwalaan ni Mommy. Si Kuya Tres pa ang nag-deliver. They tried to stop me from doing that. Sabi nila nakakahiya raw kasi ang dami namin but I insisted. Wala na nga akong ibang maitulong kaya busugin na lang sila.
"Okay lang ba talaga, Lily? Ang dami natin baka masyadong mahal." Alalang-alala ang mukha ni Trinity. Kita ko rin ang pagsang-ayon sa mukha ng iba at nasa akin ang tingin nilang lahat.
"Papaluto na lang ako rito sa bahay para hindi na tayo gumastos, Isa pa, you are all my responsibility ngayon. Okay lang ba sa inyo? Kaso baka medyo matagalan." Napasimangot bigla ang iba kay Abby at hindi maipagkakaila na gutom na talaga kaming lahat. Kaya sa huli, wala silang nagawa kung hindi ang um-oo sa offer ko at mabilis lang ay dumating na agad ang pagkain.
I couldn't help to mentally smile when I saw them enjoying the food. Masarap talaga ang luto roon pero madalas ang focus nila ay seafood na hindi ko ganoon kagusto. Sa tingin ko unti-unti na ring lumiliit ang pader ko sa kanila at ganoon din sila sa'kin. Madalas na rin nila akong kinakausap na pinangungunahan ni Abby. Nandoon pa rin ang minsang pag-iiwas ng tingin ni Gerard sa t'wing magkakasalubong kami pero minsan nakakaya na niya akong tignan mas lalo kapag nagtatawanan kaming lahat. Hindi ko alam kung normal na magtatlong buwan ko na rin silang kasama pero ramdam mo 'yong malaking distansya mula sa akin at sa kanilang lahat. Pero isinawalang bahala ko na 'yon. Hindi dapat pinipilit ang mga bagay.
Natapos namin ang Film at pinanood 'yon sa buong klase. Maganda ang gawa pero masasabing mas lamang talaga ang gawa ng kabilang grupo. Mas okay ang naging shots ng kanila at astig ang mga naging transition. Sa huli ay meron pang jaw-dropping plot twist. Naging malaking pagkakaiba lalo ay ang istorya ng dalawa. Kung gaano naging komplikado ang plot namin na siya namang isinimple ng kanila. Umiikot lang ang kwento sa Nanay na may anak na babaeng college student at kasama pa sa istorya ang isang bata na nasa lima or apat na taong gulang pa lang. With that simple plot, relatable lines, and realistic characters, they pulled off a best short story.
BINABASA MO ANG
Dear Me
Teen FictionPaano kung isang araw bilang susulpot ang future self mo sa kalagitnaan ng pagsuko? Paano kung gawin niya ang lahat para lang lumaban ka dahil sa'yo nakataya ang lahat ng pinaghirapan niya? Dahil sa'yo lang nakasalalay ang hinaharap at siya ang 'yon...